Liel
"Ilang beses ko bang kailangan ulit-ulitin sainyo na wala nga akong ninanakaw!" pa histerya kong paliwanag sa pulis sa harapan ko.
"And also, I have my own money to buy my whims so why the hell will I do that pagnanakaw thing." I said angrily habang umuupo sa monobloc.
Na sa presinto kami para lang sa walang ka kwenta kwentang bagay. Ano bang silbi nang pagpapaliwanag kung hindi rin naman sila nakikinig? They're just annoying the shit out of me dahil sa ginagawa nila. Seriously? hindi naman ata ako makakapayag na ako yung nandito at kinakausap nang mga tangang police na to kesa ron sa lalaki na nagpapagala gala habang masaya pa. Kumulo na naman ang dugo ko sa naisip.
"How long will I stay here?" naiinis kong tanong sa pulis na na sa harap ko at may sinusulat na kung ano sa record book. "Hangga't hindi ka umaamin." What the hell? Ano namang aaminin ko? Lalo lang kumulo ang dugo ko at tinikom na lang ang bibig.
"Liel, jusko" nakasimangot akong bumaling sa mama ko. "What happened? "sunod pa nito. "Tumatambay sa police station ma." I answered sarcastically and then she sighed habang hinihilot ang sentido. "Ghad Liel, ano na namang gulo ang pinasok mo?" agad na kumunot ang noo ko "Seriously ma? "Na naman?" bakit? wala naman akong naalala na may pinasukan akong gulo recently. " padabog kong sagot habang umiirap. Umiiling na lamang siya at dumeretso sa desk.
"Liel De Vera, Sir." rinig kong sambit nito sa pulis sa desk na malamang ay pinapaliwanag na sakanya ang "pagnanakaw ko" kuno. Yumuko na lang ako at pinaglaruan ang mga daliri. It's so frustrating na pati sarili kong nanay pinagdududahan ako like duh oo gumagawa ako nung kagaguhan pero hindi naman ako umabot sa pagnanakaw.
"Wala bang CCTV or witness manlang sa place sir?"tanong niya sa pulis na ngayon ay may hinahanap na kung ano sa lamesa niya. "Meron naman ma'am, Per-"
"What the hell? may CCTV naman pala tapos hindi niyo manlang ako pinauwi? Punyeta." halos pumutok na yung veins ko sa kakasigaw sa punyetang police na to. "Liel." mom's eyes immediately darted on me. I sighed heavily at umupo ulit at sinubukang kalmahin ang sarili.
Narinig kong umalis si mama pati yung pulis na kausap niya kanina. Baka may pupuntahan or baka papanoorin yung CCTV video ng incident kanina. May CCTV naman pala pero hinuli pa rin ako what the hell?Mahigit dalawang oras pa bago sila at natapos saka na kami hinayaang makauwi.
"Liel let's go." hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si mama. I nodded at saka na nauna maglakad paalis sa presinto.
Habang naglalakad kami nakayuko ako at bigla na naman nag flashback sa akin ang nangyari sa mall kanina. Agad na kumulo ang dugo ko.
Kumunot ang noo ko habang iniisip ang itsura nung lalaking kumausap at posibleng nagnakaw nung bag. Makapal na kilay, brown playful eyes, manipis na labi, pointed nose, long eyelashes, and one piercing on his left ear at makapal ang buhok pero magulo. Gwapo sana kaso magnanakaw and the worst is muntik pa akong madamay!
Damn that man. Saan kaya nakatira yon? Para naman masapak ko kahit isa lang. Sana lang wag na kami magkita non dahil kung hindi talagang sasapakin ko yun. Ngumisi ako at kumuyom ang kamay sa naisip.
"Liel, about the incident" my mom's voice wakened up my senses. "hindi agad nila nakita yung CCTV footage at masyadong naging mabilis ang mga pangyayari kaya ikaw yung napagkamalan nila plus nakatakbo na rin kasi yung nagnakaw nung bag bago pa siya mahuli kaya ayon." nanatiling nakakunot ang noo ko at saka na lamang tumango.
