Lilian's POV
"Lilian, are you okay?"
Nang magtama ang aming mga mata ay nakita ko agad ang bakas ng pag-alala. He was looking straight into my eyes. Nakatitig lamang ako sa mga nito na parang hipnotismo na tila bang wala akong kakayahan na ihawasan ang mga mata niya.
It seems like a magnet. Sa oras na magtama ay mahirap nang kunin.
Hinawakan niya ang pisngi ko at bahagya akong napa-aray dahil nakaramdam ako ng kaunting sakit. Volleyball player ba si Carrie? Lakas pumalo!
"It hurts?" Tanong nito ulit. Nakita ko sa peripheral vision ko si Marie na nagpipigil ng kilig.
"Yes but it's bearable, sir." Sagot ko at bahagyang umatras dahil mas nanghihina pa ako sa kaguwapuhan nito kaysa sa sampal ni Carrie sa akin.
Inayos ko muna ang aking sarili at hinarap si Marie na kanina pa namumula at nagpipigil ng kilig. Baklang 'to!
"Pwede ba ikaw muna pumunta sa landlord? Sabihin mo nalang na busy ako, don't worry i-a-update ko nalang siya na ikaw ang pupunta para sa'kin." Sabi ko kay Marie na agad namang pumayag.
Tinext ko muna ang landlord para ma-inform siya na hindi ako makakapunta but instead papupuntahin ko si Marie para siya ang kumausap sa landlord about sa condo na kinuha ko.
Hinarap ko ulit si sir na ngayon ay nakatingin pa rin sa mga namumula kong pisngi.
"Sir, let's go?" Tanong ko sa kanya ngunit umiiling siya na ikinagulat ko. Akala ko ba ay hindi pa siya nananghalian.
"I thought you haven't eaten your lunch yet, sir?" I asked again.
"Let's go to the nearest clinic, so they can put cold compress on your cheek. Or you should get your teeth checked, maybe you lose a tooth." Bahagyang bumuka ang aking bibig.
What?
Hari ba 'to ng mga nerbyoso at nerbyosa? Dinaig pa si lola sa pagiging paranoid! Kahit ako ay tinalo sa pagiging overthinker! Alam ko na malakas ang sampal ni Carrie pero hindi iyon gano'n kalakas para mawalan ako ng ngipin.
Natawa nalang ako sa sinabi niya. "You're a good joker, sir." Aniko. Kahit si Marie ay natawa din sa sinabi niya.
But he's serious.
"You should stay here and rest, I'll just call an uber to pick me up and I'll just call for food delivery." Sabi nito at tumalikod na.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Gusto ko sana siyang sundan ngunit baka paalisin lamang ako nito dahil base sa contract ko, hindi pa ako ang personal assistant nito dahil hindi pa ako tapos sa isa ko pang kliyente.
Wala akong nagawa kundi ang manatili sa agency. Pinaalam ko naman kaagad kay boss na umalis si sir. Sinabi naman nito sa akin na naka-check in ito sa isang hotel sa Maynila kaya panigurado ay doon ito dediretso.
Pero kagaya ng sinabi ko kanina, si Marie na lang ang pinapunta ko dahil namumula nga ang pisngi ko.
Hindi ko na lang pinaalam kay boss ang nangyari kanina dahil ayaw ko na mas lumala pa ang sitwasyon ni Carrie.
Kumuha na lang ako ng icepack mula sa pantry ng opisina at nilagay sa aking pisngi. Umupo ako sa aking upuan at pinaandar ang computer. Tila may sariling buhay ang aking mga kamay nang bigla itong pinindot ang google at tinipa ang pangalan ni sir.
"Hwang In Yeop."
Lumabas ang iba't-ibang impormasyon tungkol kay sir tulad ng birthday nito, edad, at pati zodiac sign. So he's 28 years old now. And he's just 3 months older than me.
BINABASA MO ANG
I'm His Personal Assistant
FanfictionMeet our Province Girl, Lilian Deavy Buenaventura, isang PR Assistant sa isang Public Relations Agency. Old fashioned girl, 'napag-iwanan ng panahon' sabi nga nila pero when it comes to work, "professionalism" ang motto niya. Meet our Korean Boy, H...