Part 17: Mae Vera

714 39 13
                                    

Ken's POV

Lumingon ako para tingnan si Rita. She is having a straight face while looking at the car window. So nagkita pala sila ni Sanya? Ano na naman ba ang pinagsasabi niya kay Rita? Hay.

"Ah...nagkita pala kayo? Sige mag usap na lang tayo mamaya sa bahay, mahal."

Tahimik lang kami buong byahe.
Hanggang sa nakarating na kami ng bahay.

"Mi? Ako na ho."
Kukunin sana ni Rita si Kendra kay mommy.

"Hindi na nak ako na. Mag-usap muna kayo ni Ken. Sa akin na muna si Kendra."
Sagot ni mommy.

Hinila ko ang kamay ni Rita. Pumunta kami ng kusina at nagtimpla ako ng kape.
Tahimik lang si Rita na naka upo. Parang andaming gumugulo sa isip niya. Hay kasalanan ko rin kasi hindi ko pa lahat nai-share sa kanya.

"Ex-girlfriend mo pala si Sanya?"
Tanong ni Rita. Kalmado naman ang boses nito. Pasalamat talaga ako na mabait ang girlfriend ko at very understanding.

"Pasensya na mahal hindi ko na nasabi sayo. Ako mismo nakalimutan ko na rin siya eh. Pero matagal na kasi noon high school pa kami. And get this, siya ang nang iwan." Binigay ko yung kape niya at tinabihan siya.

"Huh? Iniwan ka niya?"

"Oo. Doon na sila sa Amerika eh. Nagbakasyon lang sila dito kasi namatay ang uncle niya."

"Grabe siya na nga yung nang iwan tapos kanina nung nakipag-usap siya parang may karapatan siyang bumalik sayo."

"Huh? Ano bang pinagsasabi niya sayo?"

"Ayun na siya daw yung first girlfriend mo. Tapos mahal? Nako kung hindi mo lang kaibigan si EA eh. Nakita daw ni Sanya kay EA yung kontrata na ginawa mo noon remember?"

"Hay Edgar Allan nga naman oh! Ang burara din kasi sa gamit yun eh. Sabi kong itago niya na yun eh."

"Ipatapon mo na kaya please?."

"Oo nga...sorry mahal...sorry sasabihan ko siya na itapon na yun promise."

"Tsaka Ken? Matagal na bang walang namamagitan sa inyo ni Sanya?"

"Oo naman mahal sobrang tagal na.
Wala na talaga."

"Eh anong ginawa mo dun sa bahay nila? Nag-usap daw kayo eh?"

"Pumunta kami ni EA doon kasi nakiramay kami sa namatay niyang uncle. Yun lang yun maniwala ka."

"Naniniwala naman ako sayo mahal eh. Mula ngayon, be honest with me about everything ha? Even your past. I want to know din, mahal."

"Yes I will." I kissed her forehead.

"Can I ask about Kendra's mom too?"

Nagulat ako sa tanong niya. Oo nga pala. Hindi ko na rin siya naaalala dahil kay Rita eh. Inubos ko muna yung kape ko. Tapos hinawakan ni Rita ang kamay ko.

"Mahal if hindi ka pa ready, ok lang."

"Tsss...matagal na yun. I have you na eh so I am more than ready to share. Halika sa taas may ipapakita ako sayo."

Binuksan ko ang cabinet ko sa kwarto at kinuha ang isang box sa pinakababa na pinaglalagyan ko lahat ng pictures at memorabilia namin ni Arra.

"What's her name? Kailan kayo ikinasal?"

"Huh? Ay! Mahal hindi! Hindi kami ikinasal."

"Ha?? Ibig sabihin wala ka pa talagang asawa?"

DiventandoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon