27

13 1 0
                                    

         HANI AXYLLE STEWART

Ngayon palang ako nakatawag kay Grace. Hinahanap nila ako sa cafe. Hindi ko rin naman na check ng cellphone ko dahil lowbat ito kahapon at nakalimutan kong i-charge. Pinuntahan din ako ni Blake sa apartment ko pero di naman na ako nakatira dun. Akala nila kung anong nangyari sakin.

Hindi ko na sinabi lahat. Sinabihan ko nalang si Grace na okay na ako at binilinan ko rin na sila na muna ang bahala habang wala pa ako. Pumayag naman sila.

"Hey,aalis na tayo." Zayn hug me from behind. Amoy na amoy ko ang manly nitong pabango. Nanunuot ang banayad na amoy nito sa ilong ko. Ang lakas makagwapo ng pabango nya. Ganyan na ganyan din ang dating nya sakin dati.

Nakahanap na ng safe house si papa sa kabilang bayan. Dun kami pupunta ngayon. Katatapos ko lang magbihis at  mag-ayos.

"Baka masundan nila tayo dun." Nag-aalalang sagot ko. I'm really worried about leaving this mansion. I just feel safer here. Kinakabahan din ako. Iba yung kaba na nararamdaman ko e. Para mag masamang mangyayari. Nang makita ko ang repleksyon namin sa salamin ay kita ang pagkabahala sa mukha ko.

"Don't worry, andito kami." He said in assurance kaya kumalma naman ako ng konti.

         ZAYN OWEN COLLINS

Protecting the girl you love is really a tough job. Hindi na ako natatakot sa mangyayari sakin,kaya ko ang sarili ko. Natatakot ako na baka hindi ko maprotektahan ng maayos si Axe. Hindi ko kakayanin if ever na may masamang mangyari sa kanya. I will blame myself.

Hindi ko nagawang sabihin sa kanya ang isang bagay noon. Na mahal ko sya. Maybe she thinks that all I can do is flirt and I'm afraid of commitment. Totoo yun noon. Pero ngayon, I'm will to commit but not in this kind of situation. Kapag naayos na ito saka ako magcocommit sa kanya.

Natatakot ako na baka madistract ako ng pag-ibig kapag ginawa ko na ang matagal ko ng gustong gawin,ang ligawan sya. It's better this way.  Ganito muna ngayon.

"Anong iniisip mo?" Tanong nya at lumingon sa akin. Nagpapatugtog ito ng music. Kung dati ay sumasabay ako sa kanta ngayon ay hindi. Na preoccupied ako kakaisip sa nararamdaman ko.

Sinulyapan ko sya saka ngumiti at umiling. Sa kalsada nakatuon ang atensyon ko. Ako ang nagdadrive katabi ko si Tito dito sa unahan at nasa passenger seat si Axe. Nakasunod naman sa amin si Cloud,Drake at Carl.

Tahimik lang ako sa byahe habang ang mag-ama ay masayang nagkukwentuhan.

Sana lang talaga ay malagpasan na namin ito. Sana rin sa oras na malagpasan namin ito ay handa na akong magcommit sa kanya. Wala ng urungan.

She's not the first girl na nagustuhan ko but I'm sure she'll be the last. Akala ko nga nakahanap na sya ng bago. Natatakot akong magpakita sa kanya nun kasi baka wala na syang pakialam sa akin. Pero hindi ko dapat pinairal ang pagkaduwag ko noon.

Lumiko ako at mabilis na mabilis ang nangyari. Nabunggo ng Isang SUV ang kotse na sinasakyan namin. Tumilapon ito at naggulong gulong. Rinig ko ang malakas na sigaw ni Axe, nakapikit sya at bakas ang takot.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakataob ang sasakyan namin sa gitnang kalsada. Hindi ako makagalaw. Nang lingonin ko si tito ay wala ito malay.

"Tito!Axe!" Sigaw ko sa kanila parehas silang walang malay. Tinanggal ko ang seatbelt ko at dinaluhan sila. May sugat sa ulo si Tito. Kabang kaba kong kinapa ang leeg nya para tingnan ang pulso. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko ang pulse beat nito.

"Axe!" Sigaw ko. Dahan dahan itong nagmulat ng mata. Bakas ang takot sa mga mata nya. Naiiyak nya akong tinignan sunod ay kay tito.

"Papa! Bakit walang malay si papa?! Tumawag na tayo ng pulis!" Natatarantang sabi nya,kinalas nya ang kanyang seatbelt, pinilit nyang lumapit kay tito pero pinigilan ko sya.

Dusk Till DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon