21

23 3 0
                                    

          HANI AXYLLE STEWART

Tinawagan din ako ni Vein,Alisha at Yumi. Hindi ko alam kung bakit lahat sila ay kailangang sabihin sakin yun. Napailing nalang ako. Alam ba nila na higit lang bestfriend ang turingan namin ni Zayn?

Sa tingin ko ay ayaw nila si Myca para kay Zayn. Kasi hindi naman sila pumayag. Pero after all those years ay bakit ngayon lang bumalik si Myca?

Narealize nya ba na mahal nya pa si Zayn?

E si Zayn? Mahal pa ba si Myca? Mahirap kalaban ang ex. Natatakot ako na baka marealize din ni Zayn na mahal nya pa si Myca. Paano ako? San naman ako pupulutin kapag nagkabalikan sila?

Pero hindi! Alam kong gusto ako ni Zayn. Nag I love you na sya sa akin. Mahal nya ako. Nangako din sya sa akin. Ako na yung pinili nya. Sabi nya kanina ako yung pinili nya e.

Pero paano din kung mahal na pa pala tapos ako yung panakip butas? Hindi naman magagawa ni Zayn sa akin yun. Hindi nya ako kayang saktan ng ganun. Hinding hindi.

"Axe!" Sigaw ni Zayn mula sa labas. Kasunod nun ang pagbukas ng pinto,hawak nya ang susi at nakangisi itong tumingin sa akin. Sobrang saya ng mga mata nya. Ako kaya ang dahilan nun?

Agad ko syang niyakap. Akala ko mawawala yung pagsikip ng dibdib ko pero lalong lumala. Kapag bumalik si Myca baka ito na ang humiling yakap ko sa kanya. Pinulupot ko ang binti ko sa bewang nya. Hindi ako bumitaw sa pagyakap ko. Ayaw ko syang mawala. Hindi pwede!

"Sobrang higpit naman ng yakap mo." Sabi nito. Naramdaman ko ang paglakad nito papunta sa kama. Hindi parin ako bumibitaw.

"Sinong kausap mo kanina?" Tanong nito.

"Sila Laide." Tipid kong sagot at siniksik ang mukha sa leeg nya. Mukhang nakiliti sya sa ginawa ko dahil umiwas ito at tumawa.

"Ayaw kong mawala ka sakin." Kita ko ang paglambot ng ekspresyon nyo. Masusuyo ang tingin nya sakin habang nakangiti.

"Hindi naman ako mawawala sayo e. Andito lang ako palagi." Malambing nyang sabi saka hinalikan ang noo ko.

"Ngayon. Ngayon andito ka pero paano sa mga susunod na araw. Kapag may nakilala kang bago, kapag may nagustuhan kang iba. Kapag may bumalik sayo. Ako lang naman to. Wala akong laban sa kanila." Sagot ko.

"Walang bago,walang babalik. Kahit wala pa tayong label ikaw lang ang gusto ko." Sagot nito.

"E kapag bumalik si Myca?" Tanong ko.

"Wala na akong pakialam sa kanya. Ikaw lang. Sayo lang ako may pakialam."

"Pero ex mo sya."

"Ex ko lang sya,ikaw bestfriend kita. Hindi kami halos nagkakasama dati. Kasi mas gusto kitang kasama noon at ngayon. "

"Kung marealize mo na mahal mo p--"

"Hindi mangyayari yun. Kasi noon os man narealize ko na na ikaw talaga ang mahal ko." Pinamulahan ako sa sinabi nya. Nakampante ako sa mga sagot nya. Talagang inaassure nya sakin ang lahat. Na ako ang mahal nys. Mahal nya ako. Yun lang sapat ng dahilan para hindi na ako mag-isip ng kung ano ano.

I trust him.

Nagising ako sa masususyong halik ni Zayn. Fresh from the shower and damn he looks so hot with the towel on his waist. Bakit ba kailangang ganito kagwapo ang isang to? Mahirap tuloy magpigil.

"Good morning." Bati nito sa akin. Nginitian ko sya,niyakap nya ako at ganun din ang ginawa ko. I hugged him tightly he almost choked. Napaubo pa ito. Nag peace sign lang ako.

"Good morning din." Sagot ko at bumangon. Lalo kong nakita kung gaano kaganda at nakakatakam ang abs nya. Mouth watering indeed.

"Nasa baba ang almusal,Axe." Sabi nito. Sinamaan ko sya ng tingin. Tinawanan nya lang ako. Kumain ka na kami ng almusal saka ako naggayak. Pwede namang magbihis muna bago kumain. Sya,nanatiling tuwalya ang nakatakip sa ibabang parte ng katawan.

Dusk Till DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon