Rumors s about me and Vince spread like wildfire. Hindi na ako nagreklamo pa dahil alam na rin ng pamilya namin, Iyan ang importante para sa akin. Before the world could know, It should be the family to know first. Maraming bumati na nagsasabing bagay daw kami and etc. Medyo nagulat ako ng hindi na nagulat sina kuya Bry sa chismis tungkol sa amin ni Vince. May hula na raw sila and matagal na raw akong crush nitong si Vincente.
Today is the twenty first day of December. Magkasama kaming nakatayo sa gitna ng field, patiently waiting for the count down. The whole place is dark, tanging mga ilaw lang na nagmula sa mga cellphone at light sticks ang nagsisilbing liwanag. Tradisyon dito sa aming unibersidad ang tinatawag na ' Opening of Lights'. It's part of the christmas celebration of our school. All the lights will turn off, sabay sabay na magbibilang para sa pagbukas ng mga ilaw. Maraming mga stalls ng pagkain, may peria, mga rides at banda ang offer ng paaralan namin para sa tradisyong ito.
Kaniya kaniyang labasan ng cellphones para mairecord ang countdown. Chanel beside me is happy, hindi pa ba siya sasaya niyan? Magkahawak kamay sila ngayon ni Marc. Months before, nagkamabutihan sila and now Chanel is living her dream come true. Marc is hugging her from the back, habang siya ay nakahawak sa cellphone nagrerecord ng video.
Jethro is flirting with someone, habang si Kurt naman ay nagbubulungan kasama ang kaniyang ka 'date' ngayong gabi. Naagaw ang atensyon ko dahil sa ingay ni kuya Bry at Lugi. They are fighting. Pinipilit ni kuya si Lui na picturan siya, but Lui looks grumpy. Sina ate Jen at Bren ay busy rin sa kanilang mga kadate. Nahagip naman ng paningin ko si Phenomena, she's just staring blankly at sky.
Hinawakan ko ang kamay niya, She startled. She's too preoccupied thinking deeply. Ng nagtama ang mga tingin namin, She looks lost. Ngumiti siya sa akin pero hindi iyon natatakpan ang lungkot sa kaniyang mga mata. She looked away and hugged Dennise on her side.
Napaiwas rin ako ng tingin. I stared at the night sky, the whole place is dark but I find it beautiful. I learned to love the darkness. Malamig ang simoy ng hangin, hindi ako masyadong nilalamig dahil binilhan ako ni Vince ng hoodie kanina sa isang booth. Actually, it's a black couple hoodie na may heart na kulay pula sa gitna. Iyan lang ang natatanging disensyo ng hoodie na suot namin ngayon. I find it cheesy but It made me happy so much. Everything about Vince, especially his thoughtfulness makes me happy.
Inakbayan niya ako, Nagulat ako ng biglang may tumama na ilaw sa aking mukha. He just took a picture of me, at walang hiyang may flash pa talaga tsaka tutok na tutok sa mukha ko.
Hinampas ko siya, habang nakatingin siya sa kaniyang cellphone ng my ngiti sa labi." And our countdown begins..." sabi ng host sa stage.
" Eto na, Eto na! " excited na sigaw ni Chanel.
Everybody prepared their cameras. Kahit na taon taon naman ito ginaganap, parang first time parin ito everytime we join the opening of lights. Iyan talaga ang nabibigay na magic ng tradisyon na ito. What makes it more memorable is that every year that we celebrate it together kasama ang iba't ibang mga tao.
Nakaakbay parin si Vince sa akin, siya rin ang humahawak ng cellphone. Hindi na ako nag-abala pang magrecord dahil mas gusto kong ienjoyin ang moment.
10
9
8
7
6
5
4
3
2
1
Sabay sabay na bumukas ang mga ilaw na nakasabit sa buong field. The lights displayed on every building of the university opened. At syempre ang pinakamaliwanag sa lahat ay ang simbahan na nakapwesto sa pinaka gitna ng buong unibersidad. It means a lot. It shows that God and our faith should be the center of everything, it should be the the brightest thing about us. Ito rin ang isa sa mga rason kung bakit napamahal ako sa unibersidad na ito. Kasabay ng pagbukas ng mga ilaw ay ang pagputok ng fireworks sa kalangitan. A beautiful fireworks display is now coloring up the dark night sky.
BINABASA MO ANG
Letting Go (Broken Girls Series #1)
RomanceBibitawan na ba? kahit ang sabi ng puso ay huwag. -Veronica Laurent Salvador <\3 (completed)