Wala ako sa mood makipag usap. Dagdagan mo pa nung reaction ni mama kanina.
Pagdating namin sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko at nahiga sa malambot na kama. I'm tired. Really tired.
What a hellish day.
Akala ko talaga makukulong na ako. Damn that fucking thief.
May mga kasabwat pa kaya ang taong yon? At talagang sa dami ng tao sa mall sa akin niya naisip ibigay yung bag? What the fucking fuck. Nakakainit ng dugo. Hindi ko manlang natanong sa pulis kung ano ang pangalan non. Maybe, meron naman sila kahit na konting information about sa taong yon.
Pero kung magtatanong ako sa mga pulis kilala kaya talaga nila? Kasi kung kilala man nila baka wanted ang isang yon?
Pero kahit hindi siya kilala nung mga pulis na yon dapat malaman ko pa rin kung sino siya. Kahit makasapak manlang ako sakanya matutuwa na ako. Habang nag iisip kung paano ko makukuha ang information ng magnanakaw na yon tumunog ang phone ko na nagpasimangot sa akin.
"Hello?"
"Liel, omg."nilayo ko sa tenga ko ang phone ni Allysa dahil sa biglang pagsigaw niya what the hell? tinignan ko ang screen kaya nakumpirma ko nga na siya ang tumawag. "Nabalitaan ko na yung nangyari sa mall, are you okay?, Asan ka ngayon?, paanong nangyari yon?" sunod-sunod nitong tanong na siyang nagpairap sa akin. Bakit ba ganito mag react ang mga to? "I'm okay, kwento ko na lang sayo pag nagkita na tayo. I'll drop the call now." sagot ko sa walang kwenta niyang mga tanong at saka walang pagdadalawang isip na binaba ang tawag.I know naman na Allysa is just a concern friend but her reactions is nakakainis. Kakailanganin ko pang ikwento sakanya ang nangyari. At saka isa pa baka matulungan niya ako sa paghahanap sa lalaking yon? May mga connections siya na pwedeng makahanap sa taong muntik na maging dahilan ng pagkakakulong ko. At isa pa hindi ako matatanggihan non pagdating sa ganitong bagay. Come to think of it. Matutulungan niya nga ako maghanap sa lalaki pwede niya pa akong tulungan sa pakikipag usap dito.
Hmm.
Usap nga lang ba? Allysa being an angel friend hindi manlang nangungurot yon pero wala akong pake. Ang gusto ko lang makita ang lalaking yon para masapak manlang at sisiguraduhin ko na yun na rin ang huli naming pagkikita. Ayoko sa magnanakaw. Hindi ko man ang alam ang reason ng pagnanakaw niya pero may dahilan naman ako para magalit sakanya.
Muntik na akong makulong. Samantalang siya nakatakbo sa pulis habang ako hirap na hirap magpaliwanag. And me? being a secret agent makukulong? No way.
Alam ni mama at ni Allysa ang trabaho ko kaya siguro ganon na lang din sila makapag react sa nangyari kanina pero ang OA pa rin.
Tumayo ako at saka nagpasya na maligo muna. Feeling ko sobrang pawis at baho ko na dahil sa nangyari kanina.
Habang na sa ilalim ng shower saka ko ulit binalikan ang mga nangyari kanina.
Damn. Minsan na nga lang lumabas napagbintangan pa at muntik na akong makulong.
Wala sa sarili akong umiling. Sobrang bilis ng mga nangyari. Kausap ko lang pala kanina yung muntik ng magkulong sa akin.
Sa isang bagay lang ako sigurado ngayon.
Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita.
Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang mga gusto kong impormasyon tungkol sakanya.
YOU ARE READING
Mission Failed
Action"I need to do my mission so you don't have to do anything. Makisama ka lang at ako na ang bahala sa lahat."