Part 18: Baby Rita

696 40 23
                                    

Rita's POV

"Namatay na pala ang dati mong nobya hijo?" Sabi ni Lola Rosa kay Ken.

"Opo La. Apat na taon na rin po yung nagdaan."

"Si Rita ang napili ng nobya mo para humalili sa anak mo. At nagpakita siya sayo Rita kasi ikaw rin ang napiling mapapangasawa nitong si Ken."

"Tama kayo Lola Rosa parang ganun na nga po." sagot ni Ken.

"Hala yung humalili sa anak mo ok yun mahal pero excited ka naman masyado sa mapapangasawa." Sabi ko dito.

"Rita anak, nasa tamang edad na naman kayo eh. At saka pareho naman kayo may trabaho hindi naman masama na mag umpisa na kayong magkaroon ng pamilya. Wala namang masama doon." Sabi ni Lola Rosa.

"Tama ka doon La. Apir tayo dyan! Tsaka pamilya na rin po talaga ang turing namin ng anak ko kay Rita."

Nako pinagkakaisahan nila ako eh. Pero masyado din naman ako maarte. May nangyari na nga sa amin ni Ken eh may nahihiya pa akong drama. I know na doon na rin siguro ang punta nun. Siguradong sigurado na ako kay Ken. Kahit hindi pa siya nagtatanong ay oo na agad ang sagot ko. Baka multuhin ako ulit ni Arra pag hindi ako um-oo. Haha. Pero mahal ko talaga si Ken. Sa tamang panahon I believe mangyayari din naman yon. For now, I just want to enjoy my life with the people I love.

Naplano na rin namin ni Ken ang pagbisita sa nanay ko. Isa yun sa mga ni loo-look forward ko ngayon. Nalulungkot ako sa sinapit niya. May pag-asa pa kayang magamot siya? Gaano ba kalala ang sitwasyon niya? "Rizalyn Ocampo" Tandang tanda ko pa ang pangalan niya na sambit ni Tito Jay. Mula nun, palagi ko na rin siya naiisip. Kamusta na kaya siya doon? Sana ok lang ang kalagayan niya.

Nagpaalam na si Ken na umuwi. Hinatid ko na siya sa labas.

"Ingat ka mahal txt mo ako kapag nakauwi ka na ha."

"Yes naman boss. I love you."

"I love you too!"

Isang halik at mahigpit na yakap ang binigay niya bago siya pumasok sa sasakyan niya at umalis.

---------------------

"Salamat ha. Alagaan mong mabuti ang anak ko ah? Ikaw na rin bahala kay Ken.

Noong nag wish si Kendra ng bagong mommy noong birthday ko, doon ko nalaman na may misyon pa pala ako. Siyempre gusto ko talaga yung mabait at maalaga noh. Ayaw ko na mapunta sila sa kung sinu-sinong babae lang. At pasalamat naman ako at nakita kita Rita. Matagal na kita minaman-manan.

Masaya ako palagi na napapasaya mo si Kendra at Ken. Sana wag kang magsawang mahalin sila.

Salamat, Rita. Ay siya nga pala, bumili ka ng manika at ibigay mo sa nanay mo."
.
.

"Huh?! Arra sandali! Bakit? Arra! Arra!"
.
.
.

"Bakla gising!!! Rita! Ok ka lang?!"

Bumangon ako at napabuntong hininga at napahilamos ng mukha. Nanaginip ako. Pero parang totoo. Parang nag-uusap talaga kami. Kinakausap na naman ako ni Arra. Hay grabe.

"Nabangungot ka nak?"

"Hindi po La. Napanaginipan ko si Arra eh. Kinakausap niya ako."

"Jusko miss ka niya masyado baks napapadalas ah."

"Loka loka ka talaga bakla.
Siyempre may sinasabi siya."

DiventandoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon