Kabanata 35

357 6 0
                                    

Kabanata 35

Safe

Napadalas ang mga araw na kasama ko si Sandro. At sa paglipas ng bawat araw na kasama ko siya ay mas lalo lang kaming nagiging malapit sa isa't isa. Isang bagay na akala ko hindi na ulit mangyayari.

"I'll be with my friends later. We'll have a dinner at District 21," sabi ko nang nagtanong si Sandro sa akin.

Tumango siya at hinarap ako. Nandito kami ngayon sa office ng kanyang bahay. Kakatapos lang ng online meeting namin kay Engineer de Castro tungkol sa cafe ko.

"Alright then. I'll just review some  projects later."

Nagyayaya kasi siyang kumain raw kami sa labas mamayang gabi pero hindi naman ako pwede. May lakad ako mamaya kasama ang mga kaibigan ko.

"We can have it next time. You look busy with your projects, anyway. 'Di ba ay may project ka sa Bataan?"

Tumango siya at naglakad papalapit sa akin. Inayos niya ang kumawalang buhok sa tenga ko.

"Yes..." he said huskily.

I am always happy and entertained whenever I'm with him. Mabilis lumilipas ang oras tuwing magkasama kami at hindi ko na namamalayan na paunti-unti na pala akong naghihilom.

Napapaisip tuloy ako kung handa na ba akong buksan ang puso ko at pag-usapan namin ang problema ng aming pamilya. I want to know what happened to Tita Annalisa and Cristo Novalmoral. However, I am still scared that I might break down again because I am forcing myself to be ready.

Gusto kong pag-usapan namin itong dalawa dahil alam kong isa rin siya sa mga nadamay sa nangyari pitong taon ang nakalipas. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang mga nalalaman niya dahil sa tingin ko ito ang tuluyang makakapagpahilom sa sugat kong puso.

But there is this one time when I tried to open it up to him. I saw it clear in his eyes that he was hesitant to talk about it and he's worried about me that I might cry again. He's right though. Hindi ko napigilan ang sarili ko noon dahil nagsimula akong humagulgol nang pinilit ko siya.

"Buhay at maayos si Mama, Charly. Siya ang pinuntahan namin ni Kristal sa Maynila dahil mag-isa siya roon. Kasalukuyang silang magkasama ni Kristal ngayon."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang sinabi niya sa akin iyon. Iyon rin naman ang bali-balita rito sa Cantalojaz pero ang marinig ito sa kanyang kanyang anak ay tila ba nakakagulat.

"Are they planning to go back here in Cantalojaz?" medyo nag-aalinlangan kong tanong.

"Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol diyan..."

Tumango ako. I wonder if Tita Annalisa knew what happened to our family. Alam niya kaya kung anong sinapit ng pamilya namin pagkatapos niyang umalis? At alam niya kaya ang nangyari sa kanyang asawa?

"Did... uh... you tell her what happened that night on the bridge? Did she know about it?"

Naninimbang akong tinitigan ni Sandro, tila ba nag-aalinlangan siya kung sasagutin niya ang tanong ko o hindi. Humalukipkip siya at biglang lumambot ang tingin sa akin.

"Yes. I told her about it and she was sorry for your loss..." marahan niyang sambit.

"I am s-sorry... uh... about your father too. His body was f-found on the river, right..."

My hands unintentionally trembled after I said that. They were shaking and Sandro quickly saw it. He was suddenly taken aback as his concerned eyes found mine. He tried to come near me but I quickly waived my hand to assure him.

He stopped mid-step. "Charly, let's stop talking about this for now..."

Ang usapan na ito ang pinaka kinakakatakutan ko sa lahat. This is a very sensitive topic to me because I saw everything what happened first hand and it gave me a lot of trauma, especially during my grieve for my mother's loss.

Until the Last (Cantalojaz Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon