35

17 4 0
                                    

ZAYN OWEN COLLINS

Kabado kaming lahat habang nakasakay sa Van. Nasa kabilang van sila Tito at Mrs. Eliza. Kami nila Cloud ang nandito. Ang nagdadrive ay ang driver nang Corporation. I'm still bothered about what happened.  Natulog nalang ako para hindi na masyadong kabahan.

Nagising ako nang alugin ni Gavin ang balikat ko. Inilibot ko ang tingin ko nasa parking lot kami ng isang hotel ang iba ay nakababa na dala ang maliit na bagahe.

"Andito na tayo." Sambit ni Gavin. Tumango ako at bumangon. Gabi na nang makarating kami. Walong oras din ang byahe mula Manila papunta dito.

"Ang ibang mga agents ay nasa headquarters natin. Dun muna sila. Tayo ay dito muna. Magpahinga na muna kayo. Bukas ay magsisimula na tayo." Sabi naman ni tito nang makompleto na kami. Bale nasa 20 plus kami. Kasama namin ang mga assistants agents na namamahala sa footage ng suit cam ng mga agents o di kaya ay sa mini microphone.

They are the one na nag-guguide sa mga agents na sasabak sa mission at labanan.

"I already book us in this hotel. Here are the rooms and your room mates." Dagdag ni Tito at inabot sa amin ang isang bondpaper. Nakisilip din ako.

Kami nila Gavin,Cloud at Carl ng magkasama sa isang kwarto. Seth, James,Drake and Clayton. Trigger,Chant,Damon and Luke naman. Hindi ko na pinansin ang sa mga assistants. Bahala na silang tumingin.

I'm so worried and nervous.

"Tara na roommates." Inakbayan ako ni Gavin ganun din ang ginawa nya kay Carl.

"Room 654 tayo sa fourth floor." Sabi ni Carl.

"Oo alam namin. Nakita ko kaya." Pambabara ni Gavin.

"Sinasabi ko lang naman." Sagot ni Carl at tumawa.  Sabay sabay na kaming pumasok sa loob. Binati kami ng guwardiya. I'm expecting a Bicol language pero tagalog ang pagkakabati nito.

"Una na kayo sa taas. I'll talk to the receptionist first." Sabi ni tito.

"Hintayin na kita." Alanganing tumango si Tito kay Mrs. Eliza. Naupo naman sya sa sofa. Kami naman ay nauna ng sumakay sa elevator.

"Dun na kayo sa sunod nalang kayo." Sabi ni Gavin sa kanila.

"Tss." Chant said. Hindi sila nagpaawat at pumasok.

"Ang dami kasing elevator nagsisiksikan." Sabi naman ni Trigger at naghintay sa isang elevator na pababa. Ganun din ang ginawa ng iba habang kami ay tumaas na. Hinanap namin ang room namin. Si Chant ay nahanap agad ang room nila. Tumakbo si Gavin palayo at dun natagpuan ang room namin.

Ako ang nag-slide ng susi at saka kami pumasok. Nahiga agad ako sa kama. At natulog. Nagising ako mag aalas otso. I check my phone and I receive a text form Diandra.

Nanay ni Vindra

Hey, chill kalang ha. You look tense e. Kaya nyo yan.

Napangiti naman ako. She's a good friend. She never stop motivating and cheering me up. Naalala ko pa ang sabi nyan dati sakin. ' Tiwala ka lang,kayo ni Axe magkakatulyan'

"Sino yang katext mo?! Nagtataksil ka kay Axe! Hangal!" Binato ako ni Gavin ng unan habang kumakain sya.

"Gago si Diandra to." Napatahimik naman sya.

"Kain Zayn." Aya ni Carl. Bumangon ako at pumasok sa cr para maghilamos at magmumog. May platong nakahanda para sa akin. Puno yun ng pagkain. I'm starving so I eat hungrily.

I took a bath after that. Sila naman ay nagkukwentuhan. I don't feel okay. Kabado talaga ako sa mangyayari bukas. Ang daming what if's na pumapasok sa utak ko.

Dusk Till DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon