MITCH POV.
Sa pangalawang beses na pagkikita namin bago ako umalis papunta sa pampanga ay naging kakaba kaba dahil may importante na sasabihin si Angelou.
Gumayak na ako at sinundo ni Angelou. Nang makarating na kami sa kainan ay naging magaan lang ang lahat. At matapos nun ay tumambay muna kami sa parking para makapag usap.
"Ano nga pala yung sasabihin mo sakin?" Pagtatanong ko habang nakatingin lang sa kanya.
"Tumingin ka sa mata ko." Sabay nyang hinawakan ang kamay ko.
Sa puntong yun ay nagtagpo ang aming mga mata.
"Ayan na oh." Sabi ko sa kanya habang napapangisi.
"Seryoso na." Tugon nya at mapapansin na seryoso talaga syang nakatitig lang sa akin.
"Sige seryoso na. Ano yun?" Sagot ko sa kanya sabay ngiti sa kanya.
"Alam ko na lahat ng past na nangyari sayo noon, tungkol sa ex mo. At ayoko na bitawan pa yung babae na nasaktan na. Ayoko na masaktan ka ulit, kaya gusto ko sana pag balik mo dito galing sa pampanga liligawan na kita. Seryoso ako. Totoo to." Sabi nito sakin habang nakahawak pa din sa kamay ko.
"Seryoso ka ba? Sigurado ka ba? Baka naman biro mo lang yan ah. Di magandang biro yan." Tugon ko sa kanya habang nakangiti.
"Seryoso ako. Pinag isipan ko din kasi nung una hindi ko sigurado. Pero ngayon sigurado na." Sagot nya sakin.
Sa mga oras na yun, hindi ko na pinigilan kung gusto nya akong ligawan. Sa tuwing maiisip ko na, dati gusto ko lang sya ngayon liligawan na nya ako. Sobrang sarap sa pakiramdam na unti unti ng nagagamot ang sugat na nararamdaman ko.ANGELOU POV.
Sa una hindi ko sigurado, pero ngayon masasabi kong sigurado na ako. At ayoko ng bitawan sya. Liligawan ko na si Mitch. Sobrang iba sya sa lahat ng babae na nakilala ko. Masaya ako sa tuwing kasama ko sya. At tanggap nya ako sa lahat ng nakaraan ko. Sobrang swerte ko na sa kanya kaya pagsusumikapan ko syang ligawan araw araw kahit dumating man na maging kami na.
MITCH POV.
Sa loob ng apat na buwan ng pagliligawan ko napatunayan na ibang iba si Angelou sa mga nakilala kong lalaki. Pinakita nya ang lahat ng katangian na gusto ko kahit hindi ko hingin. Sa kanya ko nakita ang isang lalaki na buong determinado na ibigay lahat ng kaya nya para lang maging matagumpay. Mapagmahal sa magulang, masipag, may passion sa bawat nyang ginagawa, may ginintuang puso, simpleng lalaki, at ramdam ko sa kanya ang kapanatagan at kasiyahan sa bawat segundo. Kaya't ng sumapit na ang ika-limang buwan at sa araw ng kanyang kaarawan. Naghanda ako ng surpresa para sa kanya.
"Mitch nasan ka?" Isang message ang natanggap ko galing kay Angelou.
"Gelo? Nasan ka? Wag mo na muna akong sunduin ha? Nasa school pa kasi ako. Happy birthday sorry kung di mo ako makakasama sa birthday mo." Pagpapanggap kong tugon sa kanya habang umiihip ng lobo na idedecorate sa kwarto nya. Sa mga oras na yun ay kabadong kabado ako na naghanda ng ganung surpresa sapagkat bago sa akin ang ganung bagay. Mabuti na lamang ay tinulungan ako ng kanyang pamangkin na maghanda nito. Hindi ko ramdam ang pawis na tumatagaktak sa aking buong katawan sa sobrang pagod habang ginagawa ko ang surpresa. Kinabit ko na ang mga lobo at mga litrato namin, pati ang mga regalo ay inayos ko na. Nang biglang....
"RINGGGGGGG.... RINGGGGGG.."
"Hello?! Uy gelo nasan ka? Dito pa ako school e." Kabado kong sagot sa tawag nya.
"Uuwi na sana kung di kana magpapasundo." Tugon nya.
"Sige, ingat ka ah." Sagot ko habang dali dali akong nagpapalit ng damit.
Iniayos ko na lahat ng nakakalat at nag ayos na nga ako. At pagkalipas ng 20 minutes ay dumating na nga sya.
"OH, Nandito na pala si Angelou." Sabi ng nanay ni Angelou na wari mo'y ipinaparating na magmadali na ako.
Tumayo ako sa gilid ng pinto nang makita ko na hindi ko pa pala nailabas sa kahon ang cake na ihahanda ko. Kaya't dali dali kong kinuha at sa sobrang katarantahan ko ay naibato ko ang kahon na nagbunga ng ingay.
"Oh, may daga ata sa kwarto mo tignan mo nga." Pagpapalusot ng nanay nya.
At sa segundong yun ay nagbukas na ang pinto ng kwarto at dun nya nakita ang surpresa ko.
Ngatog na ngatog ako sa kaba.
"SURPRISE!"
Agad nya akong niyakap.
"Putukin mo yung namumukod tangi na kulay sa gitna ng mga lobo." Sabi ko sa kanya habang nakayakap sya sakin.
Agad nya naman itong ginawa at doon nya nakita ang isang maliit na papel at may nakasulat na Yes. Sa pagkakataon na yun ay sinagot ko na sya. Sobrang sarap sa pakiramdam na muli akong nagtiwala na magmahal, sumubok ako kahit mahirap. Dahil sa umpisa palang, naniniwala ako na bago mo mahalin ang isang tao ay mas kailangan na magtiwala ka muna. At dun mo malalaman na nagmamahal ka. Alam ko sa sarili ko na nagtiwala ako sa kanya nung una palang kaya sigurado ako na mahal ko talaga sya. At masasabi kong ang "crush ko noon, ay boyfriend ko na ngayon. "
BINABASA MO ANG
AFTER SIX YEARS
Novela JuvenilAUTHOR Imagine "Crush mo noon, boyfriend mo na ngayon" Ang kwento na ito, ang syang magbibigay ng pag asa sa bawat tao na darating din ang tamang oras para sayo. Maghintay ka lang, Kung kayo man KAYO talaga. Pero sino nga bang makakapagsabi kung kay...