18

34 3 0
                                    

          HANI AXYLLE STEWART

Pagkatapos naming mag-almusal ay umalis si Zayn. Pupunta daw ulit sya sa Mansyon nilang magkakaibigan dahil may gagawin sya. Hindi na ako nakaangal. Kahit na nakakatakot ng konti,mas kampante ako kapag kasama ko sya e.

Tinawagan ko narin si Grace na mamayang tanghali na ako papasok. Sinabihan ko silang sagot ko na ang tanghalian nila dahil nakakahiya kasi hindi ako nakasama kagabi sa paglugaw nila. Lagi rin akong wala sa sarili kong Cafe nitong mga nakaraan. Babawi lang ako.

Naglilinis lang ako dito sa Cabin. Wala naman akong ibang gagawin. Maaga din akong naligo at gumayak kaya kapag dumating si Zayn ay ready na. Napadungaw ako sa bintana nang may kotseng dumating. Nabalot ako ng kaba nang hindi kotse ni Zayn ang nakita. Nagpalit si Zayn ng kotse isang itim na Ford ang ginagamit nya ngayon nasa renovation ang Lamborghini nya dahil sa mga bala ng baril na tumama dito.

Pero isa itong itim na Van. Kanino to? Bago pa may bumaba dito ay kumuha na ako ng baril dun sa desk na umiikot. Bumalik ako sa pagsilip sa bintana. Nagulat ako nang si Diandra ang lumabas dun. May kasama itong bata. Nanlaki ang mata ko.

"Zayn!" Tawag nito mula sa labas. Pinindot ko ang speaker para magsalita.

"What are you doing here?" Inis kong tanong sa kanya. Akala ko ay ako lang ang may alam nito. Alam din pala ni Diandra. Kumukulo ang dugo ko! Ano ba kasing ginagawa nya dito.

"Hani? Is that you?" Gulat ding tanong nito.

"Why are you here?" Balik kong tanong sa kanya. Tiim bagang akong naghihintay ng sagot nya.

"Sinabihan ako ni Zayn na dito muna kami." Napairap ako. Wala sana akong balak na pagbuksan sila pero nagring ang cellphone ko. Si Zayn.

"Andi---"

"Andyan na ba sila Diandra? Can you let them in. Ipapaliwanag ko sayo mamaya." Sa sobrang inis ko ay ako na ang pumatay ng tawag. Ibinalik ko ang baril sa lalagyan saka binuksan ang pinto.

"Salamat." Pilit itong ngumiti sa akin habang karga karga ang isang bata. Binigyan ko sila ng space para makapasok sa nilock ang pinto.

" Bakit kayo andito?" Mataray na tanong ko sa kanya. Kita ko ang pag-irap nya.

"Wala kaming matuluyan kaya dito muna kami." Nangunot ang noo ko sa sagot nya.

"Ikaw? Bakit andito ka?" Tanong nya naman.

"Dito na kasi ako nakatira." Mayabang kong sagot sa kanya. Tumango lang sya.

"Uhaw ako!" Sabi nung bata.

"Can you get me some water?" Tinaasan ko ng kilay si Diandra.

"Hindi mo ako maid,Diandra." Inis kong sabi sa kanya. Napabuntong hininga sya at saka hinarap ang bata.

"Dito kalang hah. I'll just get some water." Bilin nya sa bata at tumango tango naman ang bata. Matalim ang tingin ko sa kanya nang makatayo sya. Naupo naman ako sa tabi nung bata.

"What's your name?" Tanong ko dito.

"Vindra." Nabubulol na sabi nito. Marahan kong pinisil ang pisngi nito. Ang cute nya. Kaso nakakairita kasi kamukha nya si Diandra.

"Kapatid mo ba to?" Tanong ko sa kanya na may dalang isang basong tubig.

"Hindi,anak ko sya." Nagulat ako sa sagot nya. Anak?? May anak na sya?

"Twenty four na ako,hindi yun nakakapagtaka." Sagot nya ng makita ang expression ko.

"Kaya pala kamukha mo." Sagot ko. Naiintriga tuloy ako kung sinong ama.Wala akong nababalitaang lalaking kasama nya. Hindi ko nga alam na kinasal sya. Naunahan nya pa si Yumi ah.

Dusk Till DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon