PROLOGUE

1.5K 17 1
                                    

" Another shot of tequila please. " 

sabi ko pagkatapos  ilagok  ang  naunang  shot.

I want to drink. I need to drink.

Kararating ko lang sa bar na ito. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko. I went here so I could think  but the loud music doesn't allow me to. Pero dahil sa mas  gusto ko na  uminom, dumiretso na kaagad ako dito.

Nakaupo ako sa isang high chair sa harap ng counter dito sa first floor. Nilapag ng bartender ang inumin then he winked at me. I did not come here to flirt but whatever, sanay na ako sa mga galawan na iyan.

I was about to take a shot when a hand harshly took it away from me.  Kasabay ay isang mainit na kamay na humaplos sa aking likod.  I'm wearing a short black backless dress kaya damang dama ko ang mainit na haplos na iyon. I was caught off guard with the feeling na hindi ko  na namalayan na may umupo na pala  sa tabi ko. Napatingin ako sa taong umagaw ng aking inumin.

With an annoyed look,  Hindi na ako nagulat nang makita kung sino iyon kahit na sa lahat ng mga tao ay siya ang pinaka hindi ko inaasahan na maging  nandito ngayon sa harapan ko.  Damn,  why is he here?.  I am  completely out of my sanity na hindi ko siya magawang sigawan sa galit.

" Why are you here? "  pagalit ko na tanong.

He went closer to me. His hands are still on the small of my back. I want to shout at him so bad pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko iyon magawa.

" Hmm. "   he whispered on my ear using a playful tone.

Kahit na malakas ang music sa paligid, malinaw ko na narinig ang kaniyang  sinabi. 

" Leave. "  iniwas ko sa kaniya ang aking  mukha  at umorder ng isa pang shot.

Kukunin ko na sana iyon ng biglang inagaw niya ulit iyon  sa akin at nilagok.

" Ano ba?! "  iritado ko na sabi sabay tingin nang masama sa kaniya.

" If you want to drink, mag order ka ng sa iyo. Hindi iyong agaw ka nang agaw ng akin. "

" Another shot! "   iritado ko na sabi sa bartender.  Damn, pati siya ay  napagbuntungan ko na rin tuloy ng galit.

I quickly got the shot and drunk it. Umorder ulit ako ng isa pa. Akala siguro nito lasing na ako kaya hinahayaan ko siya dito na tumabi sa akin.

" I said,  leave. "  pag-uulit ko.

Dammit.

He took that opportunity to take my shot again. Napipikon na ako. Lahat ng emosyon ko ay nag halo halo na. This is not the proper place to start a fight. But with him being like this, baka mag eskandalo pa ako dito.

" Why? hmm Is this your bar? "
he whispered.

And now, his fingers are drawing small circles on my back. Damn him.

" Edi,  find another table! ang daming bakante diyan. And who told you that your'e allowed to touch me?. I said leave, Vincente. "

" Bakit ako aalis? Gusto ko rin uminom. "
he whispered again.  This time, I can smell his breath.

Damn, I can smell mint. I don't know if it's the alcohol, I'm dizzy.

" Wala akong pakealam. Just go away."

He smirked and put the strands of my hair behind my ear.

"Leave, Vince.  Break na tayo. Ayaw na kitang makita pa. "  mapait ko na paalala sa kaniya.

Letting Go (Broken Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon