26

13 1 0
                                    

HANI AXYLLE STEWART

"Ang tagal mo naman atang maligo."Puna nya sakin nang makalabas ako ng banyo habang suot ang puting bathrobe. Prente syang nakaupo sa pang isahang sofa katabi ng isang desk at lampshade. May hawak syang magazine. Ibinaba nya yun at lumapit sa akin.

Hinapit nya ako sa bewang at hinila papalapit sa kanya. Nagkadikit ang katawan namin. Kaya kahit bagong paligo ay bigla naman akong nag-init. Oh shit! Ang landi ko.

Pinaglandas nya ang kamay nya sa mukha ko. His touch is so soft and intimate. I can't even breath normally. Ibang iba ito sa paraan nya dati. Ibang iba ang pakiramdam ko ngayon.

Mas mainit.

Idinikit nya ang kanyang ilong sa buhok ko. He sniffed it and moan softly. Kumulo ang kalamnan ko dahil sa ginawa nyang yun. Hindi naman kailangang umungol e. Abnormal to.

"Ang bango mo Axe." Wala sa sariling napalunok ako sa kalandian ng boses nya. Seems like he's seducing me. O ako lang naman ata itong nasi-seduce.

"Ako,ang baho ko." Natigilan ako.

"Ligo muna ako." Tumawa sya saka ako nilagpasan. Pinagtitripan ba ako nun? Gago sya! Gago ka Zayn! Abnormal talaga. Pag-iinitin tapos bibitinin. Humanda ka lintek lang ang walang ganti.

Nakangisi akong nagbihis. Pajama at tshirt lang ang sinuot ko. Hindi kagaya sa cabin na oversize t-shirt at short lang ang sinusuot ko. Dito kasi maraming kasama puro lalaki pa. Isa pa nagustuhan ko itong pajama ni Zayn sa cabinet nya. It's so comfy.

Nang tignan ko ang digital clock sa side table ay alas singko y medya palang. Mahaba pa ang oras. Gaganti lang naman ako. Hindi naman yun matagal e.A minute will do.

Nagpicture nalang muna ako dito sa kama habang hinihintay matapos si Zayn sa pagligo. Maganda kasing background sa selfie ang head rest ng higaan nya. Kulay itim ito at leather. Mahigit singkwenta ang nakuha ko sa loob ng limang minuto. Agad kong dinelete ang mga blurred at mga awkward kong picture. Pati sa recently deleted ay dinelete ko na yun.

Sa kabuuan eleven lang ang maganda,kaya eleven ang natira. Hindi naman kasi ako photogenic e. Maganda lang talaga ako sa personal.

Ang hangin shit!

Narinig ko ang pagtigil ng tunog ng tubig mula sa shower. Malamang ay tapos na syang maligo. Agad kong nilapag sa side table ang cellphone ko at saka humiga sa higaan. Ang binti at paa ko ay nakataas sa head rest. Maluwag sa binti ang pajama ni Zayn kaya lumadlad ito pababa. Lantad ang hita ko.

"Naghahanap pala kami ni ---- Anong ginagawa mo?" Taka tanong nito. Nilingon ko sya,kunot noo itong nakatingin sa akin habang walang suot na pang itaas. Ugh! Yung abs. Those irresistible abs of Zayn make my mouth watered or maybe I was just exaggerating.

"Are you blind? I'm lying on your bed." Sagot ko sa normal na boses.

"With your lower body up the head rest?" Takang tanong nito at tinuyo ang buhok.

"This is the most comfortable position here." Sagot ko umupo ito sa gilid ng higaan at nagpatuyo ng buhok. Agad akong bumangon at marahang hinawakan ang balikat nya pababa sa matipuno nyang braso na medyo basa pa. Ughh! Temptation is torturing me.

Dumaan sa bewang nya ang kamay ko hanggang marating nito ang kanyang fucking abs. He groaned in my touch. Napakagat labi naman ako dahil dun.

"That groan sure is sexy." Malanding bulong ko sa tenga niya. Hinawakan nya ang kamay ko na nasa abs nya saka hinila palapit sa kanya dahilan para dumikit ang katawan ko sa likod nya.

"Wait till you hear me moan." He joked at saka pumaibabaw sa akin. Mapupungay ang mata nyang nakatingin sa akin habang nakatukod ang dalawang kamay sa gilid ko. He smirked at saka dahan dahang inilapit ang mukha sa akin. We were about to kiss then.

Dusk Till DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon