Kabanata 31

339 7 2
                                    

Kabanata 31

Jealous



Busangot kong pinagmasdan ang likod ni Sandro. I continuously rolled my eyes and showed him my middle finger. Hindi niya ako nakikita dahil nakatalikod siya sa akin, naghihiwa ng mga kung ano-ano.

"Hindi ako pwedeng magtagal," pag-uulit ko.

Nilingon niya ako nang ibinuga ko ang malalim na paghinga. Sinadya ko iyon at ipinakita ko sa kanya ang busangot na mukha.

"We'll have dinner first. Tapos pag-usapan natin ang project."

That would probably eat a lot of time! Nasisiguro ko iyon dahil nagtatagal kami lagi tuwing dinidiscuss niya ang project! Kung saan-saan kasi lagi napupunta ang usapan!

Inirapan ko lang siya at pinaglaruan ang kanina ko pang hawak na baso. Narinig ko naman ang mga kalansing ng plato at kubyertos. Nilingon ko iyon at nakitang inaayos niya ang mesa kung saan kami kakain.

Tunog ng doorbell ang namutawi sa buong bahay. Mabilis kong nilingon ang pintuan. Kumunot ang noo ko kaya nilingon ko si Sandro.

May bisita ba siya?

"May tao yata," sabi ko nang hindi niya naman nilapitan ang pintuan.

Ako na sana ang magbubukas doon pero bago pa ako makalapit roon ay bumukas na ang pintuan. Unti-unting pumasok ang nagtatawanang sina Johnny, Denver, Phillip, Arielle at iba pang mga kaibigan niya!

What the hell? Is he expecting them? Parang nagulat din yata siya sa pagdating nila pero nawala rin kalaunan.

Nilingon ko ang mga gulat na mukha at nalaglag na panga ng mga dumating. Palipat lipat ang titig nila sa aming dalawa ni Sandro. 

"Charly?"

"Uh, sorry babalik na lang pala kami bukas, Sandro. Hindi namin alam na magkasama kayo ni Charly," ani Johnny na gulat pa rin pero may bahid ng ngiti sa labi.

Mabilis akong umiling at pinulot na ang bag. Ngumiti ako sa kanya at tumayo na. Nilingon ko si Sandro na umiling sa hangin nang napagtanto ang ginagawa ko.

"No, Johnny. Actually, pinag-usapan lang namin iyong project na cafe at paalis na rin naman ako ngayon. 'Di ba, Sandro?" I lied.

Tinitigan ko siya at sinamaan ng tingin, pinipilit na sumang-ayon sa akin. Pero base sa mukha niya, mukhang hindi niya ako papatulan kaya napapikit ako ng mariin.

"Hindi! Hindi! Naistorbo yata namin kayo. Ayos lang! Babalik na lang kami bukas, 'di ba?"

Nalilitong tumango si Johnny at ang mga kaibigan niya. Ang tanging hindi lang sumang-ayon doon ay si Arielle.

"Pero sayang iyong dala nating pagkain, Phillip. At mukhang aalis na rin naman yata si Charly, oh?"

Sinulyapan niya ako at pinagmasdan ng mabuti. Walang bahid ng ngiti ang nasa kanyang mukha ngayon.

"Oo, may pupuntahan pa ako... I'm going now. You can come inside. Sandro cooked for you, guys," ngumiti ako at nilahad pa ang buong bahay sa kanila.

Nag-aalinlangan silang ngumiti sa akin tapos ay sinulyapan si Sandro. Pumasok din naman sila kalaunan at ang huling pumasok ay si Arielle. Nagkatitigan kami at hilaw akong ngumiti sa kanya. Hindi siya kumibo o ngumiti man lang pabalik. Tinalikuran niya ako at sinarado na ang pintuan.

Huminga ako ng malalim nang nakaalis na sa bahay ni Sandro. Lumabas ako sa gate at dumiretso na sa District 21 dahil siguradong magtatagal pa ako kung uuwi sa mansion at magpapalit ng damit. Ang usapan kasi namin ni Jeffrey ay alas sais at ang oras ngayon ay alas singko y media na.

Until the Last (Cantalojaz Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon