Finley's POV
Naglalakad na ako ngayon papasok sa campus at wala namang nangyari sa akin. Siguro ay niloloko lang ako ni Sid nang sinabi niya yon. Tinitignan nga lang ako ng mga students.
Nilagay ko na ang iilang gamit ko sa locker. Pagkatapos ko mailagay ay sinarado ko na ang locker ko at nagsimulang maglakad papunta sa classroom.
Medyo maaga pa naman kaya pupunta muna ako ng library para mag-advanced reading-
Naputol ko ang nasa-isip ko ng may nag buhos sa akin ng isang timba na may lamang sobrang malamig na tubig at parang may nilagay pa silang ice, napapikit ako na maramdaman ko ang lamig hanggang sa kalamnan ko.
Nang matapos silang magbuhos ng tubig ay dinilat ko ang mata ko at nakita kong marami ng nakalibot na mga estudyante sa akin at nakatayo naman sa harap ko Lucas at kasama ang dalawa niyang kaibigan na sina Jacob at Aaron. Nagtaka naman ako kung bakit wala si Mason.
Ngumisi naman si Lucas sa akin at unti-unting lumapit. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at nanatili lang akong nakatingin sa kanya ng malamig.
"So ano nerd masarap bang maligo ng malamig?" nang-aasar pang tanong niya sa akin
"Oo naman salamat sayo at pinalamig mo ang sistema ko, hindi na ako inaantok" sabi ko at malamig na tiningnan ang mata niya. Muka naman siyan naasar at mas nilapitan ako lalo.
"Talaga ba?" bulong niya sa tenga ko at naramdaman ko naman ang mainit niya hininga.
Tinignan ko naman siya sa mata at sasagot na sana ng may tumawag sakin.
"Hala OMG! Fin!!"
"Finley!"
Pagtingin ko ay si Sid at Mason pala. Mabilis naman akong nilapitan ni Sid at pinunasan ang ulo ko. Lumapit rin sa Mason sa akin. Pagkatapos niya akong tignan ay humarap siya kay Lucas.
"What's this Lucas?" mahinahong tanong ni Mason sakanya
"Why 'wag mong sabihin na kakampihan mo yang nerd na yan" parang natatawa pa ito
"Why are you doing this? Kapag nalaman nanaman ito ng tito mo magagalit nanaman 'yon" seryosong sabi niya kay Lucas at hindi sinagot ang tanong sakanya
"Hindi naman malalaman ni tito kung walang mag susumbong" sabi niya at tiningnan ang mga studyanteng nakapalibot sa amin.
Mabilis naman silang tumango at nag-iwas ng mga tingin. Nagsi-alisan na rin sila kaya kami na lang ang natira dito sa hallway.
"Hindi lang yan nerd ang matitikman, maghintay ka lang. Tara!" pagkatapos bumulong sa akin ay niyaya niya na sina Aaron at Jacob. Tatawa-tawa pa siya habang may sinasabi sakanila. Nang hindi na namin sila nakita ay nagulat naman ako ng may nilagay si Mason na towel sa ulo ko. Lumapit naman si Sid sa akin at tinulongan akong mag punas.
"Hala Fin okay ka lang ba? Sabi ko na nga ba eh dapat pala mas inagahan ko, sorry Fin" sabi niya ng nakayuko, kaya napangiti naman ako
"Ano ba okay lang ako titigil din naman sila" sabi ko habang naglalakad pabalik sa locker ko para kunin yong extrang damit na dala ko
"Sorry about that Finley, don't worry I will talk to Lucas para tigilan ka na niya" sabi ni Mason na nakasunod sa amin
"Maraming salamat Mason" sabi ko at nginitian ko siya muka naman siyang nagulat
"Bakit? Para ka namang nakakita ng multo jan" sabi ko habang nakangiti pa rin
"Yiiee" bulong ni Sid sa akin at hinampas ako ng mahina.
"A-ah n-nothing, I will go n-now" sabi niya at ngumiti bago naglakad na mukang nagmamadali, napatingin naman ako sa luma kong cellphone at tiningnan ang oras may ilang minuto pa naman bago sa 1st subject ah, nalilitong napalingon naman ako kay Sid na nang-aasar ang tingin.
"O bakit ganyan ang tingin mo, tsaka bat nagmamadali si Mason na umalis pangit ba ang ngiti ko?" sabi ko sakanya habang nakatanaw kay Mason
"Hindi girl baka na starstruck sayo kaya ganon hahaha!" sabi ni Sid at sinundot ang tagiliran ko
"A-ano ba tara na nga samahan mo na lang ako sa banyo para magpalit ng damit, buti na lang tong polo lang ang nabasa at hindi umabot sa slacks ko" sabi ko habang naglalakad papunta sa malapit na cr
"Wokeyyy" sabi ni Sid at tinulungan akong magbitbit ng bag ko
___
Pagkatapos ko magpalit ay lumabas na ako sa cubicle at nakita ko naman si Sid na naglalagay ng polbo sakanyang muka. Lumingon naman sa akin Sid mula sa salamin at biglang nanlaki ang mata humarap naman siya sa akin kaya napatingin ako sa suot kong t-shirt malaki kasi ito sa akin
"B-bakit pangit ba masyado bang malaki?" sabi ko at tumingin ulit kay Sid nagulat naman ako ng bigla itong lumapit sa akin.
"OMG! Fin ang cute mo hahaha" sabi niya at pinisil ang pisngi ko
"Huh? Hindi ba pangit tignan hindi ba ako mukang basahan?" sabi ko at tinanggal ang mga kamay niya sa pisngi ko
"Hindi ah ang cute mo ngang tignan" sabi niya
"Hindi naman binobola mo lang ako eh, tara na nga malapit na magsimula ang first sub oh" sabi ko at sinilid ang basa kong polo sa plastik
"Okay hahaha" sabi niya at niligpit ang mga gamit niya
Pagkatapos niya mag ayos ay lumabas na kami sa cr at naglakad na papunta sa classroom.
***
YOU ARE READING
The Cold Nerd (BxB) (HIATUS)
RomanceFinley Denver Emerson- The Cold Nerd Lucas Anderson- The oh-so called rich student What will happen if this two person will meet? ***** Taglish