Chapter 2. YOU AGAIN?

4 0 0
                                    

Thirdyear highschool na ako at sa bawat araw na dumadaan sa akin ay hindi naging madali ang buhay estudyante ko. Mahirap na mga lesson, lecture, assignment, project, exam lahat na nakakapanget sobra. Kalagitnaan na noon ng klase at excited na naman akong matapos ito para maging fourthyear highschool na ako at makagraduate na.  Uso pa noon ang Clan,  at mga Plug.  Nawiwili ako sa mga to, ito na rin ang nakakatanggal ng stress ko minsan sa school. Clan kung saan grupo kayo na may mga pag uusap.  Plug naman kung gusto mong may makausap ay ibabahagi nila ang number mo sa iba pang contacts. May ibat iba na akong nakausap mula sa mga Plug, at nawawala rin ito kapag naging busy na ako ulit.  Lumipas ang ilang linggo.
Nakaupo ako sa kwarto kung saan ako nagcecellphone. Nang biglang.
"Opps.  Meron na namang plug.  Dumarami na kayo ah,  teka teka." Tinignan ko ito at binasa.  Isang pangalan ng lalaki ang pamilyar kong nabasa mula sa Plug na naisend sa akin.  Hindi ko maalala at pilit kong tinatandaan. Dahil nga sa curious ako tinext ko ang numero na nakalagay sa ibaba ng pangalan nya.
"Hi" "Hello" Ang mga unang palitan namin sa text.  Sa pangalawang pagkakataon,  tinanong nya ang pangalan ko. At agad akong tumugon rito.
Mahaba haba na ang usapan ng biglang
"Kaibigan mo si Rose?" Tanong nito sa text.
"Oo, kaibigan ko.  Kilala mo sya?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Ikaw pala yan yung kaibigan ni Rose,  yung palagi nyang kasama" Sa mga oras na yun tugon lang ang naisasagot ko.
"RINNNNNNNGGGGG"
Agad kong sinagot ang tawag mula sa kanya.
"Hello?"
"Hello mitch,  ikaw pala to.  Hehe,  kaibigan ka ni Rose diba?  Palagi nyang kasama."
"Oo nga ako nga siguro yun.  Hehe,  kilala moko?" Pagtatanong ko habang nawewerduhan na.
"Ako to si Angelou,  yung dating sinisitsitan nyo palagi ni Rose." Sagot nya.
Sa mga pagkakataon na yun ko naalala lahat. Aaminin ko na hindi ko sya natandaan agad dahil sa taon na rin ang nakalipas at nakakalimot na rin ako sa mga tao na hindi ko na nakita ng matagal. Nagpatuloy lang ang usapan namin noon. At sa mga sumunod na araw ay napag uusapan na namin ang mga nakaraan naming pagkakakilala.
Hanggang sa lumipas na ang ilang buwan ay nawala na naman ng di inaasahan si Angelou. Sa pangalawang pagkakataon dumating na naman sya sa buhay ko at umalis din. Hindi na ako umasa sa mga pagkakataon na yun.  Taon na rin ang nakalipas kaya wala na rin akong nararamdaman sa kanya.  Natutuwa nalang ako sa pagkakataon na nagkausap kami noon.  At aaminin ko na sa mga panahon na yun ay may iba na akong nagugustuhan.  Si Ken,  kabatch nya si Angelou at hindi sila nalalayo sa itsura.  Naging maganda ang pagkakaibigan namin ni Ken kaya't niligawan nya ako at makalipas ang apat na buwan ay sinagot ko na sya.  Nang magfofourthyear na ako ay di inaasahan na sa pangalawang pagkakataon ay masasaktan na naman ako hindi dahil kay Angelou kundi dahil kay Ken.  Bata pa ako noon kaya wala pa akong alam kung paano ko ilalaban ang feelings ko.  Kahit mahal pa namin ang isat isa ay isinuko namin ang halos mag aanim na buwan naming relasyon.  Kaya mas pinili ko na lamang na ituon ang atensyon sa pag aaral sa ikaapat na taon ko sa highschool. Marami ang dumaan sa buhay ko na nagtangka na manligaw sa akin ngunit hindi ko na pinasok ang relasyon na ganito. Hanggang sa dumating na ang graduation day.  At nakapag aral na nga ako sa isang pribadong paaralan.

AFTER SIX YEARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon