Typo and gramatical error ahead!!
# 4_Vience
Hindi ko mapigilang tapunan ng matalim na tingin ang Dan Bautista na ito. Kakainis. Akala ko pa naman i lelebre ako pero hindi naman pala.
Niyaya niya ako sa isang mamahaling resturant tapos kanya kanya palang bayad. Eh sinabi ko naman sa kanya na wala akong pera. Nakakainis talaga. At ngayon, ang ipinangbayad niya daw sa kinain ko ay idadagdag niya sa atraso ko sa kanya.
Napakaganid niya. Nakakaasar talaga at gustong gusto ko na naman siya talakan kung hindi ko lang iniisip na siya ang makakatulong sa pwede kong isulat sa balita ko.
"You owe me once again." At nakangisi pa patalaga siya. "And this..." inilabas ang phone at may kung anong tinitignan doon.
Wait! Magkapareho ba kami ng phone??
No! Cellphone ko ang hawak niya at paano nasapakamay niya iyon ng hindi ko namamalayan.
"You-."
"Huwag mo akong talakan kung gusto mong makaluha ng impormasyon sa DG namin." Putol niya sa sasabihin ko sana at inilayo ang phone ko na hawak niya ng tangkain ko iyong agawin sa kanya.
"Mandurugas ka ba? Paano mo nakuha ang phone ko na nasa bag ko? Kanina ang ID ko tapos ngayon ang cellpohe ko."
"I said shut up. Ang ingay mo! Ang gandang lagyan ng isang rolyong tissue ang bunganga mo." Gigil na sabi niya sabay kamot pa ng tainga niya.
Iimik pa sana ako ng muli na naman niyang tignan ang phone ko.
Hmp! Bahala siya. Hindi naman niya mabubuksan ang phone ko dahil may password iyon.
But then. Mabilis na kinuha niya ang kamay ko na ikinagulat ko kaya hindi ako agad nakagalaw at inilagay sa fingerprint scanner ang daliri ko bago ako binitawan ulit.
Aba! Aba! Sinusubok talaga ako ng lalaking ito.
"Hoy! PO1 Dan Bautista. Sumusobra ka na yata." Gigil pa ako na tumayo sa kinauupuan ko at padabog na ipinatong ang mga palad ko sa lamesa na halos nakapagpakalansing ng mga pinagkainan namin.
"Hey! You, keep quite." Sita sa akin ng isang costumer. Bigla naman tuloy akong nakaramdam ng bahagyang pagkapahiya kaya napayuko na lang ako at muling umupo.
Pero mas nainis ako ng makita ko na nakangisi pa ang bwesit na Dan na ito at barang gusto pa akong bilatan dahil sa pagkapahiya ko.
"Ano? Pahiya ka! Para ka naman kasi nasa palengke kong umasta. Pwede ba, itikom mo naman ang bibig mo kahit isang minuto lang." Pang aasar pa niya sa akin. "Oh! Ayan. Ayan ang address ng condo ko. At nandyan na din ang number ko." Saka niya ibinalik sa akin ang phone ko. "Huwag mong iisiping indyanin ang usapan natin. Aalalahanin mo. Nasa mga kamay ko nakasalalay na ang trabaho mo." Sabay kindat pa sa akin at sinabayan na ng tayo.
"Grrrr!." Hindi ko talaga mapigilang manggigil dahil doon.
"Bye for now little hamster." Tumalikod na ito. Hindi pa man ako nakakasagot at nakakabawi sa inis ko ay iniwan na niya ako.
Nakakagigil. Kuyom ang kamao ko na nakahawak na sa phone ko sa gigil, inis, asar ko sa kanya. Ah basta. Parang gusto kong ibato ang pinggan sa harapan ko na wala ng laman ng makita niya kung hindi ko lang naisip na babayaran ko iyon kapag nabasag.
Naiinis pa man ako ay napilutan na akong tumayo para makaalis na sa bwesit na restaurant na kinainan namin.
Ang sarap nga ng mga pagkaing kinain ko pero ang sakit naman sa bulsa.
BINABASA MO ANG
✅Vienn Anderson - POSSESSIVE HEIRS 4 [BXB][MPreg]
RomanceSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Police Director General. Iyon ang titulo ni Vienn sa kapulisan. Pero mailap siya sa mga balita dahil isa parin siyang Anderson at ayaw niyang makita ng iba kung sino at saan siya talaga...