Information
It was a peaceful night. Hindi ko alam kung sobrang pagod lang ba talaga ako oh talagang masarap lang matulog.
Kinaumagahan ay isang tawag ang bumasag sa tahimik kong tulog. Dumilat ako at bumangon habang kinukusot pa ang mga mata. Maaga akong nakatulog pero inaantok pa rin ako.
My eyes immediately flew to the side table with my ringing phone. I sighed before answering the call.
"Liel, gusto lang kitang iupdate na sisimulan ko na maghanap ng identity nung magnanakaw na pogi hehe."
"Ang aga-aga Ally lumalandi ka by the way, thank you. Update mo na lang ako kung kumpleto na lahat sa identity niya ah?"
"Yeah."
"And kung need mo ng pictures or videos alam mo na kung saan pupunta okay? Bye." I said as I cut the line.
I sighed at saka muling naghikab bago tumayo at nagpunta sa C.R para maligo.
Nakatulong ang malamig na tubig para magising ang diwa ko. Habang naliligo ay nag isip ako. Ang bilis kumilos ni Ally well, perks of having more connections huh?
Lumabas ako at agad na hinagilap ang cellphone ko. It's already 8:35am. Agad akong nagbukas ng aking twitter account.
@LielDv
"First blessing this morning."
nakangisi pa ako habang nagtatype. Nakakatuwa talaga na mabilis ang kilos ni Ally. Kelan kaya makukumpleto at kelan ko kaya makikilala ang magnanakaw na muntik ng mag lagay sa akin sa kulungan.
Hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa aking labi ng tawagin na ako ni mama para mag almusal.
"You look happy huh?" she said habang nakataas ang kilay.
"So what if I'm? You really know how to ruined my mood mom." I said sarcastically while putting some rice sa plato ko.I heard her sigh. "I'm sorry anak okay? I just really don't know kung paano magreact ng tama." napailing na lang ako sa sinabi ni mama. "So sa tingin mo tama yung naging reaction mo ma? ni hindi mo nga ako tinanong eh." I said, still disappointed about my mom's statement. "Liel, anak alam mong ayaw kong nag aaway tay--"
"Well ma, atleast let me understand kung bakit ba palagi ka na lang nag eexpect ng gulo sa akin, kasi sa reaction mo? Parang sinasabi mo na palagi akong may gulong kinasasangkutan." I said, finishing my breakfast.
I just lost my appetite because of the conversation. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan. Yes, alam niya talaga yung trabaho ko pero never akong naging involved sa sobrang daming gulo.
Isang beses lang yun at matagal na masyado pero masyado yatang tumatak sakanya kaya ganoon na lang palagi yung nakukuha kong reaction niya.
Bumalik ako sa kwarto at agad na nahagilap ang phone ko ng biglang nag ring yon.
"What?"
"So, you still don't know kung paano mag hello Liel?" I rolled my eyes kahit alam kong hindi naman makikita iyon ng kausap ko.
"Martin." I said in a sarcastic and annoyed tone.
"Oh yes Liel, I just wanna say na hindi ka sumipot sa tinext kong place sayo."Agad na kumunot ang noo ko. What? Text? Kelan?
And he answered like he really know kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip ko.
"Oh, so nakalimutan mo? Well, better check your inbox later."
"What do you want, Martin?"
"Magkita tayo sa coffee shop sa mall na malapit sainyo, 7pm tonight."
"Whㅡ" but the jerk just put his phone down.Argh, he's really annoying. Akala mo siya nagpapakain sa akin napaka bossy. Minsan talaga iniisip ko na lang na balian ng buto yon para naman madala.
YOU ARE READING
Mission Failed
Action"I need to do my mission so you don't have to do anything. Makisama ka lang at ako na ang bahala sa lahat."