Fire 14

589 24 1
                                    

Couple

"Minsan, gusto ko nalang talagang maglayas sa amin," naiiritang kwento ni Arie sabay tusok ng hotdog na lunch niya sa cafeteria.

"Being with my father is too... suffocating."

Napalingon ako sa sinabi niya dahil nakakarelate ako roon. I have never bonded with my father. We only talk about Academics, grades, and business. If we don't talk about those things then we won't be able to communicate at all. He treats everyone like that. Even my siblings and my Mom.

"You want to rebel?" nagtatakang tanong ni Rosie kay Arie.

"Yes! Pwede bang paampon nalang sainyo. Sana all Lombardi, noh?"

"Bakit hindi kay Eurie?"

"Pwede rin. Ampunin niyo nalang ako, please!"

No, Arie. You wouldn't want to be part of my household if you find out what kind of life I am living. I'm forced to hide my passion in fear of it being taken away from me.

Napatingin ako kay Rosie. I sometimes wish I was a Lombardi. Rosie was never pressured, never compared, and never forced to take on their company. At kapag kinekwento niya kung gaano siya kalapit sa kaniyang mga magulang hindi namin maiwasang ma-inggit ni Arie.

"Arie, I forgot to tell you this.. but someone's courting me," biglang pag-amin ni Rosie. Nanlaki ang mata ni Arie at napatakip ng bibig.

"Who?"

"Sandro," simpleng sagot ni Rosie.

Biglang napatayo si Arie at lumingon kay Rosie, hindi makapaniwala sa narinig.

"Sandro?!" she asked in disbelief.

Bumagsak ang ulo ni Rosie at namula sa hiya, saka siya dahan-dahang tumango.

"Hmm, hindi ko alam na ikaw pala ang tipo niya," sambit ni Arie at nakangising pinagmasdan si Rosie. Lalong namula ang babaeng Lombardi sa narinig.

"C-close kayo?" tanong ni Rosie. Napataas ang aking kilay, iniisip kung close ba itong si Arie at Sandro. Parang hindi naman. Minsan ko lamang silang makitang nag-uusap sa klase.

"Yung Mom niya assistant ng Dad ko, madalas kong makita siya kasama ang Nanay niya. Pero hindi ko naman masasabing close kami," pagsagot ni Arie.

Kinulit naman ni Arie si Rosie at ipinakwento kung paano sila nagsimulang magligawan. Si Rosie naman ay pulang-pula habang inaalala at ikinekwento ang mga pangyayari dahil sa hindi matapos-tapos na panunukso ni Arie.

"Nagkiss na ba kayo?" tanong ni Arie at nagtataas baba ang kilay habang may ngisi sa labi.

Mabilis na umiling si Rosie.

"Boo! Ang weak naman ni Sandro!"

Natapos ang aming lunch. Mamayang hapon, mayroon ulit kaming meeting para sa nalalapit na Prom. Dahil sa katapusan na ito ng Pebrero, ihinahanda na namin ang lahat ng kakailanganin. Napagdesisyunan na rin namin na ituloy ang Belle Epoque na theme.

"A-attend ka mamaya diba?" paninigurado ko kay Rosie. Tumango naman siya at binigyan ako ng ngiti.

The Student Council Members have big roles to play when it comes to organizing events in school. Itong Promenade na ang pinakamalaking even na i-oorganize natin.

Kissing Fire (KD#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon