Part 24: Guyabano

725 41 16
                                    

Rita's POV

"D-Danven? Napanaginipan mo ulit anak?" Tanong ko kay Kendra.

"Yes mommy."

"Rita may sasabihin ka ba sakin or sa amin?" Tanong ni Ken sa akin.

Napakamot ako ng ulo at napapikit ng mata.

"Mahal? Eh kasi ngayon ko lang din nalaman eh. Kaninang lunch time lang."

Kinuha ko sa bag ko at ibinigay ko sa kanya ang tatlong pregnancy test kits.

Napatayo si mommy para silipin ang binigay ko kay Ken.

"Yesssss!!!!! Magkaka apo na ulit ako! Aaaaahhh congrats sa inyong dalawa!"
Galak na sabi ni mommy.

Tinititigan ko si Ken habang tinitingnan ang tatlong test kits na hawak niya. Tahimik lang ito.

"Ken?"

"Grabe tatlo talaga?"
Napangiti na rin ito sa wakas.

"Oo tatlo para I love you. Hehe charing lang. Panigurado lang mahal."

"Haha I love you too.
I'm so happy, mahal!"

"Masaya ka?"

"Oo naman!"

Niyakap naman ako ito ng mahigpit at hinalikan sa ulo. Pero hindi ako makapaniwala kay Kendra. Pati gender ni baby nauna na niyang malaman. Pambihira.

"Nako sana nga baby brother na talaga Kendra ano?"

"I'm sure it is dad."

"Ayan Ken sure daw. Amen! May lalaki na! Yeyyy!" Sabi naman ni mommy.

"I can't wait to see you Danven!"

Kendra kissed my tummy.

"Nako may pangalan na pala eh. Hindi na ako mamomroblema. Thank you Kendra!"

"You're welcome mommy."

"Ay ang saya saya ko. Sige kain na tayo. Rita kumain ka ng kumain lalo na at you're eating for two na."

"Sige po mi."

Nilagyan naman ni Ken ng maraming ulam ang plato ko.

"Nako jusko bibitayin ba ako bukas?"

"Ah basta kumain ka. Ubusin mo to."

Hinawakan ni Ken ang tyan ko at ang isang kamay nito ay nakaalalay sa likod ko. He flashed a smile and placed his head down my stomach.

"Hi baby Danven. Mahal ka ni mommy at daddy at ni ate Kendra. Maging malusog ka sana baby. Kapit ng mabuti ha. We will see you soon!"

Hinalikan niya ang tiyan ko at masaya na kaming kumain. Si mommy Veron nag ku-kwento na tungkol sa OB Gynecologist, sa check up, sa gatas na iinumin ko, at sa kung ano pa ang kailangan ko.

Ang sarap pakinggan na may nag aalala na nanay para sa akin sa panahong ito. Ang swerte ko. Alam talaga ng Diyos kung sino ang mga tamang tao na ipapadala sa bubay mo sa tamang oras at sa kung saan mo mismo ito kailangan.

Habang nagpapagaling si nanay Riza, may mommy Veron naman ako dito sa tabi ko.

Iniisip ko na lang na sa lahat ng hirap at sakit na dinanas ko noon, ito na yata ang ginhawang biyaya na pinagkaloob ng Diyos. Hindi ko deserve pero possible pala na mangyari.

DiventandoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon