05

115 0 0
                                    

Alyssa stared at Dennise and then bumaba ang tingin niya sa leeg neto. She swallowed the invisible lump on her throat dahil kinakabahan siya.

Tinulak siya ni Den at tumayo 'to na ikinagulat niya naman kasi nauntog yung ulo niya sa sahig.

"YOU PERVERT!" Sigaw ni Den at tinakpan yung dibdib niya. Alyssa's eyes widened sa narinig niya at tumayo.

"Woah-woah! Easy, wala akong ginawa what the heck?!"

"Bastos ka! Get out!" Di na napigilan ni Den ang hampasin si Alyssa. She's trying her best na hulihin ang mga kamay ni Den para tumigil na 'to.

Paatras sila ng paatras hanggang sa maramdaman ni Alyssa ang malamig na pader sa kanyang likod.

Nahuli niya ang mga kamay ni Den at saka tinignan ito ng diretso sa mata.

Namumuo nanaman yung galit sa puso ni Alyssa at di niya namamalayan na humigpit na yung hawak niya sa wrist ni Den at dumilim na yung paningin niya.

"Alyssa bitaw masakit" rinig niyang sabi Den na mangiyak ngiyak pero wala siya sa kanyang sarili at mas hinigpitan pa ang kanyang pagka hawak.

"ALYSSA NASASAKTAN AKO ANO BA?!" Sigaw ni Den na namumula at umiiyak na dahil sa sakit.

Natuuhan siya dahil sa sigaw ni Den at binitawan ang mga kamay neto. Tinitigan niya si Den at nilagpasan.

Dire diretsong naglakad si Alyssa at nagulat siya na andon ang mga teammates nila sa may pintuan na nakatulala pero walang pake si Aly at nilagpasan lang din sila.

Sinundan siya ni Marge kasi pati siya nagulat sa ginawa ng kaibigan niya.

"Alyssa san ka pupunta?"

Hinablot niya ang braso ni Ly but Alyssa swatted her hand away. Nagulat si Marge kasi that's the first time na ginanon siya.

"You've been acting weird since we got here Ly, what's your problem ba? Please tell me!"

Alyssa just stared at her with a blank expression.

"Hayaan mo muna ako"

Tumalikod siya at iniwan ang kaibigan niya. Marge sighed in defeat at hinayaan nalang ang kanyang kaibigan na umalis.

-------------

"Den are you okay?" Tanong ni Gretch at nakita ko namang siniko siya ni Ella

"Mukha ba siyang okay ha?" bulong ni Ella

"I'm okay" sagot ko lang habang hawak hawak yung pulsohan ko. Namumula ito. Nanginginig parin ako dahil sa takot.

"Grabe nakakatakot si ate Ly kanina"
Sabi ni Mich. Lahat sila gulat sa nangyari pati ako. Yung galit na nakita ko sa mga mata niya kanina, kakaiba.

"Hey"

Napalingon kami sa nag salita and it was Marge. Lumapit siya sakin at hinawakan ang braso ko.

"Guys, Dennise. Ako na mag sosorry sa ginawa ni Alyssa. I don't know kung ano nangyari sa kanya"

Marge gave us an apologetic look kaya tumango ako.

"Pero dapat mag sorry siya kay ate Den" sabi ni Bea

"Yeah, try ko siyang kausapin bukas. Sorry ulit" Tumayo na si Marge at ngumiti ng tipid saakin saka umakyat sa taas.

Niyakap nila ako. Kinwento ko na din sa kanila kung ano ang nangyari kanina.

-----------

Kanina pa naka tulala si Alyssa sa higaan at nakatingin lang ceiling ng room niya.

Before UsWhere stories live. Discover now