Finley's POV
Isang linggo na ang lumipas simula nang maging slave ako ni Lucas at ang masasabi ko ay sobrang NAKAKAINIS! Alam niyo bang sobrang pabago-bago ang mood niya.
May time na sobrang bait niya at may time na sobrang badtrip siya at ang hihirap ng mga pinapagawa niyang trabaho sa akin.
Dahil nga slave niya ako na ang nagsilbing taga-luto at tagalinis ng condo niya. Minsan pa ay ako ang pinapagawa niya ng assignment niya.
Kapag kakain din kami ni Sid sa cafeteria ay sumasabay na silang magbabarkada sa amin hindi ko nga alam kung kailan pa sila nagsimulang sumama sa amin eh basta isang araw magkakasama na kami sa iisang mesa kapag kakain
Kaya napapag-initan na rin kami nang mga babae dito sa school. Wala naman akong pake sa kanila pero alam niyo naman si Sid. Nakipagsabunutan na nga rin siya sa isang babae dahil malandi daw kaming dalawa, hindi ko na lang pinansin at umalis na nun, akala ko sa sumunod siya sa akin pero pagtingin ko ay nagsasabunutan na silang dalawa. Mabuti na lang at dumating sila Mason at Lucas nun at hindi siya na guidance.
Kanina nga ay may naka-away na naman siya at nandito kami ngayon sa clinic dahil nakalmot siya ng isang babae sa pisngi.
Nagpasalamat muna ako sa nurse na gumamot kay Sid bago lumabas ng clinic, pagkalabas ko ay nakita ko namang naka-upo si Sid sa waiting area sa labas ng clinic.
Nang makita niya ako ay tumayo siya kaya nilapitan ko na ito.
"Bakit mo pa kasi sila pinatulan tignan mo yang pisngi no nakalmot tuloy" sabi ko habang naglalakad, nakahawak naman siya sa braso ko
"Eh kasi naman ang sarap nilang kalbuhin, porket nakikisabay sa atin sila fafa Mason, inggit lang sila kasi ang chaka nila kaya hindi sila napapansin" at tumawa pa siya
"Pero hindi mo na sana sila pinatulan kasi titigil din naman siguro sila" sabi ko naman
"Hayaan mo na maganda pa rin naman ako diba hahaha" napailing na lang ako
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa classroom at nagtataka namang tumingin sa amin lalo na kay Sid.
Hindi na lang namin pinansin at pumunta na sa mga upuan namin. Wala pa ang apat likod namin, mabuti naman wala munang mangungulit sa amin.
Nakadukdok ang ulo ni Sid sa upuan niya habang naghihintay kami kay Prof.
Maya-maya pa ay dumating na si Prof at kasunod niya lang ang apat. Hindi ko alam pero napatingin agad ako kay Lucas at nakita kong nakatingin rin siya sa akin.
Hindi ko alam pero simula noong sumabay na sila sa amin at kapag nagtatama ang mga mata namin ni Lucas ay bigla na lang bumibilis ang tibok ng dibdib ko.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at tumingin kay Prof Mendez.
Nagsimula ng mag discuss si Prof kaya nakining na lang ako sa kanya.
Pagkatapos magdiscuss ni sir ay nag-quiz siya tungkol sa pinag-aralan namin ngayon.
Habang nagsasagot ay bigla akong napatingin kay Sid ng kinulbit niya ako.
Walang emosyon ko naman siyang hinarap at tinanong.
"Bakit?" pabulong na sabi ko
Sumenyas naman siya sa akin ng number 5, sinulat ko sa papel ang sagot at palihim na binigay sa kanya.
Andito na kaming dalawa ni Mason sa labas ng classroom dahil halos magkasabay lang kaming natapos ng quiz.
"Ah Fin ano palang nangyari doon sa pisngi ni Sid? Bakit may band-aid?" napatingin ako kay Mason dahil bigla na lang siyang nagsalita
YOU ARE READING
The Cold Nerd (BxB) (HIATUS)
RomanceFinley Denver Emerson- The Cold Nerd Lucas Anderson- The oh-so called rich student What will happen if this two person will meet? ***** Taglish