EXO1- The Star

263 4 1
                                    

Pakibasa ang AN sa dulo ha! Pagtapos niyong basahin. Para maliwanagan kayo!

--

Third Person's POV

Gabing gabi na nang maalimpungatan si Enniah sa kanyang pagtulog mula sa isang masamang panaginip. Isang panaginip na pilit niyang kinakalimutan at tinatakasan.

Napatingin siya sa kaniyang veranda dahil sa malakas na hanging nagpalipad ng kaniyang kurtina. Sa pagkakatanda niya kasi ay sinara niya ang pinto nito kaya nagtataka siya kung paano nilipad ang kaniyang kurtina.

Bumangon siya upang isara ang pintuan nang madako ang tingin niya sa kalangitan na puno ng makikinang at kumikislap na bituin. Naalala na naman niya ang nagyari tatlong taon na ang nakakalipas at ang kaniyang panaginip.

Napabuntong hininga na lang siya, napatungo at napapikit. Pilit na iniwawaglit ang mga pangyayari sa kaniyang isip.

Umihip muli ng malakas ang hangin tila nanghihikayat na buksan niya ang kaniyang mata at tingnan ang kalangitan.

Pag tingin niya ay tila naglalaro ang tadhana nang makita ang dahilan ng lahat ng ito.

Isang shooting star...

Nagkaroon na naman siya ng pag-asa ngunit sa kabila nito ay ang takot na baka maulit muli ang lahat.

Ngunit mas nangingibabaw sa kanya ang pag-asa kung kaya ay susubukan niya muli. Susubukan niya muli gawin ang isang 'stupid thing' para sa kanya

Hindi naman siguro masama kung susubukan ko ulit? Pero sana sa pagkakataong ito matupad na. Sana.

At humiling na siya. Isang hiling na hindi sukat akalaing matutupad. 

Sana magkaroon naman ng bagong thrill ang buhay ko. Sana maging malapit sa akin ang EXO.

Kasabay ng paghiling niya ay ang eksaktong pagpatak ng oras sa 11:11 ng hindi niya alam.

Pagkatapos ng kaniyang paghiling ay bumalik na siya sa paghiga at natulog ng payapa at panatag ang loob.

Kinabukasan~~

Enniah POV

"Enniah!! Gumising ka na! May bisita ka rito sa baba."

Arggh! Ang aga naman nun! Nasa dreamland na ako oh! Makikita ko na yung mukha ng prince charming ko eh!

"Enniah!!" Mommy ko.

"Eto na po!" ako

Bumangon na ako sa aking higaan at inayos ito atsaka dumeretso sa banyo para gawin ang aking morning rituals. Bahala ang kung sino mang bwisita kong yun na mag-antay.

Nang maayos ko na lahat ng dapat kong ayusin, ay bumaba na ako para harapin ang bwisita ko.

"Mi! Sino yung bwi-- este bisita ko?" ako

Muntikan pa ako madulas. Nako! Baka nabatukan ako ni Mi kung nagkataon.

"Nasa garden sa likod ng bahay." Mi

Medyo feel at home lang ang peg? Kelangan sa garden sa likod talaga siya mag-antay? Hindi ba siya mapakale sa sala at nakarating siya doon?

Habang naiinis akong nag-iisip kung sino ang aking bisita ay nakarating na ako sa likod sa garden.

At nagulat ako ng nakita ko siya...

Bakit ngayon pa?

Sino ba naman ang matutuwa na makita mo yung ex mo nasa bahay niyo? Feel at home pa ang loko!

Nang makita niya ako, napatayo siya. Tapos lumapit sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Bored kong tanong. Bakit pa kasi kailangan pumunta dito? At umagang-umaga, sinisira na niya ang araw kong matagal ng sira.

"Pumunta lang naman ako dito kasi ibibigay ko sana sayo 'to." Sabi niya sabay abot sakin ng isang box.

"Cake yan. Ginawa ko para sayo. Sana magustuhan mo." Pagpatuloy niya.

"Sigurado ka bang masarap 'to? Baka naman hindi ko pa kinakain masuka na ko?" Pagtataray ko kahit na alam kong magaling talaga siya sa kusina. Habang ako, tulog ako nung binayayaan sila.

"Oo naman, parang hindi mo naman ako kilala." Sabi niya. And he smiled bitterly. Hay.

"Bakit mo nga pala ko binigyan ng ganito? Anong meron? B-day mo? Hindi ko ata alam o sadyang nakalimutan ko na talaga?" Ako.

"Grabe ka! Ganyanan na tayo ah! Nagbreak lang tayo ganyan ka na. Actually kaya kita binigyan niyan kasi yan ay suhol. Joke. Alam mo naman na tradisyon sa amin na kapag lumipat kami ng bahay, namimigay kami ng kahit ano sa maging kapit-bahay namin. Saktong kayo ang nakatira dito kaya ayan tanggapin mo ang cake na binake ko na may kasamang pagmamahal mula sakin-- este samin pala." Mahabang sabi niya.

Galing sa kanila? Siguro ng parents niya.

"Sino bang kasama mong lumipat?" I asked wala naman masama eh.

"Ha? Yung mga bamdmates ko. Ang EXO."nakangiting sabi niya.

Paano nangyari yon? Ang ex ko kasama sa favorite band kong EXO?

"Ha? Paano nangyari na-" naputol ang sasabihin ko nang magpakilala siya sakin ng pormal.

"Hi! I'm Do kyungsoo. D.O. for short and I'm the new member of Exo." He said with a playful smile on his face.

"Paano ba yan? Tapos na ko sa trabaho ko, alis na ako. See you at school, Enniah!" He added. At umalis sa harapan ko. Ako naman naiwang nakatulala. Ngayon lang nagsink-in lahat ng sinabi niya.

What the?! Kapit-bahay ko nga ang fav. band ko na EXO at natupad ang hiling ko pero sa kasamaang palad bakit nasama ang ex ko sa band na 'yon? Anong nangyayari sa mundo?

---

A/N: ang Exo dito ay isang school band. Kaya kung huling member si D.O. ay sinadya ko yun. Kahit hindi naman siya ang huli na naging member. Isipin nalang natin na hindi ganoon kasikat ang exo dito sa story sa school lang nila. Kahit na marami talaga silang fans!! Wooooh! Mawawalan kasi ng twist kapag hindi ko binago ang concept. Thanks.

D.O. Kyungsoo po at the side. >>>

My neighbor is EXO (EXO D.O FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon