PH4 #5: Vience

11.7K 640 63
                                    

Typo and grammatical error ahead!!

Vienn at the multimedia



# 5_Vience





"Ano ba? Pwede bang huwag kang haharang dyan?" Naiinis na sita ko sa kanya ng maglilinis na ako sa silid niya. "Mas pinapatagal mo ang paglilinis ko." Gigil na talaga ako.

Kung makapintas sa tinitirhan ko akala mo naman malinis ang bahay niya. Para kayang dinaanan ng bagyo ang loob. Kung saan saan na nagkalat ang mga gamit at mga pinagpalitan niyang mga damit.

Ang sarap lang ihampas eh. Bahay pa ba matatawag dito? Maganda pa naman at napakaluwang pero wala ka namang madaanan dahil sa mga kalat niya. At kanina, ang lakas ng loob niyang pintasan ang tinitirahan ko. Aba, mas malinis pa ang loob ng bahay ko kahit maliit kaysa naman dito sa bahay niya.

"Maglinis ka na lang. Ang dami mong satsat. Kung sa inaksaya mong oras sa kadadada mo ay inilinis mo na lang di sana tapos ka na ngayon." At taas kilay pa talaga siyang namaywang sa harapan ko ng pupulutin ko sana ang nakakalat na underwear niya.

"Eh sa umupo ka nalang sana doon sa sala mo ng hindi ka pa pakalat kalat dito. Dagdag ka pa sa kalat na nililinisan ko." Pasigaw na sagot ko sa kanya. Ngali ngali kong ihampas sa kanya ang underwear na pinulot ko.

Grrr! Gigil niya talaga ako. Kung hindi ko lang talaga inaalala na may kailangan din ako sa kanya ay nunka kong lilinisan ang tila basurahang condo niya?

Hindi niya pinansin ang pagsigaw ko sa kanya bagkus kampante pa talagang sumandal sa pader at pinagsalikop ang mga kamay sa may dibdib niya habang pinapanuod ang pagtratrabaho ko.

Sinisira lang niya ang konsintrasyon ko.

Grrr! Ulit. Grrrr.

Nagmamadali pa ako dahil bibili pa ako ng kahit kaunting sparkling light para naman sa pagbabagong taon ko na mag isa na naman.

Hindi na nga ako naghanda ng Christmas dahil nagtitipid ako. Kahit sa new year na lang. At bukas na ng gabi ang desperas ng bagong taon. Tatalon pa ako para tumangkad pa ako.

Eh! Tatangkad pa ba ako sa edad kong ito?

Bahagyang napasulyap ako sa bwesit na lalaking ito. Matangkad nga siya kumpara sa height ko na 5'4". Baka nasa 6ft siya siguro.

"Huwag mo akong tignan ng ganyan little hamster. Dahil hindi uubra sa akin ang ganyang mga tingin mo." Kuway sabi niya kaya naman ang sulyap lang ay naging matalim na tingin. Hindi ko na din napigilan na ibato ang hawak ko kung ano man ang huling nahawakan ko.

Inilagan niya iyon. Kaya tumama iyon sa pader at basag ng bumagsak sa sahig.

"Well, nagkakahalaga lang naman ng 10K ang nabasag mo. Dagdag ko iyan sa atraso mo sa akin." Sabay iling na tinignan ang pigurin na naibato ko.

Laglag ang panga ko dahil sa narinig ko. "Are you kidding?"

"Nope! Hindi ko ugali ang magbiro. Dahil lahat ng bagay na nakadisplay sa bahay ko ay may mga halaga. Kaya mag ingat ka sa mga kilos mo. Baka mabaon ka sa utang sa akin at kahit buhay mo ay hindi pa sapat na kabayaran." Nakangisi na muling pinag cross ang mga kamay sa dibdib at sumandal na naman sa pader. "Ano pa ang hinihintay mo. Maglinis ka na ng agad kang matapos."

"Hindi ako makakapagtrabaho ng maayos kung nandiyan ka at iniistorbo mo ako."

"Paano naman kita iniistorbo? Nakatayo lang ako dito."

"Grrrr!." Gigil na kuyom ko ang kamao ko at marahas na binawi ang tingin ko sa kanya dahil baka sa asar ko ay may maibato na naman ako.

Nakakainis. 10K? Sure siya doon? Ano bang pigurin ang naibato ko?

✅Vienn Anderson - POSSESSIVE HEIRS 4 [BXB][MPreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon