Simula

309 60 44
                                    

Lilian's POV

Maintaining the positive image of our organization to enhance the perceptions of our clients wasn't easy. Writing marketing materials such as newsletters, social media posts, and press releases was kinda exhausting. But I don't have a choice, this is my work.

I am Lilian Deavy Buenaventura. I am currently working as a Public Relation Assistant in a Public Relation Agency in Manila.

Walang espesyal sa buhay ko. Wanna know my story? Let's make it short. Gising, byahe, pasok trabaho, byahe pauwi, tulog and the cycle continues. I'm just a simple girl living in a simple village. Nothing's special to me to be honest.

Nakatira ako sa Bulacan. Tanging si lola lamang ang nagpalaki sa'kin mula pagkabata. Si mama naman ay umalis noong bata palang ako pero wala na kaming balita sa kanya. Galit si lola noong umalis na lamang si mama nang walang paalam. Si papa naman, nung nalaman niyang buntis si mama ay iniwan niya ito. Oo, mabubuti ang mga magulang ko!

Mayroong maliit na negosyo si lola, garments and furniture, na siya namang minamanage ng aking tiyo. Sa negosyong iyon ay napagtapos ako ni lola sa pag-aaral hanggang sa naka-apply ako ng trabaho dito sa Maynila.

Manila is indeed full of dreams. Kahit saan ay makakahanap ka ng trabaho. Pero 'yon nga lang, may mga qualifications na kailangan mong abutin bago ka makahanap ng trabaho. Hindi biro ang paghahanap ng trabaho. Kung kinakailangan mong malayo sa pamilya mo para makahanap ng trabaho ay gagawin mo, and that's never been easy.

Kasalukuyan akong naglalakad sa kahabaan ng EDSA papunta sa agency na pinagtratrabahuan ko. Sa sobrang traffic ay wala akong nagawa kundi ang bumaba sa uber at maglakad na lang.

Panay ang punas ko sa tumatagaktak kong pawis. Umpisa palang ng araw ko pero ang estado ko ngayon ay parang end of the world na.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang biglang nag-ring ang aking cellphone. Kinuha ko ito mula sa aking sling bag at sinagot. Tumatawag si boss!

"Hello." I answered.

"Hello, Lily. Nasaan ka na?" Bungad sa akin ni boss. How should I explain this?

"Ah... eh... boss, na-traffic ako, eh." Tanging sagot ko. Bahagya kong pinikit ang aking mata dahil akala ko ay bubulyawan ako ni boss sa telepono.

"Lilian, ilang beses ko nang sabihin sa'yo na kumuha ka na ng apartment o 'di kaya condo malapit sa building natin. You're always stuck in traffic. Nale-late ka parati!" Anito.

"Susubukan ko, boss. Medyo budget kasi sahod ko ngayon." Humingi ako ng pasensya kay boss. I think he heard me saying sorry a thousand times.

It's been 4 years since na hire ako sa agency, at apat na taon na rin akong parating late. Laking pasalamat ko na hanggang ngayon ay hindi ako natatanggal.

After 10 minutes of walking, I finally arrived at the building. Bahagya kong inayos ang maukay kong buhok at pinunasan ang pawis sa aking noo at leeg bago pumasok.

"Good morning!" Bati ko sa mga nakakasalubong ko. Dumiretso ako sa cubicle at tumungo sa aking table. Umupo muna ako at inayos muli ang sarili habang inaantay ang aking kliyente.

I opened the computer and searched for apartments and condominiums near the building. May nakita akong 'for rent' and it's cheap. Pero nakita kong wala pang kahit na anong reviews ang apartment kaya ni-skip ko muna.

After a few minutes of searching, finally ay nakahanap na ako. Isa itong maliit na condominium unit sa Ortigas. Sobrang lapit lang! I checked the reviews of condominiums at marami naman ang nagandahan dito. Tiningnan ko ang pictures ng loob ng condo, it's small but it's enough for two people.

I'm His Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon