Finley's POV
Pagpasok ko sa bahay ay saktong naghahanda si tita ng plato sa mesa.
"Magandang gabi po tita" sabi ko ng makalapit ako sakanya at humalik sa pisngi niya.
"Oh Fin ang aga mo naman ata ngayon, akala ko mga alas diyes ka pa makakauwi?" gulat na sabi ni tita
"Maaga po kasing nadismiss ang klase namin kayo at konti lang ang customers kaya maaga kaming nagsara ng cafe" sabi ko at umupo na sa upuan.
"Ganon ba, sakto at maghahain na ako ng pagkain saglit at kukuha pa ako ng isang plato para sa iyo, hindi ka na ba magbibihis bago kumain?" sabi ni tita
"Hindi na po ang bango po ng niluto niyo eh ano pong ulam?" nakangiting sabi ko sakanya
"Talaga iho, adobong sitaw ang ulam natin ngayon, pagkatapos ko kasi maglaba ay nagpunta ako sa palengke kaya naman nakabili ako ng ulam" nakangiting sabi ni tita at nagtungo na sa kusina.
Pagdating ni tita ay nagsimula na kaming kumain.
"Wow tita ang sarap po talaga ng luto niyo" namamanghang sabi ko
"Ikaw talaga Fin parang hindi ka naman marunong magluto, eh mas masarap ka pa nga magluto kaysa sa akin" sabi niya "Eh kamusta naman ang sa eskwelahan mo? Maganda ba? " tanong niya
"Ikaw talaga tita syempre sayo ko natutunan magluto, tsaka opo malaki po yong eskwelahan maganda po may garden pa nga po eh. Tsaka meron na rin po pala akong kaibigan" nakangiting kwento ko sakanya
"Talaga Fin, pero bakit iisa lang ang naging kaibigan mo may mga bumu-bully ba sayo sa school?" nag-aalalang tanong ni tita sa akin.
"Wala naman po m-mababait naman po yong mga kaklase ko" ano ba yan nautal pa
"Hmm ganun ba? Pero kung may mang bully man sayo ay sabihin mo agad sa akin para mapuntahan ko sa school" sabi niya sabay tingin sa akin
"Opo tita" sabi ko na lang at nagtuloy na sa pagkain
Nang matapos kaming kumain ay nagpresinta na ako na lang ang maghuhugas mg plato. Pumayag naman si tita at sinabing magpapahinga na daw siya. Kaya nag goodnight na ako sakanya.
Matapos maghugas ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay. Humiga na ako sa kama at natulog.
__
Maaga akong nagising ngayon para tulongan si tita na magluto ng umagahan. Kaya naman bumaba na ako at naabutan ko si tita sa kusina mukang kakatapos lang mag saing.
"Goodmorning po tita" bati ko sakanya
"Goodmorning rin Fin, o bat ang aga mo naman atang nagising" sabi ni tita
"Gusto ko po sanang tumulong sa inyo para maghanda ng umagahan eh" sabi ko sabay kamot ulo
"Hahaha ganon ba? Sige ikaw na lang ang magluto ng ulam tapos na rin naman akong magsaing, punta na muna ako sa kwarto ko para mag ayos" sabi ni tita
"Sige po" sabi ko
Hinanda ko na ang mga lulutuin ko.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ako. Ang niluto ko nga pala ay limang pirasong hotdog at scrambled egg. Pumunta na muna ako sa kwarto ko at naligo.Pagkatapos maligo ay bumaba na ako at saktong namang luto na ang sinaing ni tita. Hinanda ko muna ang hapag bago ko tinawag si tita.
Pagkatapos kumain ay magpresinta naman si tita na siya na daw ang maghuhugas ng plato kaya naman umakyat na ako sa kwarto upang magsepilyo at nag-ayos na rin ako ng konti bago at kinuha na ang bag ko.
Bumaba na ako at nakita ko rin si tita na naghihintay sa akin.
"O Fin sakto sabay na tayo pupunta kasi ako sa palengke may trabaho na pala ako doon sa pwesto nila Aling Beth, tsaka bat malobo yang bag anong dala mo?" nakakunot ang noong tanong ni tita sa akin
"Ah tita extrang damit lang para sa pe namin" sabi ko buti na lang at hindi kailangan ng uniform sa school pwede mong suotin ang pwede mong isuot.
"Ah ganon ba, osiya tara na" yaya niya sakin. Lumabas na kami at nilock na ni tita ang pinto
Naka para na kami ng tricycle kaya sumakay na kami ni tita. Iniisip ko kung totoo kaya yong sinasabi ni Sid na ibubully ako ng grupo nila Lucas. Kaya ako nag dala ng extrang damit baka sakaling totoo.
***
-theredcat
YOU ARE READING
The Cold Nerd (BxB) (HIATUS)
RomanceFinley Denver Emerson- The Cold Nerd Lucas Anderson- The oh-so called rich student What will happen if this two person will meet? ***** Taglish