Part 7: Feelings

589 40 58
                                    

Rita's POV

Napalunok naman si Ken sa sinabi ni Kendra. Nagtinginan kaming dalawa. Nakikita kong stress na si Ken at hindi alam kung ano ang sasabihin niya.

"Uhm, Kendra? Ganito kasi, I have work tomorrow. So I need to stay in my house."

"What?" she gave me a sad face.

Hala jusko ang hirap nga nito. Parang na ko-konsensiya ako na hindi naman dapat. Kendra kung wala lang akong trabaho game ako eh. Papatayin ko yung hiya ko sa tatay mo makasama ka lang. Pero paano ba ito.

Ken interrupted.
"Baby, tita Rita has -"

"Mommy dad! Mommy! Not tita!"

Sabi ni Kendra na may kasama na pagdadabog pa. Pinagalitan pa talaga ang tatay niyang abogado.

"Yes baby sorry I forgot. Mommy Rita needs to stay in her house cause she has work to do pa tomorrow and our house is far from her work place." Ken reasoned out.

"Nooooo!!!"
At umiyak na nga ito habang naka yakap sa mga binti ko.

Lumuhod ako at hinarap siya and wiped her tears.

"Stop crying na baby. Ganito na lang, Kendra. Tomorrow after work, I will visit you in your house. Would that be ok?"

She sniffed. "Promise?"

"Yes baby, I promise." then she hugged me.

"Sige na Kendra let's get inside the car ihahatid pa natin si mommy Rita."
sabi ni Ken at kinindatan ako at sumenyas ang labi nito ng "thank you."

Habang nasa byahe kami ay nakatulog na si Kendra sa dibdib ko. Her arms still wrapped around me. Ang sarap pala magkaroon ng anak. Even just for a short while. Even its just all pretend-play. My heart felt Kendra's love.

"Kuya Arman dyan na lang po sa kanto."
sabi ko.

Nung hininto na ni kuya Arman ang sasakyan, dahan dahan kong nilipat kay tita Veron si Kendra. Mabuti at hindi na ito nagising.

"Bye po tita! Salamat!"
I quietly said.

"Bye Rita, ingat ka ha at Salamat din!"

"Walang ano man po."

Lumabas din si Ken at hinatid ako sa entrance ng baranggay namin.

"Nako ok na dito Ken wag ka na pumasok. Maingay at maraming lasing doon eh."

"Haha ganun ba. Eh baka mapag tripan ka nila eh."

"Nako hindi kilala na nila ako. Takot sakin yung mga yun."

"Haha wow siga ka pala dito eh. Well...dito pala tayo unang nagkita."

"Hala oo nga noh."

"Rita, maraming salamat ha? Sobrang napasaya mo ngayon si Kendra."

"Nako wala yun. Salamat din Ken ha."

"Saan?"

"Sa pag tiwala sa akin. Dahil pumayag ka na mag bond kami ni Kendra."

"Sus kung iba siguro hindi ko gagawin pero dahil ikaw, ok lang. Uhm..Rita?"

"Hmm?"

"Sakaling hahanapin ka ulit ni Kendra ok lang ba na pumayag ka?"

DiventandoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon