Chapter 4

7 2 0
                                    

Identity

"Help? Para saan?"nakataas ang kilay niya habang tinatanong ako ng may pagtataka sa mata.

Damn, dahil sa sobrang pagod ko muntik ko ng makalimutan yung sasabihin ko.

"You have connections right? " nakadapa kong tanong sakanya dahil tuluyan na akong inaantok.

"What connection? Wifi? Dat---"

"Oh geez, shut up" I cut her off and rolled my eyes. "What I mean is connections about knowing other person."

Her mouth immediately form an "o". Nagtataka at gulat sa binitawan kong salita.

"Yes, why?"

I sighed as I continue my statement " I need your connection for uh, for someone? "

"And who's this someone? "

"Yung bumangga sa akin sa mall you know." sabi ko sabay kibit balikat na para bang maliit na bagay lang yon.

"What? Para saan naman?"

"I just need his fucking identity,  can't you give me a help? Sabihin mo lang." naiinis ko ng tanong dahil sa dami ng tanong niya sa palagay ko ay wala ng patutunguhan itong usapan.

"You know, I'm just asking uh pero sige tutulungan kita."

"It's is a simple yes or no lang naman eh dami pang inusisa"

"Okay fine, so ano? Buong identity ba? Or just the name tapos ikaw na bahala?"

"I want his whole identity, if you need a picture or video  I have a copy." deretsyo kong sagot sa mga tanong niya.

Hindi nagtagal kinatok na kami ni mama para sa hapunan. Tahimik lang kami habang kumakain at dito ko na rin pinag dinner si Ally.

"Liel, anak how are you?" biglang tanong ni mama habang umiinom ng tubig.

"I'm fine mom, kahit halos bulyawan mo na ako kanina sa police station. " I said it with all of my honesty. Hindi talaga ako natuwa sa reaction niya kanina sa presinto.

As a daughter, hindi talaga ako perfect. Hindi ko naman maiiwasan na may makaaway talaga. Pero tumigil naman na ako dahil minsan muntik ko na rin ikapahamak yon.

"You son of a bitch ang kapal ng mukha mo na magpakita pa rito ha?"

Namumula ang mukha at gigil na gigil si Neira habang sinasabutan ako. I'm just eating peacefully here inside the cafeteria. Bigla bigla siyang sumugod at sinabutan ako.

Dahil hawak ang buhok ko at siya ang na sa harap ng mukha ko nagkaroon ako ng pagkakataon para maapakan siya sa paa at maitulak ko.

"What do you need from me Neira?" kalmado kong tanong habang inaayos ang buhok kong nagulo dahil sa sabunot.

"You freak! Ang kapal talaga ng mukha mo para magtanong sa akin ha? Nakita kang kasama ang boyfriend ko pauwi. He's following you from behind ano? Hindi mo alam Liel ha? Hindi mo alam!?" singhal niya at gigil na gigil pa rin, at nanlalaki na ang mga mata sa sobrang galit.

She even try to come near me pero nahigit ko ang palapulsuhan niya at inikot ito sa likod kaya she's already locked in place. Hawak ko ang kamay niya mula sa likod.

"Really? Ikaw ba mismo ang nakakita Neira? Don't you trust your boyfriend hm?" malambing kong tanong sakanya sa tenga niya sabay halakhak kahit wala naman talagang nakakatawa.

"You bitch! Let me go! Bitawan mo ako nasasaktan ako!" nagpupumiglas na ang gaga kaya lalo kong hinigpitan ang hawak sakanya.

"Sa susunod na sugurin mo pa ako. Hindi lang pagkakabali ng kamay mo ang ibibigay ko sayo." I warned her before letting her go. Matalim siyang tumingin sa akin habang hinahabol ang hininga. I smirked at her at umiling before walking out of the scene.

"Liel sa likod mo!" I heard from the crowd. At tama siya dahil nakita ko mula sa sahig ang aninong tumatakbo papunta sa akin. Naiwasan ko si Neira kaya nakita ko ang dala niyang tinidor.

Akala ko ay titigil na siya dahil sa ginawa kong pag iwas kaso mukhang mas nagalit pa kaya muli niya akong sinugod. Pero nahawakan ko ang kamay niya kaya marahas kong ginalaw yon para mabitawan ang hawak niyang tinidor.

At sa araw din na yon. Pinatawag si mama sa office kaya wala na akong ginawa kung hindi ang tanggapin na lang ang lahat ng masasakit na salitang sinabi niya sa akin kahit ako na yung muntik na mapahamak.

Come on, self defense yon eh. Tamang hindi nga ako napahamak. Napagalitan naman ako ng sariling nanay.

"I'm sorry Liel, hindi ko lang talaga napigilan na magreact ng ganon okay. Look, I'm just worried." I don't really care sa explanation niya. Alam ko namang hindi ko na mababago ang sarili ko sa mga mata niya.

Tumango ako at uminom ng tubig bago nagsalita.

"Forget about it, ma." sabi ko saka tuluyang umalis sa harap ng hapag dahil tuluyan ng nawalan ng gana.

Nagpasya na lang ako na dumeretsyo sa kwarto ko kesa sa garden. Tutal inaantok na rin naman ako.

Pagpasok ko sa loob ng silid ay agad kong hinagilap ang cellphone ko at nag twitter.

@LielDv

"I don't need to change myself para lang maging mabuti sa mata niyo."

Nahiga na ako sa kama at tumambay naman sa facebook.

Agad akong nag angat ng tingin ng tumunong ang pintuan ng kwarto ko. At doon ay nakita ko si Ally na papasok.

"Akala ko umuwi ka na." I said, questioning her presence here inside my room.

Naglakad siya at naupo na rin sa kama ko. "Wala pa ang driver ko." sagot niya kaya tumango na lang ako.

"Bakit ang rude mo kay tita?" marahan niyang tanong na akala mo ay hindi narinig ang pinag usapan namin kanina ni mama.

"Let's just say na she's really OA."
sabi ko habang inaaliw ang sarili sa kakahanap ng memes at video sa facebook.

"Liel, she's worried, normal lang yon I think?" tumingin ako sakanya ng diretso at nakita kong medyo malungkot ang mga mata niya. I shook my head at binalik muli ang mata ko sa cellphone ko.

"I don't care, Ally. Kung yan ang gusto mong pag usapan natin then it's better kung manahimik ka na lang." oo ayokong pag usapan dahil mas nagiging malalim lang ang dahilan ko kung bakit naiinis ako sa nanay ko.

Narinig ko ang buntong hininga niya na para bang talo na siya.

"Alright, then. I gotta go now." paalam niya sabay tayo at ayos na ng damit at gamit.

Tumango ako "don't forget my request ah, take care." I said dismissing her.

"Okay, update na lang kita, thanks for tonight, Liel." and she closed the door of my room.

I sighed heavily. Inaayos ko na ang sarili at saka binaba na ang phone. Nagkumot na ako at hindi nagtagal ay hinila na rin ng antok dahil sa pagod.

Mission FailedWhere stories live. Discover now