After the incident nang nakauwi na ako sa bahay, I saw a Notification. A certain Luigi Valderama waved at me. Hindi ko iyon binuksan. I took a bath at nang natapos ang night routine ay binalikan ko ang cellphone. Mas lalong dumami ang notifications na natanggap.
Facebook, Instagram, Twitter at iba pa. Among all the apps, ang messenger lamang ang binuksan ko. As expected, maraming messages. Ofcourse, hindi mawawala ang mga group chats. Gc ng dance troupe, classroom, iba ibang mga groupings sa iba't ibang subjects, at may mga mensahe ng mga makukulit na lalake ay naroon rin. Inisnob ko iyon at binuksan ang group chat ng dance troupe.
Sir Lito: Dancers, starting tomorrow diretso na sa studio after class. Hindi na pwede ang pull out(s). Every after dismissal na lang sa hapon, kaya gagabihin tayo. Tell your parents about this. Thank you. Magpahinga na kayo at huwag puro stalk kay crush. I need all of your energy tomorrow. See you :)
Kurt: Copy sir.
Bella: Ok sir, see you all. Hindi na ako mag sta-stalk kay crush. Agahan ko na lang ng pag gising para makasilay
*malanding emoji*.Liza: Hahahaha. Try ko nga rin yan!
Usapang crush ba naman, syempre hindi magpapahuli ang aking pinsan.
Chanel: Swerte ko na kanina eh at mukhang swe-swertehin rin bukas. Nakabalik na si Marc!!!
Anne: Oyyy oo nga, Nabalitaan namin ang nangyari kanina sa field. Swerte mo Veronica tinamaan ka ng bola ni Vince *crying emoji*
What the hell?
Belle: Kahit pa kay Luigi iyon , ang swerte parin. *emoji na heart ang mata*
Sana nga kayo na lang ang tinamaan dahil mukhang gustong gusto niyo eh, Nakakainis. Ang sakit kaya ng tama ng bolang iyon.
Ivana: True! At lumapit pa talaga silang dalawa haaaaaa.
Chanel: Mainggit kayo.
Kurt: Ang lalandi niyo. Si Veronica nga tahimik lang, kayo ang iingay. Matulog na kayo.
Chanel: Wow naman sayo ha. Ganiyan karin kaya!
Kurt: Shut up, Chan.
Jethro: Hahaha. ang ingay niyo. I'm gonna have my beauty sleep na.
Anne: Hoy V, mag share ka naman diyan!
Agad ko na pinatay ang cellphone. Ano pa ba ang ishashare ko, eh alam naman nila na tinamaan nga ako ng bola. At mas concern pa sila sa dalawang lalakeng iyon kesa sa kalagayan ko. Matutulog na nga lang ako. I need all the energy dahil todo practice na kami bukas.
The next day, wala masyadong ginawa buong araw sa school. Each department is busy para sa upcoming Private Schools Athlectic Competition. Top private schools battles to be the best among the rest. Kasali sa paligsahan na ito ay siyempre ang sports katulad ng Basketball, Football, Badminton, Chess, Volleyball,may Dancesports rin, Hiphop, Folk Dance and singing competition. May pageant for Mr. & Ms. PSAC. Infact, I was supposed to be the representative. Kaso hindi ko hilig iyon and I don't have any experience. We only have less than a month to prepare, talagang kukulangin kami sa oras. Mabuti na rin naman at may pamalit kaagad and she's very fit for the position dahil marami na siyang experience when it comes to joining pageants.
Ngayon, tinuturuan kami ni Sir Lito ng choreography para sa Hiphop. Sir Lito is gay but he still got that swag to do it. Patapos na rin naman kami sa isang kanta but many more songs to go pa.
BINABASA MO ANG
Letting Go (Broken Girls Series #1)
RomantikBibitawan na ba? kahit ang sabi ng puso ay huwag. -Veronica Laurent Salvador <\3 (completed)