Hate
I was furious.
I was furious for Rosie. How could they do this to her? I trusted Sandro. I trusted Arie. How could they kiss like Rosie doesn't exist in their lives?
I felt the all the veins in my head pulsate as the scene replayed in my mind. Anger boiled in every drop of my blood.
Lalapitan ko na sana si Sandro ngunit nakuha ang atensyon ko ng isang tumatakbong babae na may dala-dalang bag. Lahat ng bisita ni Senator Chua ay napabaling kay Arie. Hinahabol siya ng ama at ng isang lalaking medyo kamukha niya. It must be her brother.
Napasinghap ang mga bisita nang nagsisigaw ang Senador.
"Ariadne! Come back here!"
"No! If you're only going to force me to go to America then I might as well leave this house!"
Malakas pa siyang tinawag ng ama ngunit dahil sa dami ng tao sa kanilang bahay ay hindi na siya nahabol pa nito. Nagsimulang magbulungan ang mga tao habang sinusundan ang mga pangyayari.
I wanted to follow Arie. I wanted to confront her but she got out of the house so fast that even the bodyguards weren't able to stop her.
Nakikita ko ang mabilis na pamumutla ng ekspresyon ng Senador nang makita na lahat ng bisita'y sakaniya nakatingin. He cleared his throat and excused himself.
Bumaling ako pabalik kay Sandro at nangangalaiting nilapitan siya. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang sigawan. I want to claw his face out of anger for what he did.
"How dare you do that to Rosie?"
"Euphoria-"
"I don't want to hear whatever trash you're going to say just to save yourself." matigas kong bigkas.
"Kayo pa ba ni Rosie. Yes or No?"
Tumaas ang aking kilay nang makitang mangangatwiran pa siya. Itinaas ko ang kamay at inunahan siyang magsalita.
"Yes or No?" mas malakas ko ngayong sambit.
"Yes." mabilis na sagot niya.
Mariin kong ipinikit ang mga mata nang umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo. I gritted my teeth and my palms balled into fists.
"Then you cheated. You kissed another woman's lips, another woman that is not your girlfriend."
Matalim ang ibinigay ko sakaniyang tingin. Kung nakakapatay lang ang pagtitig ay malamang hindi na siya humihinga ngayon.
"I won't let you get away with this." I hissed and gave him my deadliest glare. Tumalikod na ako ngunit hinuli niya ang aking braso.
"Euphoria. Huwag kang makiealam."
I scoffed. "Don't tell me what to do." Lumuwang ang kaniyang kapit sa akin at iritado kong inagaw ang braso mula sakaniya.
Habang pauwi kami'y nag-isip ako ng paraan kung paano ko sasabihin kay Rosie ang nalaman. Bantay sarado ang mga magulang ko sa akin ngayon. Ayaw ko namang idamay pa ang mga kapatid ko at pati sila'y mamoblema rin.
BINABASA MO ANG
Kissing Fire (KD#1)
Roman d'amourEuphoria Adelaine Delangel is a cunning and formidable woman. She's a welter of all shrewd and twisted things. Try to get in her way, the next thing you know, you're wrapped around her pretty little fingers. Not even the greatest con could fool her...