Chapter 4. CHAT

5 0 0
                                    

Magdadalawang buwan na ang nakalipas noon ng magkahiwalay kami ni Ton,  ngunit hindi pa rin nya ako tinitigilang suyuin.  Kahit na nagpalitan kami ng masasakit na salita ay matatag pa rin syang nanunuyo.
Malapit na ang kaarawan ko noon ilang araw bago ito dumating.  May isang message ang napansin ko na bago sakin.
"Kamusta Chie?" Yan ang agad kong nabasa sa mensahe na nakita ko.
Sa pag iisip ko agad kong nalaman na si Angelou pala ang lalaking ito.
"Uy. Ayos lang naman, kamusta ka na din?" Sa sobrang gulat ko ay hinayaan ko na maging maganda ang usapan naming dalawa.  Chie,  ang first time kong narinig na itawag sakin ni Angelou. Tuwang tuwa nung magkausap kami at excited akong malaman ang kwento tungkol sa kanya.  Kaya nagpatuloy pa ang usapan namin,  umabot ito sa araw ng birthday ko kung saan may isang lalaki ang dumating sa bahay namin.
"Ton? Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong pagtatanong habang waring pinapalabas ko sya sa loob ng bahay.
"Mitch,  surprise.  Happy birthday." Tugon nito habang nakangiti.
"Mali tong ginagawa mo,  alam mo na wala na tayo diba. Ayoko na gawin mo to dahil alam naman natin na hindi na talaga pwede." Mangiyak ngiyak kong sagot sa mga ngiti nya.
Hindi ko na hinarap si Tonton,  at umakyat na ako sa kwarto habang umiiyak.  Nanumbalik lahat ng sakit na nangyari sa aming dalawa.  At aminado akong masakit din para sakin. 
Hindi ko na kinaya at iyak pa din ako ng iyak.  Habang kausap ko sa chat si Angelou,  ay ang syang pasunod sunod na pagpatak ng luha ko.
"Tawag ka nga" Chat ko kay Angelou.  Sabay nya ngang hiningi ang cellphone number ko. At ibinigay ko ito.
"RINNNNNNNNNGGGGG"
"Hello?" Umiiyak kong pagsagot sa tawag ng isang number na di nakasave.
"Oh,  bat ka umiiyak? Anong nangyari? Nasa inuman kasi ako e.  Lalayo muna ako at kakausapin kita." Tugon nya ngunit hindi mapapansin na nakainom sya. 
"Nandito kase si Tonton,  ang sakit sakit lang." Sagot ko na lamang sa kanya.
"OH? Anong ginagawa dyan? Wag ka ngang umiyak ang panget sayo.  Di bagay." Pagpapatahan nito sa akin.
"Nandito sya at may cake,  teddybear at may paboquet ng rosas. Nanunuyo sya." Sagot ko habang patuloy pa din ang luha sa aking mga mata.
"Tumahan ka na nga dyan pre. Di bagay sayo yang ganyan.  Ang panget panget mo ang drama mo pa. Hayaan mo na sya muna. Gusto mo kausapin mo." Pagbibirong tugon ni Angelou.
Pagkatapos noon ay hindi ko na binaba si Tonton.  Hirap akong kausapin sya dahil sa ayoko na talagang masaktan pa namin ang isat isa. 

AFTER SIX YEARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon