"Mommy namiss ko kayo!" Sigaw ni Marge nung sinalubong kami ni tita Maris at tito George
"Alyssa ang tangkad mo na ah, mas matangkad ka pa sa anak ko" Napa busangot naman si Marge sa sinabi ng daddy niya
"Daddy konti lang naman lamang ni Ly sakin eh" Ayaw magpatalo talaga
"Oo na sabi mo eh tara na, ihahatid pa natin sa Alyssa sa kanila" Natatawang sabi ni tito tas umiling kasi ayaw magpa awat ng anak niya.
Nilagay naman namin yung mga bagahe sa likod ng sasakyan at umalis na.
"Nga pala mga anak, tatanggapin niyo ba yung offer ng Ateneo sa inyo?" Tanong ni tita Maris na naka upo sa harap
"Opo mom sabay kami ni Baldo syempre maglalaro padin kami no, MVP din kaya 'to" Inunahan ako ni Marge sabay suntok ng mahina sa balikat ko.
Napa buntong hininga ako sabay pikit, susubukan kong matulog kasi masakit ulo ko. 13 hours ba naman yung byahe. Hinahayaan ko lang na magdaldal si Marge hanggang sa makatulog ako
"Alyssa gising! Dito na tayo sa harap ng bahay niyo"
"Grabe ka naman maka yugyog no ang sakit sa balikat Margarita" bumaba na ako ng sasakyan at kinuha ko yung gamit ko sa likod. Iimbitahan ko pa sana sila na pumasok sa bahay pero sabi ni tita gabi na baka sa susunod na araw nalang daw ay bibisita sila dito.
Tuluyan na silang nakaalis. Ilang beses kong pinindot yung doorbell bago may bumukas ng pintuan.
Nagulat si mom nung ako yung nakita niyang bumungad sa kanya
"Mom? Tatayo ka lang ba dyan?" natatawa kong sabi sa kanya. Hinimas niya yung mukha ko "Totoo ba to?" Di siya maka paniwala na nasa harap niya yung anak niya, naiyak si mom sabay yakap sakin
"Alyssa, anak" humihikbing sabi ni mom, nahampas niya ako sa balikat kasi naiinis siya bat di daw ako nagsabi man lang na uuwi. Sobrang saya naman ni dad nung nakita niya ako. Nakakamiss makita yung mga ngiti nila buti nalang talaga umuwi ako.
Pinagluto ako ni mom kahit sobrang late na, pinipilit niya talagang gutom ako kahit di naman kasi kumain naman ako sa eroplano kanina.
"Yan anak ang paborito niyo ni Alex, sinigang" sabi ni mom sabay lapag niya nung niluto niya sa lamesa.
Bigla naman akong nalungkot. Nandilim yung paningin ko, pinakalma ko yung sarili ko sa pag kuyom ng kamay ko sa ilalim ng lamesa para di nila makita
"Anak?" Natauhan ako sa pag tawag sakin ni mama
"Okay ka lang?" Tanong ni dad
"Opo pagod lang ako" Pagdadahilan ko kasi ayaw ko mag alala sila sakin
"Sige bukas mo nalang kainin to pahinga ka na sa kwarto mo" Inalalayan ako ni mom tumayo kasi nanghihina din tuhod ko
Ganito nararamdaman ko kapag naaalala ko si Alex o di kaya naririnig ko yung pangalan niya. Nadedemonyo ako sa tuwing pumapasok sa isip ko na nawala siya dahil lang sa isang walang kwentang tao at di ko matanggap yon.
Hinatid ako ni mom sa kwarto. Walang pinagbago yung kwarto ko, kung ano yung itsura 6 years ago ganon padin. Di ako nakauwi nung pagkamatay ng kapatid ko kasi sobrang daming gawain sa school at di ko din kaya umuwi tas makikitang ganon yung nangyayari sa pamilya ko. Nagkunwari ako na parang walang nangyari pero di padin maiiwasan na maalala ko lahat.
Den's POV
"San tayo kakain?" Tanong ni Ella pagkalabas namin ng simbahan. Sunday ngayon tapos walang training kaya naisipan namin na mag simba tas kumain pagtapos
"Grabe Ells ha inantay mo lang talaga maka labas tayo ng simbahan para tanungin yan" pagbibiro ko sa kanya kaya tinignan niya ako ng masama
"Pinag pray ko naman na sana mabusog ako ngayong araw, sana sagutin yon ni Lord" Grabe talaga tong buliliit na to
"Hoy grabe ka hahaha tara na nga ikaw talaga"
Sa Eastwood kami pumunta sakto naman at bukas na. 11 pa din naman kaya nag ikot ikot kami bago kumain.
"Besh pili ka sapatos tas kung ano mapipili mo ganon din yung akin para matchy matchy tayo" Andito kami sa Nike Store, ang gastos talaga ni Ella kahit papaano nako kung ako nanay neto papagalitan ko talaga 'to
"Eh ikaw na pumili since libre mo naman eh" Sinisigurado ko lang talaga kung libre nya ba talaga baka kasi matulad ako kay Fille na pinagbayad niya hahahah
"Oo nga libre ko, wag ka mag alala di ka matutulad kay Fille" Tinawanan niya ako kasi alam niya talaga ano nasa isipan ko
Pagtapos namin bumili ay naglakad na kami papuntang Mcdo. Nahagip ng mata ko yung babaeng nakatayo sa may di kalayuan. Parang si Alexa, kinabahan ako bigla.
"Den huy anyare sayo?" tanong ni Ella kasi napahinto ako sa paglalakad. Pumikit ako baka namamalikmata lang kasi pag dilat ko wala na siya don
"Wala besh tara na gutom lang 'to" Hinila ko na siya para mag lakas na ulit
Habang kumakain kami ay di mawala sa isip ko yung nakita ko kanina. Parang si Alexa talaga yung nakita ko, nababaliw na ata ako.
"Den di mo nagalaw masyado yung pagkain mo, akala ko ba gutom ka?"
"Masakit ulo ko besh. Gusto mo sayo na?" Offer ko sa kanya at di naman siya nagdalawang isip na kunin yung pagkain ko, Ella talaga.
Nagpaalam naman ako na mag ccr lang, di padin naman siya tapos kumain. Nag hilamos ako at inayos yung sarili ko.
"Den alam ko miss mo na siya kaya umayos ka okay? Kahit ano nalang nakikita mo eh" Sabi ko sa sarili ko hays ewan baka nga miss ko lang talaga siya.
Pagkatapos ko mag ayos ay lumabas na ako ng cr. Nag text si Fille na umuwi ng 6 kasi may curfew kami kaya may nabangga ako kasi di ako nakatingin sa daan
"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo" Natigilan ako sa boses na narining ko. Mag sosorry na sana ako kaso nawala nalang siya bigla. Pumasok ako ulit comfort room para hanapin siya pero di ko alam saang pinto siya pumasok kaya lumabas nalang ako ulit para bumalik kay Ella.
Pagkabalik ko ay saktong tapos na si Ella kaya inaya ko na siya bumalik ng Dorm kahit mag aalas dos palang ng hapon
"Den kanina ka pa wala sa sarili mo, napapansin ko lang"
Sabi ni Ella habang nag dadrive at nakatingin ng diretso sa daan
"Masama lang talaga pakiramdam ko Ells gusto ko matulog" Nakapikit na ako kasi ang gulo ng isip ko.
"You're a falling star, you're the get away car"
"You're the line in the sand when I go too far"
Rinig ko mula sa radyo na naging dahilan sa pagtulo ng luha ko. Fave song ni Alexa yon. Simula nung nawala siya ay parang kulang nadin ako, lahat nalang ng nakikita ko ay siya yung naaalala ko. Ang saya sana ngayon kung andito pa siya. Ang saya sana kung di lang ako naging tanga.