They say that time passes by so fast when you are happy, hindi ko na namalayan ang mga nagdaang araw dahil sa saya na nararamdaman ko. Everything that I'm feeling is new to me, I allowed myself to experience this foreign feel because I wouldn't know when will I be able to feel this kind of feeling again.
After that confession with Vince, mas lalong napatunayan sa aking sarili ang nararamdaman para sa kaniya. Knowing that he feels the same way towards me is, I don't know even know how to describe it.
Do I feel lucky? Oo, I'm feeling lucky. Not all people get to experience having mutual feelings with the people that they like. Kaya masasabi ko na ang swerte ko. This is the first time I liked someone in this way, my first time is a very lucky one. I remember when Chanel told me that one day I would get to be in a situation where I would like someone but wouldn't like me back. The universe says otherwise, I feel like I'm the favorite of the universe. Pinaramdam niya sa akin ang isang bagay na kailanman hindi ko naramdaman sa isang tao na parehas rin ng nararamdaman sa akin. Hindi pa ba ako maswerte sa lagay na iyan?
What makes me more thankful is that, nagustuhan ako ng isang tao ng hindi ko man lang binago ang sarili ko. He like me even when we once gave each other ugly impressions. He like me when I'm the confident me, at higit sa lahat nagustuhan niya ako kahit na wala naman akong ginagawa para magustuhan niya. Is it because of beauty? Marami naman diyan na mas maganda kaya bakit ako pa?. I know that I'm confident, people praise me because of my confidence. Kaya lakas loob kong masasabi na may nakikita siya sa akin kaya niya ako nagustuhan.
My take on that for him is also the same. I don't just like him because he's handsome, It's all because I feel a strange connection with him. Everytime I see him my heart just beats so wild that i have never felt before kahit na marami na akong nakilalang mga lalaki. Never once did I get excited because of someone.
Everything is still early to say something deeper. Lahat man ng mga sinasabi ko ay pwedeng maging mali but to be honest, wala akong pakealam. Kahit pa na sabihin ng iba na lahat ng nararamdaman ko are just desrcibed out of joy, then so be it.
Eto yung nararamdaman ko eh, ano man ang dahilan it will never change the fact that I'm feeling it. That I once felt it.I will never guard my heart para hindi masaktan. Takot rin ako masaktan, sino ba naman ang hindi. But I want to feel the pain as much as how I want to feel the love. Naniniwala ako na hindi lahat ng aral sa buhay ay natutunan ng dahil lang sa pagmamahal. Minsan, ang mga mas malalalim na mga aral ay natutunan dahil sa sakit.
Napangiti ako ng nakita siyang nakasandal sa kaniyang sasakyan sa labas ng bahay. Niyaya niya ako na lumabas ngayon. Well, pwede rin naman sabihin na it's a date.
The dark and serious Vincente Lhor David is leaning on his car waiting for me. The thought of him waiting for me sends butterflies on my stomach. Sayang at umalis si Lola ngayon, I want to introduce him to her. He's the first guy to visit me in our home and that's something.
Tumayo siya ng tuwid ng nakita ako. He opened the front seat's door. Lumapit naman ako doon, hindi muna pumasok at tiningnan siya. Ngumiti ako, he smiled at me too.
" Good afternoon. " he said in a formal tone.
I chuckled.
Noong nakaraan I heared a soft Vincente Lhor, ngayon naman ay ang pormal na bersyon niya. It makes me want to see more different versions of him.
Pumasok na ako sa loob, umikot siya at pumasok na rin sa driver's seat. I put on my seat belt, ng nilock ko na iyon he started the engine.
" Saan tayo pupunta? " I asked.
He glanced at me and smirked tsaka inilipat muli sa daan ang tingin.
" Secret. "
Excited naman ako sa biyahe, habang nasa biyahe naiimagine ko ang mga romantic na lugar na maaring puntahan namin ngayon, My imaginations faded ng ipinark niya iyon sa isang mall. Wow, so much for my romantic imaginations.
" Really? " sabi ko sa kaniya.
