Lilian's POV
Nakarating ako sa condo bandang alas tres y media ng hapon. Wala pa si Marie kaya naman ako nalang muna ang naglinis at nag-ayos ng mga bagay-bagay sa loob ng condo.
Pinasok ko sa loob ng cabinet ang mga damit na pinamili sa akin ni sir Ivan.
Speaking of Ivan, hindi ko alam kung bakit iyon ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Maybe it's his english name? Pero actually mas madali kung sir Ivan ang itawag ko sa kanya kasi mas maikli iyon kumpara sa In Yeop. Ni hindi ko nga alam kung tama ba ang pagkakasabi ko sa pangalan nito. Hay ewan!
Dumiretso ako sa kusina para magluto ng meryenda dahil ngayon lang ako nakaramdam ng gutom mula kanina. Ginawan ko na rin ng meryenda si Marie dahil alam ko panigurado any time soon ay nandito na iyon sa condo.
At dahil on leave naman ako sa trabaho ay hindi na ako nag-abala na labhan ang blazer top na palaging suot ko kaya wala akong magawa kundi ang humilata sa sofa at manood ng TV.
And out of curiosity, tinipa ko sa screen gamit ang remote control ang korean shows ni sir Ivan. Lumabas ang samo't-saring shows kung saan may appearance siya. Mayroon ding game shows at reality shows. At kasama rin ang cooking show kung saan ay inaccept niya ang challenge na mag cook-off battle sa kapwa niya korean star!
Aba't may pa cook-off battle pa 'tong nalalaman tapos hindi malang magawan ang sarili ng dinner?
Minsan ay admirer ako ni sir pero siguro minsan ay isa rin ako sa mga basher nito. Kimi!
Maya-maya pa ay dumating na si Marie, nagmamadali itong pumasok at agad na umupo sa sofa sa tabi ko.
"Napa'no ka? Bakit ka namumutla?" Tanong ko sa kanya dahil parang nakakita ito ng multo.
"Diyos ko naman, sinong 'di mamumutla kung naka witness ka ng car accident, live mismo!" anito. "Saan?" tanong ko.
"Sa ravenswood, hinatid ko lang ang client ko dun tas nung pauwi na ako biglang nag boom! Girl, traumatizing 'yon!" Kuwento nito at maypa-action pa.
"Sige na, kalma na. Ito ginawan kita ng meryenda." sabi ko sabay abot sa kanya ng tinapay at juice. "Pero hindi naman malala yung nangyari?" Tanong ko sa kanya dahil medyo may kaba akong naramdaman lalo na't kaka-alis lang ni kuya Seb.
"Yung naka-bangga syempre hindi malala 'yon nakakotse ba naman. Pero yung tricycle sis, buti nalang tumalon si manong driver pero hindi ako sigurado sa pasahero na nasa loob. Pero hindi naman malala yung damage ng tricycle pero sana naman walang masamang nagyare kay ate." Sabi nito at nilagok ang juice at 'di alintana ang lamig.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si kuya Seb kung nakarating na ba ito sa agency, nag reply naman siya kaagad na malapit na siya kaya naman nasigurado ko na hindi siya ang involve sa aksidente.
Hinintay nalang namin ni Marie na sumapit ang gabi para makakain at matulog ng maaga. This day was so exhausting. At alam ko na iniiwasan din ni Marie na pag-usapan namin ang tungkol sa meeting kanina.
Sa totoo lang ay ayaw ko rin pag-usapan pa iyon, and I'm trying my best to divert my attention into something else.
May inaasikaso si Marie sa laptop nito kay hinayaan ko nalang muna siya. Tapos na rin kaming kumain kaya wala akong magawa kundi inihagis ang sarili sa sofa at manood ng shows ni sir Ivan.
At sa mga oras na ito ay gumaan ang aking pakiramdam... somehow.
The show's intro music played, and the host appeared on screen with a welcoming smile. After a brief introduction, he announced Hwang In Yeop's arrival. My eyes widened as he walked onto the set, looking effortlessly charming.
BINABASA MO ANG
I'm His Personal Assistant
FanficMeet our Province Girl, Lilian Deavy Buenaventura, isang PR Assistant sa isang Public Relations Agency. Old fashioned girl, 'napag-iwanan ng panahon' sabi nga nila pero when it comes to work, "professionalism" ang motto niya. Meet our Korean Boy, H...