Fire 46

644 34 9
                                    

Deal

Pagkalabas ko ng conference room ay nagulat ako sa nasalubong ko. I stopped on my tracks and gazed at her. She was also shocked to see me in this building. 

"Margaret?" nagtatakang saad ko.

"Miss Delangel!" may bumungad na ngiti sakaniyang mukha at sinalubong ako ng yakap.

"Nakabalik ka na pala sa Pinas," maligayang sambit niya nang maghiwalay na kami.

"Ah oo, nung isang araw lang," I replied. I couldn't help but to gape at her.

She's holding a clipboard, but wearing a different ID. I'm sure it's not the Delangel's. Nang tuluyang mabasa ang nakasulat sa id ay hindi ko na napigilang mapatanong.

"W-What happened? Why are you working for the Lombardis?" I asked in confusion.

She sighed. "Nagtanggal ng ilang empleyado ang kompanya niyo dahil nga sa pagbaba ng stocks. Isa ako sa mga napatalsik sa Delangel Corp." pag-eexplain niya at nakita ko ang lungkot sakaniyang mga mata.

"I just got this job a month ago. Ayaw ko sanang tanggapin dahil may utang na loob din ako sa mga Delangel pero hirap na hirap na kami ng pamilya ko."

I tapped her shoulder and gave her a sympathetic look. "I'm so sorry to hear that. How are you holding up here? If you're having a hard time I'll try asking the HR Department to get you back to the company."

Margaret gave me a soothing smile. "Okay lang naman, Miss Delangel. So far maayos ang trato sa akin ng mga kasamahan ko at yung boss ko na si Sir Heathcliffe.."

Nakahinga ako nang maluwag sa nalaman. Nagpaalam na ako sakaniya at ibinigay ang aking number para kung kailangan niya ng tulong ay maaari niya akong i-contact.

On the way back to the Delangel Corp., I brainstormed on what I should do. I have one week. One week to hatch a plan for the debt repayment. Iyon parin ang iniisip ko hanggang sa makarating sa opisina ng ina. As usual she's not there.

Hinanap ko si Niccolo sa phonebook ni Mommy at nang makita ang numero ng lalaki'y agad siyang tinawagan.

"Hello who is this?" narinig ko nanaman ang napakapormal na tono niya.

"Niccolo! This is me Euphoria! Do you still work for the Delangels?" bungad na tanong ko.

"Miss Delangel, welcome back. Yes, I'm still working in the Delangel Corp. Is there anything you need?"

"Yes. Kaya mo bang maaccess ang sales report and performance ng kompanya ng mga Lombardi?"

"Of course. Ako pa." saad ni Niccolo.

"Please send it to me immediately. Nandito ako sa office ni Mommy. I'll pay you, I promise!"

Nang pumayag si Niccolo'y hinintay ko siya sa opisina ng ina. Habang naghihintay ako ay nireview ko ang sales at performance ng kompanya ng mga Delangel. When Niccolo entered the office I greeted him with a hug before he finally gave me the documents that I needed.

"How about a shoutout from your sister as a payment." sabi pa ng lalaki. Tumango ako at natawa na lamang sakaniyang request.

Kissing Fire (KD#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon