Typo and grammatical error ahead!!
Vienn at thr multimedia!
# 6_Vienn
"Sino kayo?" Tanong sa amin ng boss ni Vience ng puntahan namin ni Dan ito mismo sa maliit na kompanya nito.
"I'm Vienn Anderson." Pakilala ko na halatang hindi makapaniwala sa narinig na pangalang binanggit ko. Kaya naman agad na inilabas ko ang ID ko at ipinakita iyon dito.
"I-ikaw iyon. B-bakit kayo nandito?" Tanong pa nito at bahagyang napaatras ng naglakad pa akong palapit.
Kumilos naman si Dan at bahagya itong itinulak para umalis sa daraanan ko para tuluyang makapasok sa maliit na opisina nito.
"Someone bothering me dahil sa ipinapagawa mo sa kanya. At ayaw na ayaw ko ng may bubuntot buntot sa akin. At alam mo ba kung ano ang kaparusahan na maipapataw ko dahil sa kapangahasan mo." Galit na sabi ko dito.
"H-hindi mo ako matatakot sa pagbabanta mo." May kung anong tapang na sagot nito sa akin.
"Really." Nakangisi akong tumingin dito matapos kong igala ang paningin ko sa buong opisina nito. "Well, kaya pala may kamalditaan din ang taong inutusan mo dahil kagaya siya ng boss niya. Pero mali ka ng taong pinapakuhanan ng impormasyon." At tumalim ang naging tingin ko dito. "Dahil kung hindi mo ipapaatras ang inutos mo sa kanya ay siguraduhin mong magbabagong taon ka bukas na wala ka ng kompanyang babalikan."
"What? Hindi mo magagawa iyan."
"Wanna dare?" Hamon ko pa. Magsasalita pa sana ako ng biglang lumapit si Dan sa akin.
"Boss, nagchat si Henry. Paakyat na daw dito ang makulit na journalist." Pabulong pa na sabi niya sa akin.
Damn!
Napamura na lang ako ng mahina sabay kamot ng ulo. Pati ba naman sa ganitong araw ay may trabaho siya.
"Alam mo na ang gagawin mo." Sabi ko kay Dan na agad namang naintindihan ang ibig kung sabihin. "And you! Binalaan na kita. Minsan lang akong magbitaw ng salita pero lahat ng sinasabi ko ay ginagawa ko." Muli ay baling ko sa boss ni Vience na halata na nakapagsalita kaninang pinagbantaan ko.
"Y-yes." Tanging narinig ko na lang. Mabilis na tinungo ako ang bintana sa likod ng lamesa nito na pwedeng labasan. Ikalawang palapag lang naman ang taas. At sa nakita ko kanina bago kami umakyat dito ay may kakapitan ako doon kung sakaling doon na ako lalabas.
Hindi dapat niya ako makita ngayon na nandito ako. Bahala na siya sa buhay niya dahil ayaw kong makigulo sa kakulitan niya. Bahala na si Dan sa kanya na makipag usap dahil napagsabihan ko naman na ito.
But then..
Bago pa man ako makasampa sa bintana ay..
"Vienn?" Si Vience na nakapasok na agad sa opisina ng boss niya dahil hindi naman nakasara ang pintuan kaninang pumasok kami.
Mabilis na lumapit ito kay Dan at mukhang hindi ako napansin kaya binalak ko na bilisan na ang pagsampa doon ng..
"Hoy! Dan. Anong ginagawa mo dyan sa bintana?" Tawag niya sa akin sa pag aakalang ako si Dan.
Yeah! Damn it again.
Ano ba kasi naisipan ko at sumama pa ako sa ipinag uutos ko kay Dan na pwede naman hindi na. At ngayon.. nagkalintikan na.. sana hindi nakisabat ang boss niya at sabihin iba ang tinatawag niyang Vienn at ako si Dan.
Tama kayo. I'm Vienn Anderson na inakala niyang si Dan Bautista.
Nagtatago lang ako sa katauhan ng isa sa nasa baba ng ranggo ko dahil ayaw kong makilala ng kahit na sino at lalong ayaw kong maikalat ang tungkol sa akin.
BINABASA MO ANG
✅Vienn Anderson - POSSESSIVE HEIRS 4 [BXB][MPreg]
RomanceSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Police Director General. Iyon ang titulo ni Vienn sa kapulisan. Pero mailap siya sa mga balita dahil isa parin siyang Anderson at ayaw niyang makita ng iba kung sino at saan siya talaga...