Akalain mo nga naman, tinawanan niya lang ako.
Mabilis siyang lumabas ng sasakyan, kinalas ko naman ang aking seatbelt. Hindi ko inaasahang pagbuksan niya ako ng pintuan. I smiled, well atleast that's romantic.
He raised his brow when he noticed my smile. Inirapan ko na lamang siya.
Nagulat pa ako ng papasok kami ng mall, he interwined our fingers. Hindi na ako nagreklamo dahil I find it sweet.
Pinapili niya ako ng gusto kong panuorin na palabas sa sinehan. Pinili ko ang isang disney princess movie. Napanguso siya ng iyon ang pinili ko. I was just teasing him to see his reaction, alam ko naman na hindi siya nanonood ng mga ganitong palabas. Nakasimangot siyang tumingin sa akin at hindi na nagsalita.
Bumili siya ng popcorn at drinks namin.
He was even so thoughtful that he brought a jacket. I asked him why, he said that baka lamigin daw ako. Napangiti ako sa sinabi niya. Isang sweet na Vincente naman ngayon ang nakikita ko.While the movie is going on, Napapasulyap ako sa kaniya. There are times when he smiles at the movie. Nakasimangot ka kanina ah? Magugustuhan mo rin naman pala ito.
Nahuli niya akong nakatitig, suplado niyang iniwas ang tingin at nagkunwari pang hindi nagugustuhan ang palabas dahil pilit niyang masamang tinitingnan ang screen sa harapan. Asus kunwari ka diyan Vincnete Lhor!
Inasar ko siya ng palabas na kami ng sinehan, he keeps on denying it at sinasabing pangit daw pero nakita ko naman na nakangiti siya.
" Weh? You were smiling kaya! " pang-aasar ko.
" Tss. Malamang Veronica, katabi kita eh. "
Natigilan ako sa sinabi niya. Ngayon siya naman ang nakangiti. Damn him and his lines! He always leave me completely off guard.
Humalakhak siya at inakbayan ako. Habang naglalakad kami, nakita ko ang Watsons. Napangiti ako ng may naisip na pwedeng pang-asar sa kaniya. It's payback time.
Tinuro ko ang Watsons, sinundan niya iyon ng tingin at sumimangot sa harapan ko, like he knows what I want to do kahit na wala pa akong sinasabi. Gusto mo ng asaran ha?
Ako yata ang nagulat. Akala ko maghihintay lang siya sa labas, kaya plano ko sanang tagalan ang pamimili. But he entered the store with me habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin. I was shocked even more when he dragged me to the lipstick section.
Mabilis naman ulit ako nakisip ng pang-asar sa kaniya.
" Alam na alam mo ah? Siguro parati ka rin dinadala ng mga babae mo dito. "
I said.He smiled.
" Hmm, ngayon pa lang ako dinala dito ng babae ko. " sabi niya habang titig na titig sa akin.
I blushed. He saw my reaction at inasar pa lalo talaga ako. Kumuha siya ng blush on at itinabi sa pisngi ko.
" Bakit hindi sila magkasing pula? "
he teased.Mas lalo ata pumula ang pisngi ko eh! Hinampas ko siya dahilan kung bakit humalakhak siya.
Bahala ka nga diyan, Tinalikuran ko siya at tumingin na sa mga lipstick. He stalked me at nagulat ako ng bumulong siya.
" Alam ko paano mas lalong pumula ang pisngi mo. " he said suggestively.
Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Pinangsasabi mo?
He closed the distance between us, hinawakan niya ang dalawang kamay ko at yumuko para mag lebel ang tingin namin.
He smiled and pinched my cheeks.
Suplada ko namang iniwas ang aking tingin. Agad niya naman iyon sinundan. Ngayon nakatitig na kami sa isa't isa.
" Pwede bang manligaw? " aniya at pumungay ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Letting Go (Broken Girls Series #1)
RomanceBibitawan na ba? kahit ang sabi ng puso ay huwag. -Veronica Laurent Salvador <\3 (completed)