Chapter Four

1.8K 106 2
                                    

Finley's POV

Lunch na namin at sabay kami ni Sid na pumuntang cafeteria. Pagkatapos namin mag order ay pumunta na kami sa bakanteng upuan na napili namin.

"Gosh! Doon umupo ang mga campus heartthrobs sa likod natin" sabi ni Sid na kinikilig pa.

"Ha? Sino yong apat na lalaki?" tanong ko naman sakanya habang sumusubo ng burger.

"Malamang Fin, may iba pa bang nakaupo sa likod natin?" mataray na sabi niya sakin.

"Pfft- sorry naman" sabi ko sakanya at pagtingin ko dito ay para pang natulala ng bahagya.

"Hoy bakit? Natulala ka naman dyan" sabi ko at natauhan naman siya

"Ngayon ka lang kasi ngumiti eh, kanina kasi hindi mo ako nginitian nang magpakilala ako" nakangusong sabi niya

"Sorry haha di lang talaga ako sanay ngumiti, bakit gusto mo bang hindi kita ngitian?" seryosong sabi ko sakanya at muka naman siyang nagulat

"H-hindi naman sa g-ganun" nauutal pang sabi niya

"Joke" sabi ko, napabuntonghininga naman siya

"Aka-" natigil naman siya sa pagsalita ng biglang magtilian ang mga student dito sa cafeteria. Kaya naman nalatingin kami sa bandang pinto ng cafeteria at pumasok naman doon ang mga campus heartthrob na sinasabi ni Sid.

Maraming babae ang mga nagtilian na halos maubos na ang boses. First day pa lang naman pero bat ganon andami nag nakakakilala sakanila.

"Sid bat ganon first day pa lang naman pero parang kilalang kilala na sila dito?" nagtatakang tanong sakanya at bahagya pang nakakunot ang noo.

"Huh? Hindi mo sila kilala" nagtatakang tanong niya sakin

"Magtatanong ba ako kung kilala ko sila" sagot ko na naman sakanya

"Hays sige papakilala ko, ehem heartthrob na sila simula pa noong first year pa nila dito. Sikat rin sila sa dahil mga model sila. First member ay si fafa Mason. Mason Eli Carson my gosh pangalang pa lang makalalag panty na. Siya ang pinakamabait sa kanilang grupo. Hindi siya sumasama sa mga kalokohang ginagawa ng mga kaibigan niya. Second naman ay si Jacob Cole Davis, maloko malakas ang sapak parang akala niya lahat ng gagawin niya ay masaya. Third ay si Aaron Caleb Jones certified playboy. Every week ay may iba't ibang babaeng kasama, at lahat ng babaeng yon ay magaganda. And last but not the least Lucas Anderson. Rude, jerk, playboy at bully. Marami na siyang nabully pero walang nagreklamo kasi pamangkin siya ng owner ng school." mahabang sabi niya.

"Edi may crush ka sakanila?" tanong ko naman sakanya kasi kinikilig pa siya habang nagki-kwento

"Gosh! Tinatanong pa ba yan ofcourse crush ko silang lahat" sabi niya at kulang na lang ay maglupasay sa sahig.

"Okay" sabi ko habang natatawa.

"Pero dapat iwas iwasan natin sila fafa Lucas, kasabwat niya rin kasi yong dalawa. Buti nga di na sumasama pa si fafa Mason" bulong niya

"Hmm okay" at tinuloy na namin ang pagkain.

Paalis na kami pero sumaglit muna ako sa counter at bumili ng tubig. Binuksan ko naman ito habang naghihintay ng sukli. Nang maibigay ang sukli ko ay tumalikod ako at sa di inaasahan ay may nakabangga ako at may natapong tubig sakanya.

"What the fuck!!" sigaw niya at tumingin sakin. Iyong Lucas. Sabi pa naman ni Sid ay iwasan sila pero tingnan mo nga naman... hays. "Ikaw nanaman, nakakadalawa ka na ah kanina nabangga mo ako di ka pa nagsorry, tapo-"

"Pareho naman tayong hindi nakatingin sa daan kanina kaya pareho tayong may kasalanan...kaya bat naman ako mag sosorry" seryosong sabi ko sakanya at mukha naman siyan na bwisit.

"Aba-"

"Pero ako may kasalanan ngayon, hindi ko naman alam na nandyan ka kaya sorry" seryosong sabi ko ulit at umalis.

Nang tumalikod ay nagsimula namang magbulongan ang mga students medyo nagulat naman ako ng humila sakin at pagtingin ko ay si Sid pala.

Nasa hallway na kami na konti lang ang mga students. Mabilis naman itong humarap sa akin at hinawakan ako sa balikat. Muka naman siyang kinakabahan. Hays

"Omygosh! Fin bat ka sumagot kay fafa Lucas, kakasabi ko lang na iiwasan natin sila eh. Omygosh! Pano na bukas kapag ginantihan ka...or worst i-bully ka gosh! Fin paano-" tinapik ko naman ang pisngi niya bakit ba parang takot na takot naman to.

"Hoy Sid okay lang yon ano kaba takot na takot ka na naman. Kung sakali mang totoo yang sinasabi na gaganti siya huwag kang mag alala hindi naman ikaw gagantihan eh" sabi ko at pinapakalma siya

"E-eh kasi naman nag-aalala lang naman ako sayo. Ikaw pa naman ang unang friend ko." nakangusong sabi pa niya sakin.

"Hayaan mo na" sabi ko na lang at hinila na siya. Malapit na rin kasing mag ring ang bell.

Nakarating na kami sa classroom. Buti naman at wala yong apat. Nabawasan naman daw ang kaba ni Sid. Tinignan naman kami ng mga babae naming kaklase ng masama. Tatarayan pa sana ni Sid pero hinila ko na lang. Baka magkaroon pa kami ng bagong kaaway.

***
-theredcat

The Cold Nerd (BxB)  (HIATUS)Where stories live. Discover now