Chapter 3

5 2 0
                                    

Help

"Liel, anak nandito na si Ally." oh? hindi ko naman pinapunta yon ah? masyado namang OA amp pero ano pa bang ieexpect ko? She's really a good friend naman talaga so. "Sige ma, papasukin niyo na po tapos naman na akong maligo." sigaw ko pabalik para makapasok na ang baliw kong kaibigan.

Hindi na nagtagal at narinig ko ng lumangitngit ang pintuan ng kwarto ko. Senyales na may nagbukas na ng pinto. At hindi ko na kailangan pang tanungin kung sino ito. Well, obviously.

"What are you doing here?" I asked her while combing my hair. I saw her rolling her eyes. "Dzuh? baka nagpunta lang ako rito para makiparty." hindi ko na napigilang ngumisi kahit kelan. Mabait nga kaso nakalimutan kong nasosobrahan din to sa pag sagot ng ayos. "Hmm, well then sorry to disappoint you pero tapos na ang party at sobrang late ka na." Pang-aasar ko pa lalo rito. "What the hell, Liel?" hindi ko na napigilang humalakhak. "Come on, I'm just answering your questions." dagdag ko pa na lalong nagpasimangot sakanya.

"Okay fine, I'm here para kamustahin ka about sa nangyari kanina. Kwento mo na." binaba ko ang kamay kong may suklay at saka tumingin sakanya mula sa salamin. "Oh well,  kanina? Nothing is really special, nagpunta lang naman ako ng mall" I said lazily. Nakasimangot lang siya habang nakatingin din sa akin. Nagkibit ako ng balikat.
Mayamaya lang ay narinig kong pumalakpak siya "Galing, so ako na ang manghuhula kung anong nangyari sa mall ganon? Kung na saan ka at bakit muntik ka ng makulong ganon?" natawa na lang ako sa tinuran ng kaibigan. She'll really won't stop unless ikwento ko talaga sakanya.

Inangat ko ulit ang kamay ko sa ulo para magsimulang magsuklay ulit. "Well, nung tumawag ka kanina na sa coffee shop ako non. Then nung nakuha ko na yung inorder ko naglakad ako hanggang sa may nakita akong boutique but hindi ako bumili since hindi ko masyadong type yung mga damit umalis na ako ron. Naglakad ulit ako like you know-----" pagbitin ko sa kwento "Like what?" she said while crossing her arms "Like the usual person doing kapag na sa mall window shopping like that then nung napagod na ako naupo sa isang bench then from there I decided to open my social media accounts. Then nung na bored ulit ako pagtayo ko---- I trailed off tumalikod ako para matignan ang reaction niya na ngayon ay nakataas na ang kilay. "What?" I sighed. "Nabunggo ako kaya tumapon sa akin yung kape pero hindi ko na nakita kung sino yung naunang bumunggo sa akin then pagtingin ko sa likod ko may mga kasunod din pala siya kaya pinatid ko yung isa then may gucci bag na nahulog, pinulot ko yon at yun yung pinang hampas sakanya after non tumakbo na siya. That's the time na naposas na ako ng mga pulis at ninakaw pala yung bag na hawak ko." mula sa salamin kita ko ang paglaki ng mata ni Ally.

"Omg, gwapo ba?" tanong nito na agad na nagpakunot ng noo ko "Ang alin? yung pulis? May itsura naman kaso matanda na syemp---"
"Gaga, yung nagnakaw nung bag not the police, ew." natawa na lang ako sa kaartehan ng kaibigan ko. Mabait na maarte pwede pala yon. "Well" sabi ko habang inaalala ang itsura ng taong muntik ng maglagay sa akin sa selda kanina. "Yes, gwapo siya pero you know magnanakaw eh." sabi ko habang binababa ang suklay sa may tukador. "Sayang naman sis, gwapo pala kaso magnanakaw ay ekis agad yan psh." sabi niya habang umiiling ayan kasi tirador ng mga gwapo eh. Tumayo ako at naglakad papunta sa kama ko habang hawak ang cellphone ko na nakaopen ang instagram acc ko. "Nakita mo ba yung post ko sa IG kanina?" tanong ko habang nauupo sa kama "Yes, anong meron don?" nagtatakang tanong nito na ngayon ay lumalapit na rin sa kama ko. "Well, that's the time na nabunggo ako."sabi ko sabay bitaw ng cellphone.

