Kabanata 28

351 5 3
                                    

Kabanata 28

Truth


"Charly, pinapatawag ka ng Daddy mo."

Huminga ako ng malalim nang pumasok si Manang Tessa sa kwarto ko. Kakatapos ko lang mag-ayos at papunta na sana poultry. Sinulyapan ko siya at tinanguan. Inayos ko ulit ang ilang tikwas na buhok sa salamin, tapos ay pinulot ko na ang bag ko.

"Sige, Manang,"

Sumunod si Manang Tessa sa akin nang naisarado niya ang pintuan. Aniya'y galit na naman daw si Daddy. Kinakabahan ako dahil baka maapektuhan na naman ang kalagayan niya.

He's always furious and it's not good for his heart. Kaya kahit na ayoko siyang bisitahin sa kwarto niya, ginagawa ko pa rin. Para man lang mapanatag at makalma siya.

Kasabay ng pagbukas ng pintuan ay ang pagkabasag ulit ng baso at iilang mga plato. Nakita ko kung paanong marahas na hinawi ni Daddy ang hawak ng kasambahay at sinigawan ang nurse na pinapainom siya ng gamot.

"Daddy, please stop it! You're just making it worst!"

I looked at him with so much dismay. He was shocked but it wiped away very quickly. He tried to stand up but he failed. I walked inside the room and glanced at nurse who nodded at me.

"Anong balita sa animal na Novalmoral na 'yon? Napaalis mo na ba?"

Umirap ako sa hangin at tinanggap ang panibagong baso na nilahad ng kasambahay sa akin. Umupo ako sa gilid ng kama, katabi si Daddy.

"Dad, can you calm down? It's not good for your health!" sigaw ko.

He groaned. "Sa tingin mo makakalma ako sa narinig na balita?! Ang putang inang Novalmoral na 'yon! Dito pa talaga sa Cantalojaz naisipang bumalik! Andaming mas malaking probinsiya kumpara rito! Pwede naman sa Bataan, Nueva Ecija o kaya sa Tarlac!"

"Daddy, hindi natin pagmamay-ari ang Pampanga at ang Cantalojaz!"

Umiling si Daddy at hinawi ulit ang basong hawak ko. Kung hindi ko iyon hinahawakan ng mabuti, matatapon iyon sa damit ko at mababasag sa sahig.

"Pero pwede mong paalisin dito 'di ba! Paalisin mo! Naaalala ko ang animal na Cristo Novalmoral na 'yon tuwing naririnig ko ang pangalan ng anak niya!"

"Daddy! May kasalanan si Cristo Novalmoral pero tandaan mo na ikaw pa rin ang pinag-ugatan ng nangyari sa atin! It was you, Daddy! Kung hindi mo ginawa iyon kay Tita Annalisa, hindi tayo hahantong sa ganito! Hindi sana mamamatay si Mommy! Hindi sana masisira ang pamilya natin kung minahal mo ang asawa mo at kaming mga anak niyo!"

Then it strucked him. Natahimik siya at gulat akong pinagmasdan. Mabilis akong tumayo at binigay sa kasambahay ang hawak na baso. Ang iilang mga kasambahay at nurse ay unti-unting mabilis na kumilos at lumabas ng kwarto. Ang huling nakita ko bago magsarado ang pintuan ay si Manang Tessa.

"Hindi mo naiintindihan, anak! Mahal na mahal ko ang asawa at ang pamilya ko! At nagsisisi pa rin ako sa pagkamatay ni Adriana!"

Umiling ako kay Daddy. Hindi pa rin ako naniniwala sa sinasabi niya. Hindi niya minahal si Mommy! It's very clear! He had an affair with another woman! He's a cheater and I won't believe him!

"No, Daddy, you're a cheater! Sinungaling ka!"

"Charly! Bigyan mo 'ko ng pagkakataong kausapin ka at sasabihin ko sa'yo ang totoo!" si Daddy.

"May relasyon kami ni Annalisa noon pa man! Pero pinaghiwalay kami ng aking pamilya dahil ipinagkasundo ako sa Mommy mo! Ipinagkasundo kaming magpakasal kapag natapos kami ng kolehiyo para pagsamahin ang mga lupain ng Monsevaez at Navarro!" he screamed.

Until the Last (Cantalojaz Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon