Marge's POV
Nandito kami ni Alyssa sa NBS, nagpasama kasi siya sakin may bibilhin lang daw siyang painting materials.
Isa sa pinaka magaling na student si Ly sa Strasbourg pero sobrang humble niya padin. Magkasama din kami sa volleyball team at madaming nagkakandarapa sa kanya mapa babae man o lalake pero ewan ko ba sa kanya binabalewala niya eh.
"Ano ba gagawin mo dyan sa mga yan?" Tanong ko sa kanya kasi ang dami ng binili niya
"Ano ba sa tingin mo?" Ang taray talaga nakikita ko si Alex sa kanya, sobrang magka parehas sila simula ulo hanggang paa kahit sa pag ngiti at tawa. Minsan ko lang nakikita si Alex dati kapag binibisita nila si Alyssa sa France pero kapag pinag tabi silang dalawa ay malilito ka kung alin sa kanilang dalawa si Alyssa.
"Yako na mag tanong tinatarayan mo lang ako eh" kunwaring pag tatampo ko pero batok lang inabot ko sa kanya
"Ikaw talaga Margarita halata naman na kasi tas tinatatanong mo pa, kiss nalang kita" pang aasar niya sakin leche talaga 'to nakakainis din minsan eh sobrang mapang asar.
Pagtapos namin bumili ay inaya ko na siya mag Mcdo kasi nagugutom na ako sobra. Ang dami niyang inorder hindi pang dalawang tao hayop sino kakain netong mga 'to?
"Bat ang dami?" Nagtatakang tanong ko
"Para sayo lahat yan except dyan sa isang burger akin yan" Nagulat ako sa sinabi niya walang hiya 'to
"Gago ka ba? Ano akala mo sakin baboy na kayang ubusin lahat ng yan?"
"Oo" Sagot niya lang kaya tinignan ko siya ng masama
"Joke lang kahit wag mo na ubusin. Ma konsensya ka please" Nakakaiyak naman kasama 'tong hinayupak na 'to pinapahirapan ako.
Hindi ko siya kinibo the whole time na kumakain ako kasi sinusubukan ko na ubusin lahat at ayaw ko masayang yung pera niya.
"Galit galitan pero kaya naman pala ubusin" Inaasar niya nanaman ako pero di ko siya sinagot baka mas lumalala pa eh
"Cr lang ako ha" pag papaalam niya
"Lamunin ka na sana ng inidoro hayop ka" Sabi ko nung nakalayo na siya nakakainis talaga ang sakit na ng tyan ko para akong nag mumukbang. Di niya naman ako pinilit na ubusin pero ayaw ko makonsensya gagi.
Di ako maka lakad nang maayos kasi ang sakit ng tyan ko pero napapansin ko kay Alyssa nag iba yung mood niya simula nung bumalik siya galing mag cr. Di ko nalang tinanong baka sungitan lang ako eh.
"I saw her" biglang sabi ni Alyssa
"Huh sino?" Takang tanong ko kasi di ko alam kung sino yung tinutukoy niya pero di sya sumagot. Biglang nag iba yung aura ni Ly, sobrang nakakatakot.
Nilabas niya yung kamay niya galing sa bulsa. Shet dumudugo yung palad niya. Hinarap ko siya at tinapik sa pisngi
"Ly kalma" Sabi ko, sa tagal ko siya nakasama ngayon ko lang nakita na ganito siya kalala. Nang matauhan siya ay hingal na hingal siya na para bang hinabol siya ng aso
Dumating na yung driver nila para sunduin kaming dalawa. Sobrang tahimik niya padin.
"Ly okay ka na?" Nag aalala na talaga ako sa kanya dahil sa nakita ko kanina
"Marge may itatanong ako" Plain niyang sabi kaya tumango lang ako
"Mukha ba akong okay?" leche talaga 'to.
"Ewan ko sayo nakakainis ka na" Sagot ko lang tas tumingin nalang sa daan kasi baka makurot ko siya.
Narinig ko naman na tumawa siya, nag iba nanaman yung mood niya. Nababaliw na ata.
