Typo and grammatical error!!
# 2_Vience
"Ano ba? Bitawan mo ako?" Gigil na talaga ako sa mamang pulis na ito. Akala mo naman kung sino makaasta. Kaya ko namang maglakad mag isa pero para naman akong batang hinahawakan ang kwelyuhan ng damit ko at binibitin talaga ako.
Akala mo naman matangkad siya.
Hmmp!
Titinangala lang naman ako. Aba, matangkad na ako sa hieght ko kaya huwag niya akong mamaliitin. Oo, nga at mas matangkad talaga siya. Pero hindi naman ako papahuli.
Pang dalagang pilipina lang talaga ang tangkad ko. Hindi ako pandak at hindi din katangkaran. Tama lang. Kumbaga saktong sakto lang.
At ngayon, iniinis yata ako ng mamang pulis na ito at kung makaasta talaga. Grrrr! Nakakagigil. Makikita niya. Oras na bitawan niya ako humanda talaga siya sa akin.
"Bitawan mo ako. Ano ba." Pang uulit ko ng hindi niya ako pinakinggan. Binigwasan ko pa talaga siya pero hindi umabot ang mga kamay ko sa kanya dahil agad siyang nakalayo kahit hawak parin niya ang damit ko.
"Ang ingay mo! Baka gusto mong mas makulong sa kakatalak mo?" Kalmado man na sabi niya ay nakita ko ang pagkimpian ng mga ngipin niya sa pinipigilang pagkairita sa kaingayan ko.
"Bitawan mo kasi ako? Ano bang problema mo? Kaya ko naman maglakad ah ng hindi mo ako hahawakan. Ano ako lumpo?" Gigil na nagpatuloy ako sa pagtalak.
Na ang matabang baboy ay este matabang lalaki na bumungo sa akin ay tahimik lang at parang maamong tupa na lang dahil nasa presinto kami. Nawala ang tapang niya kanina na awayin akp tapos titiklop lang pala ngayon. Huh! Ang sarap lang kutungan eh. Babawi ako mamaya. Pagsasampalin ko din siya gaya ng magsampal niya sa akin na hanggang ngayon ay nangangapal parin ang pisngi ko. Ewan ko na lang kung bumakat ang pald niya mismo sa pisngi ko.
Aba! Kapag may nakita akong marka mamaya sa pisngi ko. Humanda din talaga sa akin ang baboy na iyan.
"Anong kaso na naman yan, Dan." Tanong ng isa pang pulis na sumalubong sa amin.
"Nag away sa pathway eh! Nakakaistorbo sa mga dumadaan. At ang lalaki namang ito, kalaki ng katawan papatulan ba naman ang patpating maliit na to." Sabay hila pa talaga ng damit ko at itinaas na naman kaya napatingkayad na naman ako.
"Ano ba? Sumusobra ka na ah. Hindi ako patpatin. Makita mo. Aba maganda yata ang katawan ko." Gigil na sabi ko dito na hindi ko na alintana na nagsingisian ang mga kasama niya dahil sa sinabi ko.
"Mukhang taklesa pa ang isang iyan." Sabad pa ng isa at tumingin sa akin. "So ano ang kaso."
"Wala akong kasalanan. Kaya wala kayong ikakaso sa akin." Sabad ko din dito. "Naglalakad lang ako kanina tapos itong tababoy na ito binunggo ako tapos sinampal pa ako."
"Tapos, may patunay ka? May nakakita ba na sinampal ka?"
"Sila." Sabay turo ng mamang pulis na nakahawak sa akin.
"And you slap me too." Sagot naman niya. "So what the case about it? Physical injury? Huh?"
"Pero humarang ka kasi. Kasalanan ko ba iyon. Kung di ka humarang nakaganti sana ako. Saka pwede ba? Kaliit liitang problema pinalalaki mo. Tapos dinala mo pa kami dito. Gigil mo ako eh."
"Haha! Sa akin ka pa ngayom nanggigil. Aba, umayos ka. Baka sa gigil mong iyan mainlove ka sa akin." Ngisi pa talaga siya ng sinabi niya iyon.
"Ayieeeh" at nakisabay pa ang mga kasamahan niya. Ang sarap lang pagbubuhulin.
BINABASA MO ANG
✅Vienn Anderson - POSSESSIVE HEIRS 4 [BXB][MPreg]
Storie d'amoreSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Police Director General. Iyon ang titulo ni Vienn sa kapulisan. Pero mailap siya sa mga balita dahil isa parin siyang Anderson at ayaw niyang makita ng iba kung sino at saan siya talaga...