Before Us (AD)

322 2 0
                                    

Present Time

"Nak when are you going to visit us here sa Pinas?"

"Mom hindi ko pa alam" Alyssa said while writing something on her paper.

"Death anniversary na ni Alexa in five days and miss ka na ng daddy"

Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tinignan yung mom niya sa screen. Napayukom siya ng mahigpit at di niya namalayan na dumudugo na yung palad niya dahil sa nakadiin na yung kuko niya, hindi ma control ni Alyssa yung galit na nararamdaman niya kaya medyo napansin ito ng kanyang nanay.

"Alyssa, are you okay?"

"Yes mom, papahinga muna ako pagod ako eh" She lied pero sa totoo kakagising niya lang. Her mom sighed kasi alam niya na gusto muna ng anak niya na mapag isa kaya nagpaalam na ito para makapag pahinga na si Ly.

Kinuha ni Alyssa ang cellphone niya and searched someone on facebook.

"Dennise Michelle Lazaro"

Naiyak siya kasi naalala niya kung anong nangyari sa kapatid niyang si Alexa, Isang taon na pero di niya parin matanggap na wala na yung kambal niya dahil lang sa isang babae.

"Pinatay niya yung kapatid ko and I"ll make her pay for it"

1 Year Ago

Alyssa's POV

"Ly may kwento ako" bungad sakin ni Alexa pagka sagot ko ng tawag niya sa facetime.

"Mag ate ka nga kasi sakin, mas nauna padin ako sayo ng isang minuto" biro ko sa kanya kasi bakas sa mukha niya yung lungkot.

"Oo na ATE sorry nakalimutan ko" aba ang attitude naman neto inirapan pa ako.

"Ano ba kukwento mo? bat ang lungkot ng mukha mo?" Mukhang di niya narinig kasi nabaling yung atensyon niya sa kanyang phone may nag text ata kaya inihipan ko yung mic ng earphones ko kasi naka earphones din siya para sumakit tenga niya pero napansin ko naiiyak siya.

"Ate usap nalang tayo mamaya, may pupuntahan lang ako" Hindi ko alam kung anong nangyayari kasi ang bilis niya nawala sa paningin ko.

Nag aalala na ako kasi ilang oras na di parin siya tumatawag ulit at di ako makatulog. Kanina ko pa tinawagan sina mom pero walang sumasagot.

Nakatulog nalang ako pero wala pading Alexa na tumatawag sakin. May pasok pa ako pero wala ako sa sarili ko ngayon at hindi ko alam kung bakit, parang may mali. Ang bigat ng nararamdaman ko.

"Ly anyare sayo? Kanina ka pa tulala" Andito ako sa cafeteria ng school kasama si Marge, classmate ko siya simula junior high nung lumipat ako dito sa France para mag aral.

"Ano nga ulit sabi mo kanina?" Tanong ko sa kanya kasi ang lutang ko sobra di ko na siya napapakinggan dumaldal.

"Sabi ko babalik na akong Pilipinas after senior year, don na ako mag cocollege. Sasabay ka ba?"

"Hindi ko pa alam baka gusto ko dito nalang talaga ako hanggang tumanda" Sabi ko sabay tawa kahit wala namang nakakatawa sa sinasabi ko.

Napatigil kami ni Marge sa pag tawa nung biglang nag ring yung phone ko, si mom tumatawag sa messenger. Tumayo naman si Marge para bumili ng pagkain kaya naiwan akong mag isa sa table.

"Anak" panimula ni mom, ang tamlay ng boses niya kaya bigla akong kinabahan.

"Mom? Okay ka lang ba? Asan si Alexa? Di na kasi siya tumawag ulit" 

"Wala na si Alexa anak" nanlamig ako sa narinig ko pero di ako sure kung tama ba yung pagkakarinig ko sa sinabi ni mommy.

"Bakit? San siya pumunta?" tinanong ko si mommy baka nga mali lang yung pagkakaintindi ko.

"Alyssa, she's dead"

Present Time

Den's POV

Alexa C. Valdez

Born: June 29, 2000

Died: July 1, 2018

"It's almost a year na since it happened baby and I miss you so much. I'm sorry for everything Alexa, guide me always my guardian angel okay?" kahit lapida lang yung kaharap ko, alam ko naririnig ako ni Alex. Nawala siya dahil sa katangahan ko and araw araw ko sinisisi yung sarili ko kung bakit siya nawala.

