PH4 #3: Vience

12.5K 685 91
                                    

Typo and grammatical error ahead!!




# 3_Vience



Para na akong ipinako sa kinatatayuan ko ng magawi ang tingin sa akin ng bagong dating.

Siya na ba talaga si Vienn Anderson na hinahanap ko? Ang makakapag  paangat sa estado ko sa trabaho ko.

Pero ano ang gagawin ko? Hindi ko naman akalain na sasakyan nila ang kalokohan ko.

"Anong kaguluhan at bakit niyo ako pinatawag dito?" Pormal na tanong nito at inisa isang tinignan ang mga nasa baba ng ranggo nito.

"Gaya ng sinabi ko kanina DG na may nagsabing kilala ka. Or I should say hindi lang kilala kundi sinasabing boyfriend ka niya DG." Sagot ni Dan dito.

Napalunok na ako ng sunod sunod ng muling madako ang tingin nito sa akin.

Pero bago pa man siya makapagsalita ay buo na ang pasya ko. Mapahiya na kung mapahiya pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. Nandito na to. Saka ko na iisipin ang parusa sa kapangahasan ko.

Kaya naman. Mabilis pa sa alas kwatrong nilapitan ko ito at niyakap.

"Hinuli nila ako. Eh wala naman akong ginawang masama." Pag dradrama ko pa.

Halata naman na nagulat ito sa pagyakap ko dito dahil hindi ito gumalaw. Hindi lang siya ang nagulat dahil pati kasamahan niya ay narinig kong napa big "ohh." Sila sa ginawa ko.

But then... hindi nagtagal ay ako naman ang halos hindi makagalaw dahil naramdaman ko ang pagyakap nito.

Sandali.

Sandali lang.

Ano ito?

"Relax. Hindi ka nila maikukulong." Bulong nito sa akin. Kaya kinilabutan ako. Oo gwapo siya pero hindi ko naman talaga plano ang ganito. No! Hindi ito maari.

Akma na akong kakawala sa pagkakayakap ko sa kanya ng marinig kong magsalita si Dan.

"DG, hindi mo ba naiisip na maaring ikasira ng imahe mo ang sitwasyon ngayon?" Nasa tuno niya ang katigasan na parang walang silbi ang paggalang niya at pagtawag dito ng Derector General. Na sa tuno niya ay parang mas nakakataas pa siya dito

"Tayo lang naman ang nandito Dan.." Ng kumawala na ako sa kanya pero hindi lumayo. Pero nasa tuno naman ng Vienn na ito na parang bumaba ang tinig sa sinabi ni Dan.

Sandali nga. Baliktad yata ang sitwasyon na parang mas matatawag pa na si Dan ang tawaging DG kaysa sa Vienn na ito.

Ewan ko lang huh! Pero iyon ang napagmamasid ko ngayon.

Naipilig ko ang ulo ko sa mga naisip ko. Masyado yata akong mapagmasid ng hindi naman dapat pinagtutuunan ng pansin.

Ang dapat kong isipin ay kung paano ako ngayon makakalusot sa sitwasyong pinasok ko.

"Pero sana aware ka din DG hindi lang iyong basta basta ka na lang makikipagkita sa karelasyon mo kung sakali." Sagot pa niya kay Vienn.

"Okay! Okay PO1 Bautista." Saka ito lumayo sa akin. Hinawakan ako sa magkabilang balikad at tumitih sa akin.

Magaganda ang mga mata nito. Iyon ang napansin ko ng mapatitig ako dito. Pero naramdaman ko na lang ang paghila sa akin ng bwesit na Dan palayo sa boyfriend ko.

✅Vienn Anderson - POSSESSIVE HEIRS 4 [BXB][MPreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon