Kabanata 3

525 21 12
                                    

Kabanata 3

Kiss


Nagmamadali akong lumabas sa library. Luminga-linga ako sa paligid at hinanap sina Sandro. Narinig ko ang boses ni Stella na tinatawag si Sandro kaya lumingon ako do'n. Hinahabol niya pa rin si Sandro.

Mabilis akong naglakad at sinundan sila ng patago. Ang tinatahak nilang daan ay papunta sa likod ng gym.

"Anong gagawin nila do'n?" bulong ko sa sarili.

Pilit na tinatawag ni Stella si Sandro pero hindi siya nililingon kaya hinaklit niya ang braso ni Sandro. Tumigil si Sandro at tumingin ng masama kay Stella.

Anong pinag-aawayan ng mga 'to?

Biglang kinuha ni Sandro ang braso ni Stella at mabilis silang naglakad sa likod ng gym. Sumunod din ako dahil sayang naman ang effort ko kung hindi ko sila susundan.

Wala nang dumadaan na tao dito sa may likod ng gym dahil medyo dulo na ang lugar. Dito madalas nagtatago ang mga estudyanteng may boyfriend o girlfriend. Kung hindi nag-aaway, nahuhuli naman silang naghahalikan dito. Dito rin ako nahuli ni Sandro no'n kaya mas lalo akong kuryoso sa kung anong gagawin nila.

Tumigil sila sa may hallway. Binitawan ni Sandro ang kamay ng babae at seryosong lumingon sa kausap habang nakapatong ang dalawang kamay sa bewang na tila ba nauubusan na siya ng oras.

I looked around to check the location. Tahimik kaya kapag nagsalita ako ay mage-echo sa hallway. Nagtago ako sa may poste, sakto lang para hindi nila ako makita at marinig sila ng maayos.

"From now on, stop bugging me,"

Kumunot ang noo ni Stella. Sinubukan niyang hawakan ang pisngi ni Sandro pero iniwas niya 'yon.

Ngumisi si Stella. "Why? Nahuhulog ka na ba, Sandro?"

What? Nahuhulog? They are not in a relationship?

"No, Stella. I don't like you,"

Napawi ang ngiti ni Stella. Si Sandro naman walang ekspresyon ang mukha. Nagulat ako nang biglang sumigaw si Stella.

"No! I know you like me!"

Umambang magsasalita si Sandro pero nagpatuloy si Stella.

"I know, Sandro! Ayaw mo lang aminin!"

"Hindi kita gusto Stella. We can stil be friends if you want." he offered.

"I dont want that, Sandro!" huminahon si Stella at unti-unting nilapitan si Sandro.

"I like you, Sandro..."

"Hindi kita gusto, Stella. Kahit na ano pang mangya-"

Biglang hinalikan ni Stella si Sandro. Nagulat ako at napasinghap sa nakita.

They kissed!

Nagulat din yata si Sandro kaya tinulak niyang malakas si Stella dahilan kung bakit natumba ito.

Nagulat si Sandro kaya nilapitan niya agad si Stella. Yumuko siya para sana tulungan itong makatayo pero hinila ni Stella ang damit ni Sandro para halikan siya ulit.

Oh my God! They kissed again!

Aalis na sana ako pero may naramdaman akong gumagalaw sa paa ko. It's a cat! Dahil sa gulat at pagkakataranta ay tumili ako at sinubukang tumakbo pero natapakan ko ang pusa dahilan kung bakit ako natumba.

Mabilis na tumakbo ang pusa at nagpapasalamat ako dahil hindi ako kinagat. Doble na ang kaba na nararamdaman kaya mabilis akong lumingon sa banda nina Sandro. Gulat na gulat ang kanilang mukha nang makita nila ako.

Until the Last (Cantalojaz Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon