Kilay.. Check.
Eyeliner.. Check.
Foundation Cream.. Check.
Lipstick.. Check.
Totally makeup over. Check na check.
Nakangiti pa akong nagpaikot sa whole lenght mirror sa maliit na apartel na tinitirahan ko. Kailangang maganda akong tignan sa harapan ng head writer namin.
Kahit na alam ko naman na nanganganib na ang career na tinatahak ko dahil wala na akong magandang naisusulat na magandang balita ay dapat hindi ako mawalan ng pag asa.
Ito na lang ang bumubuhay sa akin. Hindi ko kilala ang tunay kong mga magulang. Tanging ang walang hiyang tiyahin ko lang ang nakagisnan ko.
Well, walang hiya ba ang nasabi ko dahil hindi naman niya ako itinuring na pamangkin. Naiisip ko nga kung kadugo talaga niya ako o hindi dahil mas masahol pa sa kulungan ng baboy niya ako pinapatulog noon, kumakayod ako ng sarili kong pera para lang makapagtapos ako ng pag aaral. Halos kulang kulang pa nga ang kinikita ko sa pag me-makeup pero nakikihati pa siya. At hindi lang siya, pati mga anak niya na walang ibang alam gawin kundi lumamon. Tapos naiinggit sila sa akin. Eh bakla daw lang ako pero bakit ang ganda ko daw at ang ganda ng hubog ng katawan ko.
Edewow! Sila ba naman ang kumain lang ng limang beses sa isang araw at nakaupo lang. Ewan ko na lang kung hindi sila magmukhang baboy. Ni tubig na iinumin lang nila ay ipapakuha pa sa akin kung nasa bahay nila ako. Kulang na lang ako pa ang maghugas ng pwetan nila kapag nagbabawas.
Tapos ang ang panganay na kapatid nilang lalaki na pinsan ko ay minsan na niya akong pinagtangkaang gahasahin. Kaya naman nagpasya na akong umalis sa kanila kahit na anong pigil sa akin ng tiyahin ko.
Keso daw lasing lang pinsan ko kaya nito nagawa iyon. Pero ng hindi ako nagpapigil ay bigla na lang nito ako bubungangaan at pagsasabihan na wala akong utang na loob. Saka bakla naman daw ako, ano bang mawawala sa akin sakali mang natuloy ang balak ng demonyo kong pinsan.
Kaya naman galit na galit ako na nilisan ang bahay nila. Hindi ko na pinansin ang pagpaparinig nila sa akin. Bahala sila. Sabihin man nilang bakla ako, ay hindi ko nanaising mapagsamantalahan. Over my beautiful virgin body.
Back to reality. Hindi dapat sila ang naiisip ko ngayon. Hindi naman sila kawalan sa akin dahil sila ang nawalan ng utusan.
And now, this is my last chance. Kailangan kong mapakiusapan ang head writer namin para hindi niya ako tanggalin sa trabaho ko.
Iyon na lang ang alam kong trabaho. Hindi ko naman pwedeng ibenta ang katawan ko dahil wala naman akong boobs na pagsasawaan ng bibili sa akin kung sakali.
Hayst.
Tunog ng cellphone ko ang nakapagpabalik sa tamang pag iisip ang utak ko. Agad ko iyong dinampot at hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag.
"Yes, hello. This is Vience Viernes, how may I help you?"
"Vience, ang mama. Nasa hospital, we need your help. Kailangan ni mama ng maoperahan sa apdo pero wala kaming kapera pera." Agad na saad nito.
Edewow ulit. Ni hindi man lang nagpasakalye ang bruha. Ang lakas ng loob na tumawag sa akin at manghihingi ng tulong gayong tudo ang panlalait nila sa akin noon. At ngayong kailangan nila ako. Bahala sila sa buhay nila. Saka wala na nga akong pera, dahil tama lang ang kinikita ko sa pagbabayad ko ng upa ng bahay ko, tubig at kuryente at sa pang araw araw na gastusin. Minsan na lang naman ako nakakapag side line sa pag me-makeup dahil kailangan kong mag fucos sa trabaho ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/210762256-288-k126429.jpg)
BINABASA MO ANG
✅Vienn Anderson - POSSESSIVE HEIRS 4 [BXB][MPreg]
RomanceSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Police Director General. Iyon ang titulo ni Vienn sa kapulisan. Pero mailap siya sa mga balita dahil isa parin siyang Anderson at ayaw niyang makita ng iba kung sino at saan siya talaga...