"Den umaambon na, nakikisabay yung panahon sa kalungkutan mo" Sabi ni ella kaya natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya. Inihipan ko na yung kandila at tumayo. Dumiretso kami ng Ateneo kasi  may training kami kahit di pa nag uumpisa yung school year. Sabay sana kami ni Alexa kung andito pa siya ngayon.

"Takte nakakapagooooood!" Sigaw ni Ella pagtapos ng training kaya napatingin sa kanya yung mga teammates namin.

"Ay De Jesus, bago ka pa lang dito nagrereklamo ka na" Sabi ni coach, natawa naman kami kasi napakamot nalang si Ella sa noo dahil sa hiya.

Alyssa's POV

"Ly sure ka ba dyan? Sasabay ka talaga sakin uuwi?" Ang hyper ni Marge grabe nung malaman niya na sasabay ako sa kanya.

"Pang ilang tanong mo na ba yan Margarita? Oo nga" Di ko na mabilang ilang beses niya inulit ulit kung sigurado na ba talaga ako.

"Sinabi mo na ba kay tita Mel?" Sabi niya habang kumakain ng cake grabe ang takaw talaga.

Kakatapos lang kasi ng graduation ceremony namin. Kami lang ata yung wala parents don kanina kasi sabi ni marge wag na namin papuntahin mga magulang namin kasi ang layo tas isang araw lang din naman mangyayari.

"Wala akong balak na sabihin kasi I'm going to surprise them alam mo naman kinukulit talaga nila ako about sa pag uwi na 'yan"

Ilang beses ko na pinag isipan 'to at sigurado na ako, para kay Alexa.

"Bukas tayo aalis" Nabuga ni Marge yung iniinom nyang tubig dahil sa sinabi ko.

"Ang gago naman neto ang bilis mag desisyon"

"Edi mauuna ako, maiwan ka mag isa dito" Iniripan ko siya.

"Oo na nga ako na bibili ng ticket mamaya bwisit ka ang maldita mo para kang si Alexa"

"Tanga ka kambal nga kami diba"

"Oo na, sungit mo talaga. Sige na Ly, aalis na ako magpahinga ka na dyan. Thankyou nga pala sa pa cake" Kumuha pa siya ng isang slice bago umalis ng dorm ang baboy talaga ewan.

Naiwan akong mag isa na nakatitig sa picture namin ni Alexa sa wallet ko. Miss na miss ko na kapatid ko

"Nakakainis ka naman Alexa ang aga mo iniwan si ate" kinakausap ko yung litrato ang ganda pa ng ngiti naming dalawa dito. Sobrang magka mukha talaga kami parang cinopy paste lang hahahaha. Mas masakit mawalan ng kapatid kesa sa jowa kahit di ko pa naranasan magka jowa. Marami namang nag paparamdam pero parang di ko pa talaga feel, mas gusto ko focus muna ako sa sarili and studies ko.

Niligpit ko na yung kalat na ginawa ni Marge sa lamesa para makapag pahinga na ako, kailangan ko pang mag ayos ng gamit kasi bukas na alis namin.

Biglang humangin ng malamig sa may likuran ko habang nag huhugas ng pinggan. Napapikit ako kasi takte napaka matatakutin ko pa naman.

"Scared ka?" Putanginaaa napatalon ako sa narining ko si Marge lang pala.

"Hayop ka margarita!" sigaw ko sa kanya hayop talaga

"Gaga nakalimutan ko lang yung jacket ko tangina nung mukha mo di mapinta" Tawang tawa pa siya sa kalokohan niya

"Umalis ka na nga nakakapikon ka" tinutulak ko na siya kasi naiinis ako leche talaga

Tuluyan na nakaalis si Marge at pinakalma ko na sarili ko bago ituloy yung ginagawa ko. Pagtapos ko mag linis, maligo at mag impake ay nahiga na ako sa kama kasi inaantok na din ako.

Hindi ko alam pano ko sisimulan lahat pagdating sa Pinas, pero sisiguraduhin ko magagawa ko yung plano ko, mag babayad yung dapat na mag bayad.

Before UsWhere stories live. Discover now