"Muntik na akong makulong kung walang cctv footage and about that errr." nanggigil na naman ako ng maalala ang kilos ng mga pulis kanina mula mall hanggang police station. Mula sa reaction ni mama hanggang sa pag uusap nila. "Oh, anong nangyari?"-Ally "Si mama kanina nakakainis yung reaction nung nagpunta siya sa police station akala mo may pinapasok talaga akong gulo eh. Idagdag mo pa yung pulis na may copy na pala nung CCTV footage tapos hindi pa ako pinauwi, hinintay pang makarating si mama ewan ko ba. Akala ko talaga makukulong na ako kaya sobra sobra pa yung pagwawala ko ron, hindi ko pa rin talaga ma gets kung bakit kailangan makapunta muna si mama bago ako pauuwin eh."  I sighed heavily because of my rants at ganon din ang ginawa ni Ally.

"Maybe, kailangan talaga nilang sabihin sa mama mo? Kasi alam mo na nakakabigla lahat yon eh." umiling na lang ako "kung makikita mo lang talaga" iling ko ulit ng maalala ang nangyari kanina.

"Sobrang nakakadrain lahat ng nangyari ngayon, akalain mo yun minsan na lang ako lumabas ng walang pinoproblema muntik pa akong makulong dahil lang sa hay,ewan ko ba." dugtong ko pa sabay bagsak ng katawan ko sa kama. Pagod na talaga ako ang daming naganap ngayong araw, hindi na yata kakayanin ng katawan ko.

Hindi ko maisip kung paanong naglalakad lang ako sa mall kanina eh tapos may mangyayaring ganon na muntik pa akong makulong. Sabayan pa ng mga pulis na hindi manlang nag explain kung bakit hindi na lang agad ako pinauwi gayong may copy naman sila nung CCTV footage.

Nagmukha pa tuloy akong kriminal sa panandaliang oras na yon, napunta pa ako sa presinto na may ebidensya naman palang magpapatunay na hindi ako yung nagnakaw ng bag.

Pinikit ko ang mga mata ko sa pag-asang makakapag pahinga ako kahit sa konting oras lang.

"Come on Liel, tapos na yung nangyari and look at you hindi ka naman na kulong, mabuti na lang may CCTV footage na nakuha kasi sigurado ako kung wala baka hanggang ngayon nandon ka pa rin and the worst is baka nakakulong ka na sa isa sa mga selda ron tapos dadalawin kita makikita kong hinahaplos mo na yung rehas." mahabang paliwanag ng gaga at saka humalakhak. Akala ko naman may sasabihing matino tong taong to kaso mukhang pinalala pa lahat ng iniisip ko.

Umiling na lang ako. Kung hindi lang ako pagod baka nasipa ko na itong taong katabi ko sa kama ngayon. "I'm just kidding." natatawa pa niyang pahabol sa sinabi kanina.

"Yeah, whatever." I said lazily habang nakapikit pa rin.

Wala na talaga akong lakas makipagtalo sa babaeng to. Lalo lang akong nanghihina.

Nakapikit lang ako habang iniisip ang mga nangyari kanina.

Ang kape.
Ang mall
Ang pagkakabunggo sa akin.
Ang lalaki
Ang paghuli sa akin.
Ang bag.
Ang police station.
Ang CCTV footage.
Ang magnanakaw.

Ang magnanakaw.
Ang magnanakaw.
Ang lalaki.
Ang lalaki.

Agad akong dumilat at umahon mula sa pagkakahiga. "Ay gaga, nakakagulat ka naman akala ko natutulog ka na tapos bigla-bigla kang babangon diyan." reklamo ni Ally na nagulantang sa biglaan kong pagbangon. Natawa na lang ako sa naging reaction ng kaibigan.

"Ally." tawag ko rito.
"Hm?"
"I need your help."

Mission FailedWhere stories live. Discover now