Alyssa's POV
Sinusubukan ko na pakalmahin yung sarili ko kasi bakas sa mukha ni Marge yung pag aalala kaya inaasar ko nalang para gumaan naman yung mood. Nawala ako huwisyo kanina, siguro dahil sa nakita ko siya. Gusto ko siyang saktan pero di pa ngayon yung oras.
Nakarating kami sa bahay, dumiretso na dito si Marge kasi pupunta din naman parents niya mamaya dito mag didinner.
"Ly patingin nga ng kamay mo" Nandito kami sa kwarto ko, magpapahinga muna kasi nag luluto pa si mom mamaya for dinner and tinutulungan naman siya ni dad
Ayaw ko sanang ipakita pero hinila niya kamay ko, napangiwi naman ako kasi apaka hapdi pa nung sugat ko takte naman
"Ly bat ang dami mong peklat sa palad mo mo?" Tinanong niya ako pero di ko siya sinagot. Kinuha niya yung isang kamay ko para tignan kung meron rin ba pero wala. Sa right hand ko lang talaga may peklat, sa tuwing nagagalit ako ganito lang ginagawa ko para kumalma.
"Wala ka namang ganito dati eh, Kelan pa 'to?" Dami niyang tanong pero di ko padin sinasagot, ayaw ko muna mag kwento. Napa buntong hininga naman siya, kasi alam niya na ayaw ko muna mag kwento kapag di ko sinasagot yung mga tanong niya.
"Ly dito lang ako para mapag sabihan mo, wag mo kalimutan" Paalala niya sakin, tama nga naman. Parang kapatid ko na din si Marge eh pero di pa tamang panahon para malaman niya lahat, sasabihin ko din naman pero di ko pa kaya.
Den's POV
"Den kakain na tayo baba ka na" Sigaw ni Fille mula sa baba, grabe talaga bunganga neto di ko alam kung bat baliw sa kanya si Gretch, maganda naman siya pero apaka bungangera lang talaga.
Bumaba na ako at tumabi kay Ella.
"Ang tagal mo bumaba Den gutom na ako" Reklamo niya jusko naman di pa ba siya nabusog sa kinain niya kanina?
Tahimik lahat na kumakain halatang gutom eh wala namang ginawa buong araw kundi tumambay sa dorm
"Sino mag huhuhas ngayon?" Tanong ni Dzi, team captain namin. Nag tinginan lahat kay Ella na nakapikit tas hawak pa yung tiyan niya. Lakas talaga netong babae na to hays pero love ko padin si Ella no kahit matakaw 'to sobra
"Kaming dalawa po cap" Sagot ko kasi wala atang plano sumagot si Ella.
Nag sitayuan naman silang lahat at pumunta sa sala para mag movie mara. Niligpit ko na yung mga plates tas ibang ginamit para makapag start na kami mag hugas.
"Besh ang bait ni Lord sakin ano?" sabi niya habang binabanlawan yung mga sinabunan ko.
"Bakit naman?"
"Sinagot niya yung wish ko na sana mabusog ako ng sobra ngayong araw" Ang seryoso pa ng pagkasabi niya kaya pinipigilan ko nalang na tumawa baka magalit pa.
Ang saya talaga kasama ni Ella walang malungkot na moments kasi hahanap talaga yan ng paraan para mapatawa ako. Happy pill siya ng buong team kaya pag andyan si Ella puro tawanan lang ang nangyayari.
Alyssa's POV
Kanina lang kami natapos kumain at nagpapaalam na sila tita Maris na umuwi pero si Marge naman ay nagpa iwan dito lang muna daw siya matutulog. Pinag bigyan naman siya kaya eto ang hyper nanaman.
"Ingat kayo Oge, ingat sa pag mamaneho umuulan pa naman" Sabi ni Dad kay tito George.
Nang makaalis na sila ay tinulungan ko si mom na mag ligpit tapos nasa sala naman si dad at Marge na nanonood ng soccer game.
"Ly masaya kami ng daddy na umuwi ka na" Sobrang laki nung ngiti ni mom kaya lumapit ako sa kanya at hinarap siya saakin
"Di na ako aalis mom, dito na ako"
"Thankyou anak" niyakap niya ako ng mahigpit, 'to yung pinaka na miss ko sa lahat. Masaya ako na nakasama ko na sila ulit. Pero masakit lang isipin na di na kami kompleto.
