Prologue

30 7 0
                                    

Liel

Lakad takbo ang ginagawa ko sa madilim na kalsada na to para makarating sa kotse ko. Hindi ko alintana ang pawis na tumutulo mula sa noo ko.

Kailangan kong makaalis at malayo dito hangga't humihinga pa ako.

Napasinghap ako ng bigla akong tumumba paharap sa kalsada at hinihingal pa. Kinailangan ko pa maghanap ng puno para makapagpahinga at makapag tago pansamantala.

Umupo ako at tinanggal ang jacket ko saka ipinalupot ito sa bewang ko. Hinihingal pa rin ako at ramdam ko ang pawis na tumatagaktak mula sa noo ko pababa sa pisngi ko kaya agad ko itong pinunasan.

Sumandal ako sa puno dahil ramdam ko ang panghihina at pangangatog ng binti ko. Pumikit ako at hinayaan ang sarili na makulong sa walang hanggang dilim at saka dinama ang lamig ng paligid.

Nagmulat ako ng mata ng maramdaman kong humaplos ulit ang hangin sa balat ko. Tumingala ako at saka pinanood ang magandang buwan at mga bituin.

Ang dilim ng langit at buwan kasama ng mga nangniningning na bituin ang nakakapagbigay ng liwanag sa buong paligid.

Hindi ko aakalain na sa ilalim ng buwan at mga bituin na to ay may mga tao ng gumagawa ng masama at ikakabagsak ng mga tao sa paligid mo.

Nag pakawala ako ng malalim na buntong hininga. Tumayo na ako at saka pinagpagan ang nakadikit na dumi at lupa sa jacket at pants ko. "Tss, bakit ba hindi ko naisip na madudumihan pala yung jacket ko kitang-kita tuloy yung dumi."

Naiiling ako habang pinapagpagan ang sarili.

Pagkatapos magpagpag ng ilang libo o milyon na dumi ay naglakad ako ng tahimik sa kalsada. Kung tatakbo ulit ako ay baka masyado na akong hingalin at baka magkaroon pa ako ng shortness of breath and worst? Baka mamatay pa ako dahil sa hindi paghinga ng maayos.

Natanaw ko na sa kanto ang kotse na ginamit ko kaya hindi na ako nag aksaya ng oras at patakbo akong nagpunta rito.

Pabagsak akong umupo sa driver's seat at saka binuksan ang makina. Napatingin ako salamin sa taas dahil sa biglaang pagliwanang ng paligid.

At doon ay may kotse sa likod ko na para bang binabantayan ako I smirked.

"Ang tatanga magbabantay na nga lang at mag aabang nakabukas pa yung ilaw." natatawa at umiiling akong sinabi ito sa sarili ko at saka sinimulan magmaneho.

Nag overtake ako sa truck na nasa harap ko dahil sa mga taong sumusunod sa akin. Tumingin ako sa side mirror at nasa likod sila ng tatlong truck na magkakasunod na umaandar.

Tumingin na ako sa harap at nakitang nag red ang stoplight. Agad kong pinaharurot ang kotseng sinasakyan. Nakita ko pa na hinahabol ako ng traffic enforcer pero masyado akong mabilis at masyado syang mabagal kaya hindi ko na siya nakita pa .

I rolled my eyes.As if I care about the damn rules.

Mission FailedWhere stories live. Discover now