Part 23: Danven

677 45 46
                                    

Ken's POV

Natahimik si Rita sa nasabi ko.

"Ayan ka na naman eh."
Inis niyang sabi.

"O bakit?"

"Ginagawa mong biro ang kasal."

"Hindi kaya. Seryoso kaya ako. Ay mahal may pupuntahan pala tayo bago umuwi ah."

"Saan?"

"Basta."

-------
Bumili ako ng bulaklak. Orange Marigolds. Pinahawak ko muna kay Rita.

"Mahal? Para sakin ba to?"

"Sorry mahal hindi eh."

Kumunot naman ang noo nito. Tinawanan ko lang ito habang naka nguso. Hanggang sa nag-iba na ang mukha niya nung pumasok na kami sa pupuntahan namin.

"Hala...mahal?"
Yun lang ang nasabi niya.

"Alam mo ba matagal na akong di nakapunta dito? Dahil sa work at kay Kendra. Nung mismong birthday niya hindi nga ako nakapunta dito. But yun din ang araw na una tayong nagkita. Halika, mahal."

Dinala ko si Rita sa puntod ni Arra. Dahan dahan kaming naglakad papunta sa lapida niya.

"Hi Arra..." May tumulo na luha sa mga mata ko. Pero mabilis kong pinunasan yun.

"Nandito na si Rita. Alam kong nagkita na kayo. Pero importante kasi na madala ko siya dito."

"Hi Arra...salamat sa lahat ha. Sana kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka."

Nilagay na ni Rita ang mga bulaklak sa lapida niya.

Ito na ang panahon na hinintay ko. Sa iba siguro weird ito or more over, creepy. Pero matagal ko ng pinlano ito. Gusto ko talaga dito gawin sa puntod ni Arra. Lalo na noong nalaman ko na si Arra ang gumawa ng paraan para magkatagpo ang landas namin ni Rita.

Lumuhod ako sa harap ni Rita. Nagulat naman ito.

"Rita, I know you are thinking maybe this is not the right place to do it. But I just have to do it right now. I am so blessed and happy to have you in my life. I want to thank you for loving me and Kendra without conditions, without questions and without hesitations. Bihira lang talaga ang babaeng tulad mo. Jackpot talaga me hehe. Hindi na ako magpapaligoy pa. Alam kong nararamdaman mo rin na para tayo sa isa't isa. Alam kong aside from napili kang humalili bilang nanay ni Kendra is, totoo din ang pagmamahal mo sa kanya at sa akin and that is what truly matters for me. Your transparent love that is full of gentleness, care and joy makes my life more meaningful. I always look forward everyday na makita ka, masilayan ka at pagsilbihan ka. Nakikita ko na ikaw talaga ang future ko kaya Rita, please make me the happiest person and make me a husband and a dad once more. Marry me, please?"

She just stood there crying happy tears and finally said,

"This is not just the right place...because this is the perfect place to do it, attorney. Haha of course! Of course I will marry you!"

Napakasaya ng puso ko. Sa sobrang saya ay naiiyak na rin ako. Ilang taon na akala kong magiging malungkot akong mag-isa na palalakihin si Kendra. Ilang taon din akong nagpanggap na ok ako. Pero eto, sa  awa ng Diyos nabiyayaan ng isang tao -isang tao na tanggap ako na kahit may anak na ako ay minahal pa rin ako ito ng lubos. Isang tao na gagawin ang lahat para maalagaan kami ng anak ko ng maayos. Isang tao na nagbibigay ligaya sa amin at inuuna ang pangangailangan ng iba sang sa sarili niya. At iyon ay si Rita.

DiventandoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon