Makalipas ang isang taon, Senior Highschool Grade12 na ako kung tawagin. Dalawang taon bago ko makuha ang apat na taon kong kurso sa kolehiyo. Bago sa akin ang makapag aral sa pribadong paaralan dahil sa galing ako sa pampublikong paaralan lang. Wala sa aking isipan ang ilang bagay maliban na lamang sa pag sali sa mga pacontest sa aming paaralan. Nakahiligan ko na kasi ang pagsali sa mga ganitong uri ng kompetisyon. At sa kabutihang palad ay nanalo naman ako. Nagpatuloy din ang aking kasipagan sa pag aaral. Hanggang sa dumating ang isang araw.
"Ang dami mo ng friendrequest ah, di mo inaaccept?" Pagtatanong sakin ni Mae.
"Ay oo nga e. Alam mo naman na ayoko na magaccept iwas poser you know naman diba." Tugon ko kay Mae habang hawak hawak ang cellphone ko at nagbabasa ng mga friendrequest list ko. Thousand Plus na ang dami nito. Kung bakit ako malimit sa pagaaccept dahil sa ayoko na maulit ulit na maposer ako. Ayoko kayang mainlab sa isang poser gaya ni Mark Ton. Way back before mag kalahati ang taon ko sa Grd. 11, ay may nakilala akong isang lalaki na di ko aakalain na poser pala. At yun ang ayoko ng balikan. And came back here sa kasalukuyan may isang name sa friendrequest list ko ang nakaagaw ng pansin sa akin.
"Ton agadal? Oh teka allergic ka dito mitch. Wag mong iaaccept yan. Baka sya na naman yan. Allergic ka sa Ton na name diba?" Pagkikipag usap ko sa sarili habang inistalk ang misteryosong lalaki na ito.
Lumipas ang ilang araw bago ko ito tinignan ulit. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay inaaccept ko ito.
"Hi." Isang mensahe mula sa messenger ang nakita ko na galing kay Ton.
"Hello? Kilala ba kita?" Agad kong inireply sa kanya na may buong lakas ng loob na akusahan na sya din si Mark Ton na poser.
Sa patuloy na pakikipag usap ko doon ko nalaman na hindi pala sila iisa. Magkaiba silang tao at aaminin kong mabait si Ton. Taga Valenzuela sya at malayo ito kung saan ako nakatira. Hanggang sa tumagal na ang usapan namin, umabot na kami ng isang buwan at ng nagkapalagayan na ng loob ay nagkita na kami personally.
"Hi. Mitch right?" Isang lalaki na lumapit sakin at nagpakilalang sya si Ton.
"A----hh? Ikaw, si Ton?" Bigkas ko habang kinakabahan sabay sabi ko na "Nice to meet you."
Sa mga oras na yun ay hindi na namin sinayang ang araw para magkakilanlan kami. Namasyal kami loob ng mall kung saan kami nagkita. At habang tumatagal ay masasabi kong mabait nga syang tao.
Dumaan ang maraming buwan, at nagtapat sya ng nararamdaman nya para sakin. Tinanong nya rin ako kung pepwede ba nya akong ligawan. Sa mga oras na yun, ay pumayag na ako na magpaligaw dahil sa gusto ko na rin sya. Limang buwan din ang naging ligawan at sinagot ko na sya. Naging maganda ang pagsasama sa unang pitong buwan. Kahit na may mga umaaligid na lalaki sakin ay naging faithful ako. Kahit na dumating pa nga ang time na nagchat at nangangamusta sakin si Angelou. Wala na rin kasi sa akin ang lahat ng nakaraan dahil sa matagal na ito. Hanggang dumating ang ika walong buwan ay mapapansin na unti unti ng nawawalan ng sigla ang relasyon naming dalawa. Hanggang sa nag isang taon at nagkahiwalay na nga kami. Ako ang nakipagbreak dahil sa ibat ibang dahilan na alam kong sinabi ko sa kanya noon pa man. I want him to be a better person, and that time i know na hindi ako ang babae na makakapagpabetter sa kanya. So i let him go but he didnt want to let go.
BINABASA MO ANG
AFTER SIX YEARS
Teen FictionAUTHOR Imagine "Crush mo noon, boyfriend mo na ngayon" Ang kwento na ito, ang syang magbibigay ng pag asa sa bawat tao na darating din ang tamang oras para sayo. Maghintay ka lang, Kung kayo man KAYO talaga. Pero sino nga bang makakapagsabi kung kay...