Finley's POV
Nandito na ako sa loob ng classroom ko. Nakakailang lang kasi kanina, pagpasok ko tumingin silang lahat sakin. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila.
Habang nakaupo ako ay may biglang lumapit sa akin. Lalaki, maputi, at sa tingin ko isa syang bakla? Pero huwag tayong judgemental.
"Uh? Hi" naiilang na bati niya.
"Hello" malamig na bati ko sakanya at mukang nagulat naman siya. At may binulong pa.
"Taray anlamig ha"
"May sinasabi ka?" tanong ko sakanya.
"W-wala, ako nga pala si Sid Adler, at nga pala I'm gay" nakangiting sabi niya. Okay tama ako sa hula ko.
"I'm Finley Emerson" matipid na pagpapakilala ko
"Ahm so...friends" sabi niya at nakalahad. Napabuntonghininga naman ako bago yon tinanggap. Sana naman matiis niya ugali ko.
"Sige. Friends" sabi ko naman
Daldal lang siya ng daldal mabuti na lang ay dumating na ang professor at bumalik na siya sa upuan niya na di naman kalayuan sa akin. Kasunod naman niya yong nakabanggaan ko kanina nagsmirk naman ito sakin. Tinignan ko lang naman siya.
Dumiretso naman ito sa pinakalikuran at may tatlo pang lalaki ang nakaupo doon. Hindi ko na lang pinansin at tumingin na sa professor.
"Goodmorning class I'm professor Aldrick Mendez call me Professor Mendez. I will be your Homeroom teacher at the same time English Teacher." sabi ni prof. "Okay so magpakilala muna ang lahat, mag start sa likod." sabi ni prof kaya tumayo naman ang nakaupo sa likod.
"Goodmorning everyone my name is Lucas Anderson" nakangiting sabi nito. Nagtilian naman ang mga kaklase ko
"Mason Eli Carson" ani ng katabi niya nang hindi manlang ngumingiti.
"Aaron Caleb Jones at your service" sabi ng isang lalaki at kumindat pa
"Jacob Cole Davis" at ngumiti ng maloko. Pagkatapos magpakilala ng apat ay lumakas ang tilian ng mga babae. Napabuntonghininga na lang ako. Sino ba ang mga ito?
Nagtuloy tuloy ang pagpapakilala ng ibang mga kaklase ko hanggang sa ako na ang susunod. Tumayo naman ako at nagsalita.
"Finley Denver Emerson" maikling pagpapakilala ko at umupo agad. Ang mga kaklase ko naman ay parang nagulat pa sa boses ko. Hindi ko na lang pinansin ang mga reaction nila.
Nagtuloy tuloy ang pagpapakilala ng iba at si Sid na.
"Goodmorning classmates! Sid Adler is the name. And I'm gay i hope i can be friend with you all!" jolly na pagpapakilala niya. Buti nga at proud siya na ipakita ang totoong gender niya. Buti na lang at okay lang sa mga kaklase namin. Pero may iba naman na parang nandiri tch! at mga babae pa.
Nagpatuloy pa ang pagpapakilala ng iba at natapos na.
"Okay class because you are all finish introducing your names. Pwede kayong lumipat ng upuan and that will be your final seats" pagkatapos iyon sabihin ng professor ay mabilis namang nagsitayuan ang mga kaklase ko. Ako naman ay lumipat din sa second to the last na upuan. Malapit sa bintana. Napatingin naman ako sa right side ko at nakita ko si Sidney. Nginitian niya naman ako kaya tumango na lang ako.
Napatingin naman kami sa likod at nakita namin na doon umupo sila Lucas at mga kaibigan nito. Nakatingin naman lang naman siya sa akin habang paupo siya. May problema ba ito sa akin. Napaurong naman ako ng konti nang lumapit siya sa akin at may binulong.
"Be ready nerd" usal niya ng nakangisi. Tinignan ko lang naman siya ng parang walang pake kaya nawala ang ngisi niya sa muka at inis na umupo.
"Hoy Fin ano yong binulong ni Lucas sayo?" nagtatakang bulong niya. Nagkibit balikat na lamang ako. Hindi na siya nagtanong ulit.
Nakinig na lang kami kay prof nag didiscuss na kasi ito kahit first day pa lang.
***
theredcat-
YOU ARE READING
The Cold Nerd (BxB) (HIATUS)
RomanceFinley Denver Emerson- The Cold Nerd Lucas Anderson- The oh-so called rich student What will happen if this two person will meet? ***** Taglish