Chapter 1

23 4 1
                                    


Liel

Gumising ako galing sa kama ng maramdaman ko ang tama ng sinag ng araw sa balat ko.

Nag inat pa ako para ma stretch ng todo yung katawan ko. Mahirap na baka mamaya sumakit pa yung likod ko.

Naupo ulit ako sa kama para mag muni muni muna. 7am pa lang naman ano bang gagawin ko ng ganitong kaaga? Eh wala namang pasok ngayon since weekend naman.

Busy ako sa pag iisip ng narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. "Anak labas ka na dyan may breakfast na."

"Yes ma, sunod na lang ako." tumango na lang si mama saka lumabas ng kwarto.

Naligo muna ako sandali bago lumabas ng kwarto.

"So, kumusta trabaho mo?" tanong agad ni mama pagkaupo na pagka upo ko pa lang.

"Kinda tiring ma" sagot ko habang naglalagay ng itlog sa plato. "Basta anak kung kailangan mo ng tulong magsabi ka lang? alam mo naman kung gaanong kadelikado yan." tumango na lang ako sakanya maiintindihan naman nya yon.

Wala pa rin akong maisip gawin grabe. Hindi rin naman kasi ako galang tao.

Kaya sa huli nagdecide na lang ako lumabas. Bahala na kung pupunta ba sa mall or coffee shop? window shopping?. Nagkibit balikat na lang ako sa mga naisip ko.

I just found myself walking inside the mall at dumeretso sa isang coffee shop sa loob.

"One large french vanilla coffee please." sabi ko sa cashier habang tumitingin sa menu sa taas.
"105 pesos ma'am" sabi ng cashier na nanghihingi ng bayad kaya tumango at inabot sakanya ang 200 pesos bill.
"Dito na lang po kayo sa side ma'am. " sabi niya ng napansing hindi pa ako gumagalaw sa pwesto ko. Tumango na lang ulit ako saka nagpunta sa side ng counter. Kaya naman pala pinapunta ako dito kasi may kasunod pa ako at mukhang masusundan pa siya.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa bulsa kaya kinuha at sinagot ko na.

"Oh?" tanong ko sa kabilang linya.
"Grabe, kelan ka ba matututo mag hello?" reklamo ng demanding kong bestfriend sa kabilang linya. Si Allysa.
"Edi hello?" I said sarcastically and I heard her sigh because of frustration "By the way kaya nga pala ako tumawag kasi itatanong ko sana kung na saan ka at kung busy ka ba?"
" Im in the mall right right now, why are you asking?"
"Pupunta ako sainyo mamaya and may sasabihin ako."
"Can't you say it now?" takang tanong ko kasi bakit kailangan pa niya akong puntahan sa bahay para lang sabihin ang kailangan niyang sabihin kung pwede naman sa phone na lang since magkausap naman kami ngayon.
"Kailangan ko sabihin sayo personally okay? wag ka ng mareklamo pupunta na lang ako sa bahay nyo." hindi na ako naksagot dahil pinagbabaan na ako ng line ng gaga.

"Here's your order ma'am, one large french vanilla coffee." nagulat pa ako sa biglaang pagsasalita ng cashier. My goodness na pre occupied ata ako sa usapan namin ni Aly. Kinuha ko na lang yung order ko at lumabas.

Maybe I should stay here for a bit para naman hindi ako masyadong nabubulok sa bahay. Naglalakad lakad ako at nagtitingin ng mga pwede bang bilhin pero wala akong makita. Pumasok din ako sa bawat boutique na nakikita ko pero wala akong makitang damit na gusto ko.

Napagod na ako kakalakad kaya naupo ako sa isa sa bench sa loob ng mall at nagcellphone habang iniinom ang kape. I open my facebook account and nagscroll lang ng nag scroll. Syempre wala namang makikita dito kung hindi shitpost eh memes naman. Ng magsawa ako sa facebook ay nag open naman ako ng instagram at pinicturan ng dalawang beses ang kape pero different angles naman. I posted it at nag caption ng,

@Lieldv
Coffee for myself.

Wala lang, mema caption lang. Inedit ko pa muna yun sa mismong instagram bago ipost.

I'm busy sipping my coffee habang nag iiscroll sa facebook. Looking for a good meme to share.

Agad na napakunot ang noo ko ng may mabasang text galing sa notification.

Boss: hey, we need to talk.
Boss: Tomorrow at 7pm sharp.
Boss: Same location.

Napabuntong hininga na lang ako ng malakas. Pinatay ko na ang phone ko bago tumayo at naglakad.

Nagulantang ako ng biglaan akong tinunggo ng kung sino sa likod ko kaya may natapon pa sa damit ko.

"Putangina." inis na mura ko habang pilit na tinatanggal ang kapeng nagmantsa sa damit ko. Hindi pa nga ako nakakarecover pero nabunggo na naman ako. Agad akong lumingon at agad na nanlaki ang mata ko sa nakita. May mga nagtatakbuhan papunta ulit sa pwesto ko.

Imibis na tumabi ay hinintay kong makarating yung nauuna.

Pagkatapat niya sa akin ay automatic na umangat ang paa ko para mapatid siya. Tumilapon pa nga yung dala niyang gucci bag?

"Tangina ka nagmamadali ako tapos paharang harang ka? Bobo ka ba!?" Ow goodness can I  cut his tongue right now? masyadong matabil eh.

Lumapit ako sa tumilapon na bag at saka pinulot yon pagkatapos ay bumalik ako sa pwesto ko kanina para ihampas yon sa ulo ng taong may matabil na dila.

"Don't you dare talked to me like that. Kayo na nga yung nagtatakbuhan dito tapos ako pa sasabihan mo na bobo? Eh sinadya ko yung pagkakadapa mo kaya wag kang tanga sa susunod uso gamitin ang mata hindi puro bunganga."

"Oh h-hindi naman kasi kita nakita." paliwanag niya habang minamasahe ang tuktok ng ulo dahil sa hampas kanina.

Hindi pa nga ako nakakasagot

"Miss mauuna na ako." sabi niya sabay karipas ng takbo.

Agad na kumunot ang noo ko. Bakit parang madaling madali si gago? saka bakit dito sila nagtatakbuhan sa mall eh meron naman court sa paligid lang. Saka naiwan niya pa yung bag.

Bubuksan ko na sana yung bag para maghanap ng id or kung ano man na pwedeng magbigay sa akin ng impormasyon tungkol sakanya pero biglang may nag posas ng kamay ko mula sa likod.
"What the fuck?" miss, kailangan mong sumama sa amin sa presinto. Doon ka na lang magpaliwanag.

Literal na napanganga ako.

"What? presinto? bakit?" tanong ko sa mga pulis ng nakakunot noo pa.

"Yung bag na hawak mo hindi sayo yan, ninakaw yan tapos ikaw yung nagnakaw kaya sumama ka na sa amin." sabi niya pagkatapos ay may tumutulak na sa likod ko pasunod sa pulis na nasa harap ko.

Nakayuko lang ako habang naglalakad kami palabas ng mall. Maraming nakatingin at halatang hinuhusgahan na ako oh that fucking eyes na sobrang judgemental.

Tahimik lang akong sumusunod sa mga pulis at iniisip kung bakit ako kasama rito.

Yung mga nagtatakbuhan
Yung bumunggo sa akin
Yung bag
Yung lalaki
Yung pagmamadaling umalis ng lalaki
Yung bag

"Iniwan niya yung bag."

Agad na uminit ang ulo ko dahil sa mga naisip ko. Ang lalaking yon. Kaya pala madaling madali ang gago kasi baka nakita niyang palapit na tong mga walang kwentang pulis na to na palagi namang late sa eksena. Tapos yung bag hindi niya naiwan kasi iniwan niya talaga.

And the worst is ako pa yung kumuha ng lecheng bag na yun para lang ipanghampas ko sa hayop na yun.

At tumatakbo siya kasi hinahabol siya ng mga pulis kasi siya ang nag nakaw ng bag na pinanghampas ko sakanya!

"Teka" sabi ko kasabay ng paghinto ko sa paglalakad kaya sinundan ako ng tingin ng dalawang pulis na nasa magkabilang gilid ko ngayon.

"Hindi ako ang nagnakaw ng bag" walang emosyon kong sinabi ang na sa isip ko.

Umiling lang ang dalawang pulis saka naglakad na ulit.

At ng hindi ako sumunod sa kanila at nanatili lang sa pwesto ko ay bumalik sila para hatakin ako palabas.

Tangina hindi ko na sana makita yung lalaking yun kasi sa susunod na makita ko pa yon. I will make sure that he will breath heavily with his fucking ass.

Ang kapal ng mukha na ipasa sa akin ang trono niya ng pagiging magnanakaw.

Hayop.

Mission FailedWhere stories live. Discover now